Thursday, November 27, 2008

gee, thanks!

Photobucket
NGAYON lang ako nahimasmasan dahil sa dami ng ginagawa kaya ngayon din lang nakapag-update ng mga nangyari sa Komikon. Isang salita lang ang makaka-describe sa naganap na comics experience: awesome! And I guess all those who became part of the event share the same feeling.
Medyo nakakakaba at nakaka-intimidate noong una lalo na para sa kaibigan/illustrator ko na si Novo Malgapo. Sinabihan ko na kasi siya na huwag mag-expect masyado kahit pa maganda ang aming komiks. Mahirap tantiyahin ang market, posibleng umuwi kaming luhaan at kung may mabenta man ay kulang pang pamasahe papauwi.
Buti naman at giniyahan kami ng mga bathala ng komiks at medyo nakaubos ng kopya. Hindi ko na-anticipate ang mangyayari na ganoon pala karami ang tao.
One hour na akong nakapag-display ng mga komiks pero wala man lang tumitingin… nakakalungkot. May hahawak pero di naman bubuklatin. Mas madalas pa akong mapagtanungan kung saan ang booth ni ganito o ni ganoon. Pero bago mag-alas dose ay nakapagbenta na ako, and before I knew it, mauubos na pala.
Maraming mga taga-old industry na hindi na umabot ng kopya. Nang dumating si Novo halos 3 kopya na lang ang di nabebenta. Isang kopya na rin lang ang naibigay ko sa illustrator ng ‘I Have A Dream’ na si Philip Cruz (na kasama sa booth ng SKP). Marami akong hindi nabigyan ng free copy.
May mga tinda rin akong joke books at ilang rare foreign comics. Ang koleksyon ko ng “Swamp Thing” ni Alfredo Alcala ay pinakyaw ng kanyang anak. Naubos din ang mga extra kong tinda. May dala akong mga old Pinoy komiks pero pang-display lang for some nostalgic effect.
Nagsisi ako na hindi nakinig kay Gener Pedrina na magpakopya ako ng marami ng dalawang edisyon ng FIK. Alam n’yo bang sa takot ko na baka di mabenta, sabi ko sa kanya ay 20 copies lang ang ipagagawa ko? Nagpagawa ako ng 70 copies—at alas dos pa lang halos wala nang natira. Sayang.
Now I know na meron na talagang market ang indie comics. Salamat sa mga nagsidalo lalo na sa mga nakilala ko nang personal.
Masaya ako para sa kapamilya na si Rommel ‘Omeng’ Estanislao (of Anak ng Tupang Itim and Hero Ang Bagong Bayani) dahil sold out din siya. Nakagawa si Omeng ng kakaibang concept na talagang mabenta. Siya rin ang tumulong sa akin, halos hindi natulog maipa-print lang namin ang komiks ko. Salamat. Suwerte ng GF mo sa ‘yo, Omeng!
Isa pang kapamilya na malaki ang naitulong sa akin ay si Ner (aka Sanduguan). Maganda rin ang benta niya. Si Ner ay kasama rin sa Bayan Knights at Lapis Ko ‘To group.
Salamat din sa aking managing editor ng The Buzz Magasin na si Athena ‘Tintin’ Fregillana, bago naming art director na si Willy Dizon (tinulungan nila ako sa layout), at creative department artist Paul Del Rosario (na nagpa-Jollibee). Ang kaibigan kong si Rocky Villena ay umuwi pa mula South Korea para lang samahan ako sa event. Thanks, Rock!
Salamat kina Gerry Alanguilan, Gilbert Monsanto at John Becaro para sa free comics. Salamat din kay Jonathan Salazar ng Subway Productions na nagbigay ng space sa amin nang medyo naging masikip na ang table namin. You’re great, man.
Salamat sa mga taga-old industry na dumalaw sa aming puwesto. It’s nice to see you again, mga kapatid.
Salamat sa mga bumili ng Filipino Independent Komiks. I’m sure na nasiyahan kayo sa storytelling nina Novo Malgapo at Philip Cruz.
Higit sa lahat, salamat sa organizers ng Komikon for creating the emerging comics market.
Photobucket
FILIPINO INDEPENDENT KOMIKS # 1

Photobucket
OMENG ESTANISLAO (ANAK NG TUPANG ITIM, HERO ANG BAGONG BAYANI)

