Wednesday, January 14, 2009

yoyo update

Photobucket

MARAMI akong natatanggap na e-mail at text messages tungkol sa nakaraan kong blog entry na 'yoyo, mga hinog na papaya at isang kuwento'. Obviously ay mayroon silang naramdaman, or naka-relate, about my sad experience sa laruan na di ko na-enjoy. Pagpapatunay lang ito na minsan sa aking pagiging bata ay may mga naging frustration tayo na hindi natin makalimutan. Salamat sa inyong lahat.
Isa sa na-inspired ay ang aking kaibigan at katambal ko sa Filipino Independent Komiks # 1 na si Novo Malgapo. He was so inspired at kahit sobrang busy ay nakapag-sketch pa ng isang napaka-touching na eksena related to the story. Thanks, Novo!

1 comment:

Anonymous said...

KC,

Nakaka- relate ako sa kwento mo dahil nangyari din iyan sa akin ng nasa elementary grades ako. Nahuli kami ng kaklase ko na nagbabasa ng comics habang naglelecture yung Titser. Kinumpiska yung comics at pinunit sa harap ng klase. Sa gitna lang ang punit pero sagad from edge-to-edge. Natatandaan ko pa ang titles: Ringo Kid, at Lorna, the Jungle Girl, ang ganda pa naman ng drowing, si Joe Maneely. Hinintay kong matapos ang klase at makaalis ang lahat, bago ko pinulot sa thrash can at iniuwi. Ini-scoth tape ko isa isa ang pages, pero wala na... may kimkim na galit ako doon sa Titser, pero over the years, nakalimutan ko din....


Auggie