Thursday, January 22, 2009

higanti comics must back with a vengeance

Photobucket

DALAWANG magkasunod na Komikon (2007 and 2008) na nakatabi ko sa puwesto si Jonathan Salazar ng Subway Productions, ang publisher ng Higanti. Napakabait ni Jonathan; last year ay nagbigay pa siya ng space sa akin sa table niya. Bumili siya sa akin ng Filipino Independent Komiks, at binili ko naman ang Higanti.

Ang Higanti ay kuwento tungkol kay Noel. Masaya silang nagsasama ni Ana nang sa kasamaang palad ay may pumaslang sa babae. After a few years, nag-resurface si Noel bilang si Timalos na espiritu ng paghihiganti, tagapagtanggol ng mga naaapi at tagapuksa ng kasamaan.

Ang script ay sinulat ni Jonathan; ang artworks/plot ay kay Ryan Francisco.

Batay sa obserbasyon ko, may mga kasunod pang issue ang Higanti. Marami pang dapat matuklasan ang readers kay Timalos. Ang 12 pahinang unang isyu ay parang preview pa lang at pagpapakilala sa kanyang karakter.

Nagtataka ako kung bakit hindi ‘Timalos’ ang ginamit na title ng team. Wala akong idea kung saang dialect o lengguwahe galing ang Timalos pero masyado itong catchy. Sa panahong ito na naghahanap tayo ng unique na Pinoy superhero, no pun intended, but Timalos is fit to a T.

Kung titingnan n’yo ang cover sa itaas, kung naging Timalos ang title, (at masasabi namang defined ang main character), mas may hatak lalo na kung may mabangis na tagline. Sa Higanti, hindi pa man ay may idea na ang readers kung tungkol saan ang plot ng story.

Na-browse ko ang blog ng Subway Productions at nakita ko ang sipag nilang gumawa ng komiks. Malaking challenge para sa kanila ang maipagpatuloy ang pakikipagsapalaran ni Timalos. As an ordinary reader, gusto kong makilala nang lubusan ang karakter na ito na may malaking potensyal na makilala sa ating new comics industry.

I hope Jonathan Salazar and Ryan Francisco will be up for the challenge and will be back with book two of Higanti with a vengeance.

6 comments:

mgaputonimimi said...

naging espiritu.. namatay si noel?

di ako gaano namulat sa comics at di ako ganon na taga subaybay, pero may mga kopya ako ng indies na di ko na maalala sa aling convention ko nabili... at iba bigay ng kakilala... nakakatuwa nabuhay ulet ang comic world! dahil sa inyo...

kc cordero said...

mimi,
yeah, dapat tayong magpasalamat sa mga pinoy indie comics creator gaya ng subway productions for keeping the comics spirit alive.

Anonymous said...

Timalos is a Visayan / Illonggo/ Hiligaynon word for "Ganti/ Higanti", Sir.:) oops! Kumpare na pala..hahaha

kc cordero said...

pareng john,
ty sa info. ngayon alam ko na. malapit ko na ring i-review ang 'lapis ko 'to'. binabasa ko na.

Anonymous said...

hala...wow! magigisa na ang Lapis Ko to Sa wakas..hahahahahahaha

Gio Paredes said...

Hello po sir KC,
Madalas rin kami mag kita ni Jonathan sa mga event. At tama po kayo na mabait sya.

Medyo confusing nga po ang title. Kasi noong hindi ko pa ito binabasa. Ang first impression ko ay Higante (Giant/tunkol sa Kapre) ito. Meron kasing isang character na member ng Bayan knights na "Gante" ang pangalan. Kaya nga po ganon ang una kong naisip.

Sana nga "Timalos" na lang ang ginamit nyang title.