Sunday, November 16, 2008
filipino independent komiks preview
ITO ang isa sa gaganaping Komikon na masyado akong excited. Una ay dahil independent ako kaya malaya kong nagawa ang mga komiks na gusto kong gawin. Ikalawa at pinakamahalaga, naka-partner ko ang illustrator na napakahusay at laging sinasabi sa akin na marami pa siyang tinutuklas sa kanyang art—isang patunay kung gaano kalayo ang kanyang mararating dahil sa kabila ng kanyang angking talento ay hindi pa pala siya tumitigil sa pagkatuto. Maraming salamat sa pagguhit mo sa aking kuwento, Novo Malgapo.
Nagbalik ako sa dating ako sa pagsusulat ng komiks na laging may nakatagong mensahe sa kuwento at marahil ay nahagip ng sensibilidad ni Novo ang kung anuman na nais kong iparating sa makababasa ng kuwentong ito, kaya habang binabasa ko ang mga ipinadadala niyang natapos na pahina, kinikilabutan ako. Maaari ninyong bigyan ng interpretasyon ang kuwento sa maraming paraan at kahulugan, ngunit mas tatanim tiyak kung paano inilahad ni Novo sa pamamagitan ng kanyang sining ang kuwento.
Ngayon pa lang, ang mga papuri mula sa mga makababasa ay ibinibigay ko na kay Novo Malgapo…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
astig talaga ang piece na ito sir kc! old school ang dating!
Ingkong KC:
Hanip talaga ang guhit nitong si Novo Malgapo. Manang-mana sa kanyang ama. He-he. Grabe ang teaser. Talagang nakaka-L... as in nakaka-LUKSO sa tuwa. Paki-email naman ng mga pages para makita ko naman ang galing ninyong dalawa. Fantastic iyang title na nakaukit sa lupa.
BTW, Heather called me and told me about your email. Nagulat daw siya kung sino'ng OLD MAN yung binabanggit mo. He-he. Akala pala nitong babaing ito'y 35 years old lang ako. Muntik na akong maniwala. LOL.
JM,
sure, will send you the pages, mapapanganga ka kahit walang kaning isusubo sa tindi ng mga pahina ni novo. thank you also for editing the story, nabalanse ng ginawa mong caption ang essence ng message. iba ka talaga, old man! :)
BTW, bumalik 'yung mga ini-email ko, over quota na raw mailbox mo!!!
sir KC,
makakapag-release ba kayo nito outside komikon? sa mga komik shops like comics oddysey, etc.? para sa mga di makakapunta ng komikon?
jim
humawi,
sige, try ko pagkatapos ng komikon. salama. :)
Post a Comment