DALAWANG isyu ng FIK ang ilalabas ko ngayong Komikon 2008, heto ang isa pa. Medyo nag-experiment ako rito by asking seasoned cartoonist Philip V. Cruz Jr. (SKP) na magdrowing ng isang kuwentong drama. Maganda naman ang naging resulta. Nakakaiyak. Parang 'yung linya sa awiting 'Sad Movies' na, "And in the middle of the colored cartoon I started to cry..."
Ang cover illustration and layout ay ang isa ring napakahusay (at napakaraming stalker) na si Rommel 'Omeng' Fabian ang gumawa. Salamat, Omeng... talagang basta para sa Philippine komiks industry ay game ka. Manang-mana ka kay Kuya Randy!
13 comments:
Kuya KC,
Pareserve ako ng mga komiks mo ha. Salamat.
-Mikail
mikail,
oo naman, sadik. ikaw pa!
-kuya kc
Kuya KC,
Paano ko ba makokontak si Novo? Tatanggap pa kaya siya ng trabaho for local komiks?
Gusto ko sana siyang kunin sa ginagawa naming project with Carlo J. Caparas. Same group ito na gumawa ng Darkpages.
Interesting 'yung concept ng project. Gusto ko rin sana na magsulat ka roon.
Usap tayo sa Komikon...tagay afterwards! Hehehe.
JEFF
Jeff,
a-attend ng komikon si novo, makikita mo siya sa table namin. sige, magkaroon tayo ng maboboteng usapan sa sabado. :)
aba! mukhang maraming maboboteng usapan sa sabado after ng komikon ahehehe. iba-ibang grupo nagyayaya. magsama-sama na lang kaya tayo para sakop natin ang buong sauna bath...este...restaurant
Abat...
Ayus yan! :)
Bossing pinost ko po itong komiks mo sa deviant account ko.
tito randy,
ihanda na natin ang bahay-serbesa!
omeng,
ayos nga. thanks!
Okey 'yan, Kuya KC! Pakilala mo na lang si Novo sa'min. Naging teacher ko tatay niya sa DYNACOIL noong araw. Kelangan namin ng illustrator na tulad niya. Bagay 'yung drawing niya du'n sa komiks na ginagawa namin. Traditional pero modern ang approach.
Kita-kits na lang sa Komikon! Dalawang tulog na lang. Excited na ako sa inuman. Hehe!
Siya nga pala, puwede po ba kami maki-squat sa pwesto mo? Magdadala kami ng konting kopya ng Darkpages para ibenta.
Thanks!
Jeff,
OK lang konti lang naman tinda ko. :)
Ok! Thank you!
KC... May ibang venue ka pa bang pagbebentahan nito? Di ako makakadalo sa Komikon, kaya't kung ibebenta mo ito sa ibang shops ay mas maigi.
sama ako!
Post a Comment