Thursday, November 27, 2008

gee, thanks!

Photobucket
NGAYON lang ako nahimasmasan dahil sa dami ng ginagawa kaya ngayon din lang nakapag-update ng mga nangyari sa Komikon. Isang salita lang ang makaka-describe sa naganap na comics experience: awesome! And I guess all those who became part of the event share the same feeling.
Medyo nakakakaba at nakaka-intimidate noong una lalo na para sa kaibigan/illustrator ko na si Novo Malgapo. Sinabihan ko na kasi siya na huwag mag-expect masyado kahit pa maganda ang aming komiks. Mahirap tantiyahin ang market, posibleng umuwi kaming luhaan at kung may mabenta man ay kulang pang pamasahe papauwi.
Buti naman at giniyahan kami ng mga bathala ng komiks at medyo nakaubos ng kopya. Hindi ko na-anticipate ang mangyayari na ganoon pala karami ang tao.
One hour na akong nakapag-display ng mga komiks pero wala man lang tumitingin… nakakalungkot. May hahawak pero di naman bubuklatin. Mas madalas pa akong mapagtanungan kung saan ang booth ni ganito o ni ganoon. Pero bago mag-alas dose ay nakapagbenta na ako, and before I knew it, mauubos na pala.
Maraming mga taga-old industry na hindi na umabot ng kopya. Nang dumating si Novo halos 3 kopya na lang ang di nabebenta. Isang kopya na rin lang ang naibigay ko sa illustrator ng ‘I Have A Dream’ na si Philip Cruz (na kasama sa booth ng SKP). Marami akong hindi nabigyan ng free copy.
May mga tinda rin akong joke books at ilang rare foreign comics. Ang koleksyon ko ng “Swamp Thing” ni Alfredo Alcala ay pinakyaw ng kanyang anak. Naubos din ang mga extra kong tinda. May dala akong mga old Pinoy komiks pero pang-display lang for some nostalgic effect.
Nagsisi ako na hindi nakinig kay Gener Pedrina na magpakopya ako ng marami ng dalawang edisyon ng FIK. Alam n’yo bang sa takot ko na baka di mabenta, sabi ko sa kanya ay 20 copies lang ang ipagagawa ko? Nagpagawa ako ng 70 copies—at alas dos pa lang halos wala nang natira. Sayang.
Now I know na meron na talagang market ang indie comics. Salamat sa mga nagsidalo lalo na sa mga nakilala ko nang personal.
Masaya ako para sa kapamilya na si Rommel ‘Omeng’ Estanislao (of Anak ng Tupang Itim and Hero Ang Bagong Bayani) dahil sold out din siya. Nakagawa si Omeng ng kakaibang concept na talagang mabenta. Siya rin ang tumulong sa akin, halos hindi natulog maipa-print lang namin ang komiks ko. Salamat. Suwerte ng GF mo sa ‘yo, Omeng!
Isa pang kapamilya na malaki ang naitulong sa akin ay si Ner (aka Sanduguan). Maganda rin ang benta niya. Si Ner ay kasama rin sa Bayan Knights at Lapis Ko ‘To group.
Salamat din sa aking managing editor ng The Buzz Magasin na si Athena ‘Tintin’ Fregillana, bago naming art director na si Willy Dizon (tinulungan nila ako sa layout), at creative department artist Paul Del Rosario (na nagpa-Jollibee). Ang kaibigan kong si Rocky Villena ay umuwi pa mula South Korea para lang samahan ako sa event. Thanks, Rock!
Salamat kina Gerry Alanguilan, Gilbert Monsanto at John Becaro para sa free comics. Salamat din kay Jonathan Salazar ng Subway Productions na nagbigay ng space sa amin nang medyo naging masikip na ang table namin. You’re great, man.
Salamat sa mga taga-old industry na dumalaw sa aming puwesto. It’s nice to see you again, mga kapatid.
Salamat sa mga bumili ng Filipino Independent Komiks. I’m sure na nasiyahan kayo sa storytelling nina Novo Malgapo at Philip Cruz.
Higit sa lahat, salamat sa organizers ng Komikon for creating the emerging comics market.
Photobucket
FILIPINO INDEPENDENT KOMIKS # 1

Photobucket
OMENG ESTANISLAO (ANAK NG TUPANG ITIM, HERO ANG BAGONG BAYANI)

