Monday, January 19, 2009

the dawning of twilight comics

Photobucket

ANG isa pang komiks na umagaw ng aking atensyon noong nakaraang Komikon 2008 ay ang ‘Twilight The Fairy Princess.’ Napakaganda ng quality ng nasabing 50-page comics, full colors, coated stock at may cover price na P100. Production-wise, maraming pinataob ang Twilight.

Bago sa aking pandinig ang Twilight’s Publishing House na naglimbag ng nasabing komiks. Maging ang mga publishers na sina Gener Tiong Ortega at Charito Arediano Ortega ay hindi ko rin kilala. Pero ang mga bumuo ng komiks ay pawang big time; Lan Medina na alam nating isang Eisner awardee na siyang nag-pencil and inks ng story, ang talented artist at paborito kong si Rommel Fabian na siyang nag-layout, letterings and colors, at ang sumulat ng script na si Beth Rivera na dating editor sa GASI. Ang original story at characters creation ayon sa unang pahina ng komiks ay ang mismong mga publishers.

Nanghinayang ako sa Twilight na hindi nabigyan ng sapat na promotion sa mga blogs bago ang Komikon. In fact, nagulat na lang ako nang makitang isa ito sa participants. Sa Deviantart lang ni Rommel ko ito nakita after na ng event. Posibleng hindi ito napaghandaan ng budget ng mga comics junkies na nag-attend ng Komikon na may kanya-kanya ng listahan ng titles na bibilhin. Maging ang masipag na si Azrael Coladilla ay walang nabanggit sa kanyang multi-blogs about Twilight. Imagine kung gaano kalaking publicity ang nagawa rito ng blogsphere.

Pinasadahan ko ng basa ang Twilight, at palibhasa’y ayokong maging kritiko, nagtanung-tanong ako sa ilang kakilala kung ano ang kanilang opinion about the comics kasi nga’y hanga ako sa kalidad. Si Ron Mendoza, isa ring blogger, ay nagsabing okey naman daw pero mukhang pambata talaga. Sabagay, just merely looking at the comics, alam mo na ang target market nito.

Mayroon lang akong ilang obserbasyon:

Sa loob ay may ilang Neopets characters at bagaman at halos sa isang frame lang nakita, puwedeng magkaroon ng copyright issues.

Hindi ko rin ma-reconcile na nang ipanganak ang main character na si Twilight, binuhat siya ng amang hari. Habang naglalakad at nag-iisip ang kamahalan ng ipangangalan sa prinsesa, nakita ng hari ang pagputok ng ginintuang sikat ng bukang-liwayway. Right there and then, napabulalas ang kamahalan ng: “Twilight! Ito ang magiging pangalan ng mahal na prinsesita!” (Ref: page 5)

I don’t know if the creators and the writer are aware of this pero para sa akin ay isang malaking blunder ito. Puwedeng mauwi ito sa debate at ipaglaban ng creators at writers kung anumang pilosopiya mayroon sa pagbibigay sa batang isinilang habang sumisikat ang araw ng pangalang Twilight, pero para sa ordinaryong reader na gaya ko, ang tanging pagbabatayan ko ay ang partikular na page. Wala rin namang paliwanag na sa geography ng kuwento (sa kaharian ng Fairyland) ay magkabaligtad ang dusk and dawn.

At ang pinakamalaking challenge para sa komiks na ito ay ang maka-survive na hindi iisipin ng readers na sumasakay lang sa popularidad ng Hollywood movie of the same title. Baka rin isipin ng mga fans ng Twilight the movie na ito ang comics version ng film, at pag nakitang hindi pala ay hindi rin bilhin.

Anyway, ang sa akin lang naman ay mga obserbasyon. You cannot put a good comics down. With Lan Medina as its artist, Twilight Comics can never go wrong.

At binabati ko rin ang buong team for coming up with a quality comics, lalo na ang mga publishers nito—na I am sure ay malaki ang pagmamahal sa medium.

Suportahan natin ang ‘Twilight The Fairy Princess’ gaya nang pagsuporta natin sa iba pang indie comics.

