Wednesday, November 5, 2008
'dangerous curves ahead!'
NAKITA ko sila sa Loop (ground floor ng ELJ Building, ABS-CBN) kung saan maraming kainan. Siyempre pa, nagkakandahaba ang leeg ng mga kalalakihan, at may halong inggit naman ang mga kababaihan.
Sila ang mga kandidata sa Miss Earth 2008.
Ang mga Pinoy ay natural na attracted sa mga dayuhang babae lalo na kung mga kandidata sa beauty contest. Parang nabuhay si Barbie. Ang gaganda, ang tatangkad, ang hahaba ng hair, ang gaganda ng mga mata, ang liliit ng beywang, ang… (walang katapusang paghanga).
Noong araw ring iyon ay nakasabay ko ang ilan sa kanila sa pagbili sa Ministop na nasa ground floor din ng ELJ Bldg. Grabe ang legs ni Miss Britain. Nagtama ang mga mata namin ni Miss Costa Rica at nang ngumiti siya sa akin, nag-panic ang memorya ko sa ilang Spanish words na natatandaan ko just to say something (read: impress) to her. Pero wala akong mahagilap sa gunita. ¡Ay, caramba!
Sinabihan ko ang dalawa kong female officemates na kasama ko na huwag masyadong didikit sa mga beauty contestants. Though pareho naman silang pretty, nang mapatabi sila sa mga kandidata ay kitang-kita ang mga pagkakaiba. Ang sama ko raw, sabi nila.
Naalala ko rin si Ginoong Gerry Alanguilan na nagkasakit pala habang nagre-research ng “War of the Worlds” para sa kanyang posibleng comics project abroad. Dapat niyang makita ang naggagandahang aliens na ito, for future reference, at para mabanat naman ang mga ugat niyang barado.
Mahilig tayo sa magagandang dayuhan. Noong 1994 Miss Universe Beauty pageant na ginanap dito ay naging crush ng bayan si Miss Belgium. Marami ring nalungkot nang hindi man lang siya napapasok sa Top Ten. May mga barakong Pinoy na nagkaasawa o nagkasyota ng mga dayuhang beauty titlist.
Pero ‘ika nga ay hanggang sa mata lang ang paghangang ito at hindi dapat lumalim. At the end of the day, pag nakabalik na ang mga naggagandahang dilag na ito sa kani-kanilang bansa, balik din tayo sa katotohanang married na tayo o kaya’y may syota—na siyang totoong Miss Universe ng ating buhay.
(Note: Miss Earth 2008 candidates photo by Bullit Marquez/AP)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Uy si Christine Roelandts!
Which reminds me, bakit kaya ipinagpalit ni Oggie Alcasid, ang waswit niyang Miss Australia, ki Miss Bocaue, Mi idea ka ba KC ?
Auggie
auggie,
ridiculed kasi ever since si ogie sa australia. tapos si michelle saka 'yung mga anak di maka-adapt sa klima natin. nang magkalayo, parehong nagkaroon sina michelle at ogie ng panibagong pag-ibig.
mangguguhit kasi kaya mahilig din sa guhit:)
Post a Comment