Photobucket
OMENG WITH HIS SWEETHEART

Photobucket
OMENG AT MGA KABARKADA

Photobucket
NER PEDRINA OF SANDUGUAN

Photobucket
JONATHAN SALAZAR OF SUBWAY PRODUCTIONS

Photobucket
TSONGKIBENJ OF THE BUZZ MAGASIN

Photobucket
NER, JEFF ONG, NOVO MALGAPO, ME

Photobucket
TOP SHOT OF OUR TABLE

Photobucket
THE COMICS JUNKIES

Photobucket
Photobucket
Photobucket
AKO KASAMA ANG MGA KAGANDAHAN

NAGING kontrobersyal ang kuwentong "I Have A Dream" at may mga nag-e-mail sa akin na masyado raw mabigat sa dibdib.
Photobucket

LAHAT namang nakabasa ng "Kriminal" at "Sagrado" ay humanga sa husay ng execution ni Novo lalo na ang pahinang ito.
Photobucket

(Photos courtesy of Omeng Estanislao)

Monday, November 24, 2008

alquin pulido's joke books!

DATING kartunista sa komiks si Alquin Pulido bago nagpasyang maging writer. At dahil kartunista, nahuhulaan na siguro ninyo ang kanyang genre—comedy, though may mga pagkakataon na nagsusulat din siya ng horror at drama.
Hindi makalimutan ni Alquin ang pagiging kartunista kaya sa mga libreng oras niya ay gumagawa siya ng strips. Nang marami na ay dinala niya sa mga publications. Nanghinayang naman siya sa liit lang ng iniaalok na presyo kaya nagdesisyon siya na siya na rin ang magpa-publish. Itinatag niya ang Silver Pages Publishing at posibleng by next year (2009) ay mag-full blast siya sa pagiging publisher. Tamang-tama dahil malakas ngayon ang mga joke books.
Naririto ang mga joke books niya na posibleng nasa mga bookstores, magazine outlets at mga suking tindahan na ngayon. Dahil busy siya sa pagiging writer sa TV at gusto rin niyang makapagbigay ng break sa ibang kartunista, pwede kayong mag-pitch ng inyong cartoon characters/strips sa kanya. Heto ang kanyang e-mail address: alquinpulido@yahoo.com
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

Tuesday, November 18, 2008

filipino independent komiks # 2 preview

DALAWANG isyu ng FIK ang ilalabas ko ngayong Komikon 2008, heto ang isa pa. Medyo nag-experiment ako rito by asking seasoned cartoonist Philip V. Cruz Jr. (SKP) na magdrowing ng isang kuwentong drama. Maganda naman ang naging resulta. Nakakaiyak. Parang 'yung linya sa awiting 'Sad Movies' na, "And in the middle of the colored cartoon I started to cry..."
Ang cover illustration and layout ay ang isa ring napakahusay (at napakaraming stalker) na si Rommel 'Omeng' Fabian ang gumawa. Salamat, Omeng... talagang basta para sa Philippine komiks industry ay game ka. Manang-mana ka kay Kuya Randy!

Photobucket
Photobucket

Sunday, November 16, 2008

filipino independent komiks preview

Photobucket

ITO ang isa sa gaganaping Komikon na masyado akong excited. Una ay dahil independent ako kaya malaya kong nagawa ang mga komiks na gusto kong gawin. Ikalawa at pinakamahalaga, naka-partner ko ang illustrator na napakahusay at laging sinasabi sa akin na marami pa siyang tinutuklas sa kanyang art—isang patunay kung gaano kalayo ang kanyang mararating dahil sa kabila ng kanyang angking talento ay hindi pa pala siya tumitigil sa pagkatuto. Maraming salamat sa pagguhit mo sa aking kuwento, Novo Malgapo.
Nagbalik ako sa dating ako sa pagsusulat ng komiks na laging may nakatagong mensahe sa kuwento at marahil ay nahagip ng sensibilidad ni Novo ang kung anuman na nais kong iparating sa makababasa ng kuwentong ito, kaya habang binabasa ko ang mga ipinadadala niyang natapos na pahina, kinikilabutan ako. Maaari ninyong bigyan ng interpretasyon ang kuwento sa maraming paraan at kahulugan, ngunit mas tatanim tiyak kung paano inilahad ni Novo sa pamamagitan ng kanyang sining ang kuwento.
Ngayon pa lang, ang mga papuri mula sa mga makababasa ay ibinibigay ko na kay Novo Malgapo…

Saturday, November 8, 2008

'art books for sale!' (SOLD OUT)

HINDI ko na ito na-update kasi may bumili na po lahat ng art books na nasa akin a couple of days after I posted this. Hmmm, maganda palang negosyo ito!