Photobucket
OMENG WITH HIS SWEETHEART

Photobucket
OMENG AT MGA KABARKADA

Photobucket
NER PEDRINA OF SANDUGUAN

Photobucket
JONATHAN SALAZAR OF SUBWAY PRODUCTIONS

Photobucket
TSONGKIBENJ OF THE BUZZ MAGASIN

Photobucket
NER, JEFF ONG, NOVO MALGAPO, ME

Photobucket
TOP SHOT OF OUR TABLE

Photobucket
THE COMICS JUNKIES

Photobucket
Photobucket
Photobucket
AKO KASAMA ANG MGA KAGANDAHAN

NAGING kontrobersyal ang kuwentong "I Have A Dream" at may mga nag-e-mail sa akin na masyado raw mabigat sa dibdib.
Photobucket

LAHAT namang nakabasa ng "Kriminal" at "Sagrado" ay humanga sa husay ng execution ni Novo lalo na ang pahinang ito.
Photobucket

(Photos courtesy of Omeng Estanislao)

20 comments:

Anonymous said...

Hi KC. Wow, congrats on your success sa komikon. How are you? it's been a while... Napansin ko lang na panaka-naka ay nababanggit mo pa rin ang pangalan ko. so far, dalawang blog mo na ang nabasa ko kung saan nabanggit mo ako. well, what can i say? siyempre, na-touch ako dahil hindi mo naman pala ako isinumpa kahit alam ko na kinontra ko ang ibang paniniwala at opinyon mo partikular 'yung mga bagay na may kinalaman sa first love mo (which is komiks, am i right?).

nagkamali ka nang isipin mo na hindi na ako nadadalaw dito sa blog mo (or web? dunno if that's the right way to call it. like you hindi pa ako ganun kabihasa sa net bagamat malikot akong mag-surf.)

madalas pa rin akong mamasyal dito at may mga sinasabi ka pa rin na minsan ay type kong kontrahin pero nagdadalawang-isip na ako dahil napansin ko na marami kang supporters dito. i want friends not enemies kaya naisip ko na mas mabuti kung tatahimik na lang ako at sasarilinin ang opinyon ko.

i hope you won't take it against me na may mga opinyon ka na gusto ko pa ring kontrahin dahil to be honest, mas marami kang opinyon, paniniwala at sinasabi na mas nagugustuhan at hinahangaan ko dahil alam ko na sa likod niyon ay isang tao na may paninindigan, prinsipyo at matinding determinasyon.

partikular na hinahangaan ko ang debosyon at pagmamahal na iniuukol mo sa komiks. nakakamanghang isipin na sa panahong bumigay na at umatras sa laban ang mga 'goliath' na nagtamasa ng sandamakmak na biyayang hatid ng komiks noong glory days nito pero ikaw ay nariyan pa rin.

naiisip ko tuloy na kung ang komiks ay naging babae, napakapalad niya dahil ang klase ng pagmamahal na iniuukol mo sa kanya ay handang makipagsabayan sa panahon.

hinahangaan at pinupuri ko ang walang sawa at tila walang kapaguran mong pagtatangka na muling mailuklok sa dati niyang pedestal ang komiks. naniniwala ako na kung ang mga dating nagmamahal sa komiks ay magiging kaisa mo lang ng damdamin at espiritu ay baka nga posible pang maibalik ang masasayang araw nito. I know you’re a really nice guy and certainly not the type to give up in the face of challenges so keep trying. And I know in the process you’ll find joy and will have no regrets because you gave it all.

Salamat din sa matiyaga mong pagba-blog at sa patuloy na pagbabahagi ng iyong mga karanasan. You may not believe it but you inspire me to do other things I'm afraid to do and forces me to rethink my thoughts.

‘yun lang kc at maglalaba pa pala ako. you take care.

Anonymous said...

KC,

Hebigat nga iyang gawa ni Novo, parang pang WARREN Publications ! hindi ka ba pwedeng umorder ng reprinting, maski 500 copies ?


Auggie

kc cordero said...

auggie,
madali lang ang reprint pero baka sa january na, medyo na-busy na, eh. susubukan ko rin kung puwedeng i-apply as second class mail sa koreo para mas mura kung may oorder. :)

Anonymous said...

Galing ni sir!

kainggit kayong mga nakadalo. At least masaya naman ako at successful, base sa mga nabasa ko rito.

Congrats na rin, po!

