Monday, November 24, 2008

alquin pulido's joke books!

DATING kartunista sa komiks si Alquin Pulido bago nagpasyang maging writer. At dahil kartunista, nahuhulaan na siguro ninyo ang kanyang genre—comedy, though may mga pagkakataon na nagsusulat din siya ng horror at drama.
Hindi makalimutan ni Alquin ang pagiging kartunista kaya sa mga libreng oras niya ay gumagawa siya ng strips. Nang marami na ay dinala niya sa mga publications. Nanghinayang naman siya sa liit lang ng iniaalok na presyo kaya nagdesisyon siya na siya na rin ang magpa-publish. Itinatag niya ang Silver Pages Publishing at posibleng by next year (2009) ay mag-full blast siya sa pagiging publisher. Tamang-tama dahil malakas ngayon ang mga joke books.
Naririto ang mga joke books niya na posibleng nasa mga bookstores, magazine outlets at mga suking tindahan na ngayon. Dahil busy siya sa pagiging writer sa TV at gusto rin niyang makapagbigay ng break sa ibang kartunista, pwede kayong mag-pitch ng inyong cartoon characters/strips sa kanya. Heto ang kanyang e-mail address: alquinpulido@yahoo.com
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

4 comments:

erwinc said...

Ka KC,

Magaling na kartunista at comedy writer itong si Alquin Pulido. Nasubaybayan ko yung mga gawa nya sa Ayos Komiks dati. Nag serious illustration din sya using Mar Santana style pero sa comedy talaga sya nakilala.

Hanapin ko 'to sa mga bookstores.

Kitakits na lang tayo sa 5th Komikon :-)

Erwin

kc cordero said...

tsong erwin,
'langhiya ka, ang tagal pa noon, hehe.
oo mahusay talaga 'tong kababayan ko na ito. saka unique mga chracters niya, si mars ravelo ang idol niya.

Hazel Manzano said...

kc! shicks sorry... napansin ko lang yung subway kasi nakilala ko yung comic niya last mangaholix! sige sa susunod bibili me sayo!

Jim said...

Kc, ito pala, me article ka pala ni Alquin with email ad; email ko sha, siguro di na nya ako maalala haha.

Definitely papakyawin ko tong mga joke books nya;

Avid fan din ako ng serious artwork nya; actually ilang styles din yung gamit nya dati, kina Steve Gan, Mar Santana and yung last ata ke Nestor Malgapo nung mag-dynacoil sha.

Haayy reminscing...

Jimboy