Photobucket

Wednesday, November 5, 2008

'dangerous curves ahead!'

Photobucket

NAKITA ko sila sa Loop (ground floor ng ELJ Building, ABS-CBN) kung saan maraming kainan. Siyempre pa, nagkakandahaba ang leeg ng mga kalalakihan, at may halong inggit naman ang mga kababaihan.
Sila ang mga kandidata sa Miss Earth 2008.
Ang mga Pinoy ay natural na attracted sa mga dayuhang babae lalo na kung mga kandidata sa beauty contest. Parang nabuhay si Barbie. Ang gaganda, ang tatangkad, ang hahaba ng hair, ang gaganda ng mga mata, ang liliit ng beywang, ang… (walang katapusang paghanga).
Noong araw ring iyon ay nakasabay ko ang ilan sa kanila sa pagbili sa Ministop na nasa ground floor din ng ELJ Bldg. Grabe ang legs ni Miss Britain. Nagtama ang mga mata namin ni Miss Costa Rica at nang ngumiti siya sa akin, nag-panic ang memorya ko sa ilang Spanish words na natatandaan ko just to say something (read: impress) to her. Pero wala akong mahagilap sa gunita. ¡Ay, caramba!
Sinabihan ko ang dalawa kong female officemates na kasama ko na huwag masyadong didikit sa mga beauty contestants. Though pareho naman silang pretty, nang mapatabi sila sa mga kandidata ay kitang-kita ang mga pagkakaiba. Ang sama ko raw, sabi nila.
Naalala ko rin si Ginoong Gerry Alanguilan na nagkasakit pala habang nagre-research ng “War of the Worlds” para sa kanyang posibleng comics project abroad. Dapat niyang makita ang naggagandahang aliens na ito, for future reference, at para mabanat naman ang mga ugat niyang barado.
Mahilig tayo sa magagandang dayuhan. Noong 1994 Miss Universe Beauty pageant na ginanap dito ay naging crush ng bayan si Miss Belgium. Marami ring nalungkot nang hindi man lang siya napapasok sa Top Ten. May mga barakong Pinoy na nagkaasawa o nagkasyota ng mga dayuhang beauty titlist.
Photobucket
Pero ‘ika nga ay hanggang sa mata lang ang paghangang ito at hindi dapat lumalim. At the end of the day, pag nakabalik na ang mga naggagandahang dilag na ito sa kani-kanilang bansa, balik din tayo sa katotohanang married na tayo o kaya’y may syota—na siyang totoong Miss Universe ng ating buhay.
(Note: Miss Earth 2008 candidates photo by Bullit Marquez/AP)