Anonymous said...

congrats sa success ng kimkon at sa success ng komiks mo, KC. Sana mag tuloy-tuloy pa.

kc cordero said...

bien and rey,
salamat. sana next year sumali na kayo at magsama-sama tayo sa iisang table. :)

kc cordero said...

cool mom,
maraming salamat din po sa muling pagsilip, at meri krismas na rin.
sa totoo lang ay na-miss din namin kayo. ang turing kasi namin sa inyo ay isang masungit na tita---pero may puso. at siyempre, ang mga anonymous na 'fans' ko ang makukulit mong pamangkin. :)
okey lang po na kinokontra ninyo ang mga opinyon ko, masaya nga, e. pare-pareho tayong natututo sa pagtatatalu-talo. kahit naman saang bagay ay may yin at yang para maging balanse ang lahat.
we hope to hear more from you again, mother. at siyempre, hinding-hindi namin kayo isusumpa. mga mukha lang kaming masasamang tao pero mababait sa totoong buhay, sabi nga ni jay ng kamikazee.
sana makabili kayo ng komiks naming mga indie. ang iba po ay nasa bookstores na at sana ma-review n'yo. we know that you're a sensible reader and can give us comments para mag-improve pa at hindi maging, uh, 'eewie' ang aming comic books, hehehe.

erwinc said...

KC The Archer, na-miss ko 'tong 4th Komikon gawa ng bisi-bisihan sa office hehe.. Paki reserve na lang ako ng komiks mo pag nagreprint ka sa January.. Erwin The Warrior :-)

Anonymous said...

Kuya KC and Kuya Omeng!

Di nyo naman sinabi sakin, ang lapit lapit ko sa UP edi sana nadalaw ko man lang yung exhibit! Anyways more power sa inyong dalawa! *hugs hugs hugs!*

kc cordero said...

erwin,

sure, may autograph pa!

shine,
oo nga, sayang. nakakita sana sila ng tunay na DYOSA, hehe. next year sponsor ka namin, ha? :)

Pert said...

Kakang KC, salamat sa e-mail mo. lagi akong nakasubaybay sa blog mo. congrats sa inyong success ni Novo ang galing ng drawing niya, parang Neal Adams. Keep it up.

pert

Anonymous said...

lolo KC! ako lang naman yata tumatawag sa iyo ng lolo, eh, kaya know mo na who i am. napadaan lang uli. pasikat ka na ng pasikat, pagaling ng pagaling, pa-rich ng pa-rich at paguwapo ng paguwapo. he he. kailangan magpakape ka na. ituloy mo na 'yung pang-iimbita mo na magkape sa starbucks. huwag kang puro drawing. invite mo ko, si jan and ta'beth. meron na rin akong blog, eh. ayoko pa lang ilantad dahil wala pang laman. he he. o,siya. pag-isipan mong mabuti kung magpapakape ka pa o hindi na. pero dapat lang. bawasan mo naman mga ka-wealth-ihan mo.

Mark Rosario said...

kuya kc,

kumusta po yung "best indie comics" contest nyo. natuloy po ba yun? sino po winner?

kc cordero said...

markus,
hindi ko nabili mga komiks. my plan is to ask syeri baet for the database of those who were in the tiangge section then i'll just raffle off the prize. kung sino mabunot, panalo. :)

kc cordero said...

pert,
salamat! kumusta na sina mang dell at super kapre?

lola flora,
sige, ituloy na natin ang kapihan! :)

Anonymous said...

Si Manny Camara ito, 'pre. Kung nandiyan laang sana ako sa ay pupunta ako dya-an sa komikon para laang magkatalamitam kata. Ay em beri prawd op yu, KC. Dahil sa'yo ay muling nabuhay ang komiks. Sabagay ay hindi naman yata namatay, ano? Nag-UG lang.

kc cordero said...

manny boy,
oy, pare... napapadaan ka na pala rito. kumusta d'yan sa thailand? dumating ka lang d'yan nagkagulo na, hehe.
btw, hindi naman nabuhay ang komiks dahil sa akin, maraming magre-react n'yan ay hindi naman ako komiks king. ako'y isang hamak na exhibitor lang dito sa komikon at nakikisaya sa mga batang komikero.
'yung kolum mo sa batangas post huwag mong kalimutan. saka mag-ipon ka d'yan, pagbalik mo sponsor ka sa komikon, hehe.
ingat, pare!

Unknown said...

kabayang kc,

mas okay sana kung nagparamdam ka before the event... sus... kami pa... di sana nagpunta rin kami. bibili rin naman kami pero kung may compli copy, siyempre.. dun kami sa libre hehehe.

ang daya mo raw, sabi ni weng...

see you soon.
umalis na nga pala si abu... dun na siya sa canada with aya.

ingats!

fina

Anonymous said...

Wow kumpleto barkada. I'm sure you are very close to your barkada. Gawan mo sila ng profile. Asteg tung site na nakita.

http://www.24ever.com.ph/

Anonymous said...

KC,

Si boss ophie ba si Cool Mom?
I want to extend my regards kung siya. I trained under her.

Manny C