Thursday, January 15, 2009

callwork comics a stroke of genius

Photobucket

UNA akong nagkaroon ng awareness sa “Callwork Comics” na likha ni Hazel Manzano-Chua nang mag-attend ako sa nakalipas na Komikon noong November 2008 sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman. Habang patungo ako sa venue at sakay ng dyip ay naririnig ko ang ilang estudyanteng kasakay ko na isa sa priority nilang bilhin na komiks ang Callwork. Tungkol daw ito sa buhay ng mga taong nagtatrabaho sa mga callcenters.

Doon pa lang ay naisip kong stroke of genius ang ideyang ito ng creator ng nasabing komiks. Sa panahong ito na mahirap umagaw ng market para sa likhang magasin or comics, may captured audience na agad ang Callwork. Pinakasikat na trabaho ngayon ang pagiging callcenter agent. Kahit maliit na porsyento lang nito ang bumili ng nasabing komiks ay sigurado na ang return of investment para sa creator. At kung maganda talaga ang komiks at kumalat ang tungkol dito sa sirkulo ng mga callcenter agents, dito ngayon papatak ang sinasabing niche market, na bago pa man nalikha ang produkto ay nariyan na. Bukod pa rito ang mga mahihilig sa humor, comics junkies and impulsive book buyers.

Sa blog ng creator na si Hazel—na tinawag din niyang Callwork—sinabi niyang ang kanyang komiks ay, “a comic strip that pays tribute to all Business Process Outsourcing workforce here in the Philippines.” Una itong lumabas sa Manila Bulletin bilang comics strip. Incidentally, dalawa sa mga kaibigan ko ay may strips din sa nasabing diyaryo; sina Philip Cruz at Bladimer Usi.

Ayon pa kay Hazel, ang mga kuwentong inilalabas niya sa Callwork ay mga tunay na pangyayari at nilalagyan lang niya ng putahe ng humor. At aware siya sa mga callcenter humor dahil nasa ganitong linya rin ang kanyang propesyon.

Maging ako ay aksidenteng nakakasalamuha ng mga taga-callcenter at para sa akin sila ay mga interesting characters. Nakakasabay ko sila sa elevator, maging sa comfort room. Masasaya at maiingay—at nagkukuwentuhan gamit ang kanilang natutunang American twang. Most of the time, ang kanilang topic ay ang kanilang malaking suweldo, nakaaway na customer o kaya’y ang masungit nilang amo, gayundin ang kinaiinisang officemate. Topic din nila lagi kung saan masarap gumimik pagkatapos ng trabaho. Karamihan sa kanila ay laging naka-jacket at nakasalamin. Sa hugos ng mga tao sa loob man ng building, mall o kalye, hindi mahirap maka-spot ng isang callcenter agent.

Saludo ako kay Hazel for coming up with such a great comics. Sa mundo ng komiks na dominado ng mga kalalakihan, masarap makitang may isang rosas sa gitna ng mga tinik. Ito rin ang pagkakataon na makakita tayo ng artworks ng isang babae, maging ang kanyang sense of humor. Iba kasi ang sensibilidad ng babae pagdating sa arts, humor and storytelling. Malaking advantage ito para sa kanya.

And I think the Callwork Comics is doing great in the market. Couple of weeks ago ay nasa National Bookstore Glorietta ako at naghanap ng kopya nito. Iisa na lang ang nakita ko, hindi ko pa nabili dahil may nagbabasa at tawa nang tawa. Kung pagbabatayan ko ang kaanyuan ng nagbabasa na mukhang tatapusin ang buong komiks, isa siyang taga-callcenter. Sana naman ay binili niya ang komiks ni Hazel since malaki naman ang suweldo niya.

Kung pagbabatayan ko ang mga senaryong ito, ang konklusyon ko sa sa Callwork Comics ay komiks na may quality, enjoyable, funny, witty and relevant.

Thank you, Hazel, for your work of genius—a truly compelling read.

5 comments:

Mark Rosario said...

Agree ako dyan, KC. Nag-enjoy nga ako sa Callwork. Dalawang kopya nga ang kinuha ko eh - yung isa, pang-regalo sa isa kong kaibigan na sa call center nagtratrabaho.

So kahit di nya hilig ang comics, napabasa sya ng di oras kasi nga nakaka-relate sya. Heheheh...

Anonymous said...

Hello po, can i feature this review on komiks.i.ph?

kc cordero said...

rhardo,
sure. go ahead and spread the word. hazel couldn't be any happier. :)

Anonymous said...

KC,

Tama ka, stroke of genius nga ito. Susunod na diyan ang mga advertisers na mi koneksiyon sa industry, at nandoon talaga ang datung !



Auggie

kc cordero said...

auggie,
oo, kaya in the near future lalong magiging milyunarya itong si hazel. :)