6 comments:

mgaputonimimi said...

twilight fan ako. nalito lang ako don sa bukang liwayway.. ^_^

neways... mahilig din ako sa pambatang mga bagay bagay.. so oks lang.. bata nga namana ang audience..

buti indi renesmee ang pangalan.. ^_^

KOMIXPAGE said...

KC naunahan mo akong mag-comment tungkol sa Indie komiks na twilight na binili at binasa ko rin, anyway, may punto ka naman sa sinabi mo ganoon pa man pinupuri ko ang mga taong nasa likod ng pagpa-published nito. Ang lahat naman ng bagay ay naitatama at naiaayos lalo pa at may mga tulad mong at ng iba pang nagkokomento tungkol sa kanilang mga gawa. Sana ang mga komentong ito ay hindi nila ikasama ng loob bagkus maging challenge pa sa mga indie creators para lalong mapagbuti ang kanilang mga gawa. Ang pagpuna ay hindi para ikasira kundi para lalong makabuo ng mas makabuluhan at kapuri-puring mga obra.

KOMIXPAGE said...

KC naunahan mo akong mag-comment tungkol sa Indie komiks na twilight na binili at binasa ko rin, anyway, may punto ka naman sa sinabi mo ganoon pa man pinupuri ko ang mga taong nasa likod ng pagpa-published nito. Ang lahat naman ng bagay ay naitatama at naiaayos lalo pa at may mga tulad mong at ng iba pang nagkokomento tungkol sa kanilang mga gawa. Sana ang mga komentong ito ay hindi nila ikasama ng loob bagkus maging challenge pa sa mga indie creators para lalong mapagbuti ang kanilang mga gawa. Ang pagpuna ay hindi para ikasira kundi para lalong makabuo ng mas makabuluhan at kapuri-puring mga obra.

kc cordero said...

mimi the great photographer,
thanks for dropping by. :)

arman,
constructive criticism naman 'yan kaya i think di sila mao-offend. saka tama ka, mas mai-improve sila kung may feedback mula sa mga miron na gaya natin. :)

Anonymous said...

boss tsip!

maraming salamat sa pagpuna! medyo
busy mula ng komikon ngayon lang ako nakasilip ng ipagbigay alam ng isang maboboteng kaibigan na andito pala kame.

BASTA AKO, NAGKULAY LANG PO. hehehe

isa po ito sa napuna ko. pero sa title pa lang po ay 2 taon po iyang pinagdebatihan ni tita beth at ng publisher. ayaw po ni ginang beth rivera pati na po ako at great lan medina ang title. dahil nga marami ang malilito. at iisiping nakikiride-on po kame. ngunit subalit, wala po kaming nagawa.

at lalo na ang mga marami pang bagay na pilit at kung todo ipinipilit na ipasok sa loob ng istorya. at nagtagumpay naman ang publisher.

actually sir gusto ng publisher neto na ipasok lahat ng karakter nya na bumilang ata ng 175 sa 36 na pahina? hehehe. walang halong biro ito sir, kaya halos 3 years in the making.

isa pa po ay nang matapos na ito ay ang dami pang mga bagay na pilit pinababago. kulay at mga karakter pati mga pangalan etc.

hay... nalagas pong talaga ang buhok ni ginang beth rivera sa project na ito. sa tingin ko po at pananaw kapag ang publisher ay nanghimasok na sa creative team o editorial ay nabababoy na ang lahat. lalo na at publisher na wala naman pong bakas ng komiks man lang. trip lang kung baga.

sir maraming salamat po sa librong jonah hex. censya na rin sa di madalas na pagdalaw ko dito. medyo lagare po ako.

Thanks!

kc cordero said...

rommel 'mengsky' the great,
ayos, marami ka palang projects... puwede nang mag-asawa. :)
sabi ko nga, production-wise ay maraming pinataob ang twilight, pero lahat namang projects sa umpisa ay laging may hassles—parang gitara na kailangang itono bago matugtog nang todo. tapos 'yung issues sa pagitan ng creative team at ng publisher lagi namang problema 'yan pero kapag nakita na ang mga mistakes, sa mga susunod na pagkakataon maitatama na. :)