Monday, November 3, 2008

saklay at gitara

Photobucket

JAZZ ang nickname niya. I’m not sure kung Jacinto ang tunay niyang pangalan. Ilang araw ko na ring iniisip ang family name niya pero di ko ma-recall. Year 2004 pa kami huling nagkita, and I miss the guy.
Nakasama ko si Jazz sa isang publication sa may E. Rodriguez Avenue, Quezon City. Natatandaan pa siguro siya ng mga nobelistang nag-contribute doon.
Ipinanganak si Jazz na may depekto—hunchback, may polio. Baka mga 4 feet lang ang height. Nakasaklay. Sayang nga dahil guwapo—tsinito, matangos ang ilong, medyo kulot, moreno.
Pinsan siya ng may-ari ng publishing kaya no choice ako nang sabihin na magtatrabaho si Jazz doon bilang layout artist. Usually pag nag-uumpisa ako ng publishing, gusto ko ay ako ang kukuha ng mga tao, but since may puso rin naman ako sa mga person with disability (PWD) okey na rin. Tinesting ko siya at marunong naman, though kailangang alalayan. Nang makakuha ako ng talagang artist, si Jazz ang naging typesetter.
Dahil siguro sa kanyang kalagayan ay medyo aloof si Jazz. Lagi lang sa kanyang cubicle kahit walang ginagawa. Hindi nakikihalubilo sa ibang staff na kinuha ko (mga galing Kislap na ang libangan ay pag-usapan ang kanilang dating amo na si “Misis” kung kanilang tawagin). Mahilig siya sa music at mahusay kumanta’t maggitara. Isa siya sa mga nakita kong gifted pagdating sa music.
Pero dahil nga naman ang designation niya ay artist, may isang insidente na ipinilit niya na ang size ng cover ay ang ginawa niya. May actual size dummy ako na ginawa na hindi kasukat ng layout niya, pero sabi niya ay siya ang tama. Ganoon daw kasi silang maggawa ng sukat sa isa pang publishing na pag-aari rin ng pinsan niya. OK, ang pinagtatalunan namin ay ang “bleed”… at dahil sabi niya ay ang sistema na ginagamit nila ang dapat masunod, pumayag ako at ipinadala na sa colorsep ang materials.
Pagbalik, mali nga ang sukat. At kailangang magpa-colorsep uli. Natahimik si Jazz dahil sabi ng pinsan niya, paano ngayon ‘yan… ang mahal ng pa-colorsep. Pagkaraan ng ilang minuto, sinabi kong bawasin na lang sa suweldo ko ang magagastos.
Kinabukasan ay malungkot siya. Bandang alas tres ay lumapit siya sa akin at nag-sorry. Sabi ko okey lang. Babayaran daw niya ako dahil siya naman ang nagkamali. Sabi ko huwag na, sa susunod na lang at tumawa ako at sinabi kong kalimutan na lang iyon. Ganoon talaga; shit happens sabi nga ni Forrest Gump.
Mula noon ay medyo naging loose na si Jazz at madalas nang tumabi sa puwesto ko. Nagtataka raw siya na hindi ako gaya ng ibang editor na laging mainit ang ulo. Sabi ko naman, hindi dapat umiinit ang ulo sa trabaho.
Pagkakatapos ng lunchtime ay nagda-jamming kaming dalawa. Siya ang tumutugtog at ako ang kumakanta—nonstop—ng halu-halong musika—from “Matud Nila” hanggang sa “How Can You Mend a Broken Heart” at ang usung-uso noon na “S2pid Luv.” Tuwang-tuwa siya dahil may sayad din daw pala ako.
At dahil trip na trip niyang gumamit ng electric guitar at meron ako sa bahay, pag weekend ay nagpupunta siya at tumutugtog. Hindi na nga lang ako kumakanta dahil baka hindi na ako irespeto ng mga kapitbahay namin pag narinig kung paano ako bumirit.
Sa opisina ay nakagawian ko naman na gamitin ang saklay niya na tinawag kong AK-47. Sabi sa akin ng pinsan niya, buti raw at pumapayag si Jazz na paglaruan ko iyon. Sa isa raw niyang publishing na pinanggalingan ni Jazz, nagagalit ito kapag pinakikialaman ang mga saklay. Kahit hipuin lang, hindi puwede. Naisip ko, siguro ganoon lang niya ako nirespeto kaya ang isang bagay na sagrado sa kanya ay okey lang na paglaruan ko.
After a year ay lumipat sa Bulakan ang publishing at hindi na ako sumama. Madalas pa rin si Jazz sa bahay namin. Kung minsan ay isinasama ko siya pag may pinupuntahan ako. Minsang ginabi kami ay sa bahay siya natulog, okey na raw siya sa sofa. Hindi ako mapakali kung okey nga ba siya kasi parang ang hirap ng puwesto niya dahil sa kanyang likod. Kinabukasan, nang nag-aalmusal na kami ay painosente kong naitanong kung paano siya natulog, (pagpwesto ang ibig kong sabihin). Tumawa lang siya sabay sabing, “Nakapikit, bosing!”
Sinamahan ko rin siya sa ilang audition sa mga banda na naghahanap ng lead guitarist. Hindi siya nakuha, and the reason was obvious. Isang manager ng banda ang nagsabi sa akin na sayang nga raw dahil sobrang husay—mala-Mike Villegas ng Rizal Underground.
Nang mapapasok ako sa Manila Times at pagkatapos ay sa The Buzz ay hindi na halos kami nagkita ni Jazz. Nadukot pa ang cellphone ko na may number niya. Hindi ko alam kung nasa Bulacan pa siya o umuwi na ng Mindanao.
Naalala ko siya nang nilinis ko noong isang araw ang electric guitar at amplifier na napatambak na rin dahil walang gumagamit. Hindi ako mahusay tumugtog. Si Jazz pa lang ang gumamit ng gitara ko na tama ang tono at masarap pakinggan sa tenga.
Jazz, just in case na mabasa mo ito, get in touch. Jamming uli tayo!