MATAGAL nang nagsara ang isang sports house na
paborito kong bilihan ng rubber shoes at backpack sa may Harrison Plaza.
Mayroon silang ibang outlets sa iba pang malls pero sa ngayon ay medyo nagtitipid
ako kaya di ko masyadong kailangan ang ganitong gears. Nagulat na lang ako na
may natatanggap akong e-mails mula sa kanila. Naalala ko na minsan nga palang
may binili ako roon ay nailagay ko ang aking mga contact numbers at e-mail
address.
May website na sila ngayon, nakalagay sa link sa
e-mail, at naka-display ang kanilang mga merchandize. Mukhang papunta na sila
sa online selling kaya siguro ilang outlets na rin nila ang nagsara sa
pagkakaalam ko.
Unti-unti nang nagiging patok sa atin ang online
selling. Sa panig ng nagtitinda, hindi kailangan ang physical store. Sa
bumibili naman, less hassle din dahil di na kailangang pumunta ng mall para bumili.
Sa gallery ng online store ay makikita naman ang hitsura ng item, product
description at presyo.
May mga kababayan din tayo na nagbebenta ng
kanilang mga lumang gamit. Nagsa-sign in sila sa isang website na ang purpose
ay buy and sell. Kahit sino ay puwedeng maging member at magkakaroon ng
username. Kung gusto mong magbenta, ipo-post mo lang ang iyong product, at kung
may interesado, magme-message ito sa ‘yo at magkakaroon kayo ng negosasyon.
Walang problema sa mga online store na brand new
ang produkto dahil may warranty naman. Sa mga indibidwal na nagtitinda ng
segunda mano may problema. Naranasan ko kasi ito...
Sa tipidpc.com, isang online gadget store ay
nakita ko na may nagbebenta ng 2-gig Sony MP3 player sa halagang P900. Ang
brand new nito ay nasa P2,000. Dahil sa picture ay makinis naman ang nakalagay
na item, nagkainteres ako. Nag-message ako sa seller at sa madaling sabi ay
nagkasundo kaming magkita. Medyo gabi na nang mag-meet up (termino sa pagkikita
ng buyer at seller) kami sa isang food court.
Unang tingin ko pa lang sa unit ay medyo kinabahan
na ako. At sabi sa akin ng seller, wala raw kasamang headset kasi sira na. Wala
ba ‘kakong replacement? Mura lang daw naman ang earphone, bili na lang ako. May
dala raw siya pero pang-testing lang dahil para naman iyon sa isa pa niyang
unit na hindi Sony. Isa pang dahilan para mag-second thought ako.
Gusto kong sisihin ang sarili ko sa pagiging fan
ng Sony. Nang iparinig niya sa akin ang tunog ng unit, nawala ang mga agam-agam
ko. Agad na rin niyang ini-off ang unit dahil nagmamadali raw siya.
Tumawad ako na P800 na lang, pero wala na raw
bawas. Again, dahil fan ako ng Sony, makakatipid ako ng P1,000 at kahit medyo
luma ay naroon ang distinct Walkman sound, binayaran ko na agad. Nagmamadali
namang umalis ang seller.
Pagdating ko sa bahay, nang i-plug in ko sa PC ang
unit, lumalabas na 512 MB lang pala ang capacity! And worse, hindi na
nagtsa-charge ang battery!
Agad kong tinawagan ang cellphone ng seller.
Cannot be reach na. Nag-sign in ako sa TPC at nag-message sa kanya at sinabing
hindi okey ang kanyang unit. Ang sagot sa akin: “Dapat binasa mong mabuti ang
ads ko!”
Nang i-review ko ang ads niya, obvious na
pinalitan na niya ang image at specs ng unit. Nilagyan na rin niya ng mark na
“sold”.
Nag-message ako sa kanya na hindi naman iyon ang
una niyang nai-post. Hindi na siya nag-reply. At ang kumag, nilagyan pa ako ng
“negative rating”.
Tsk! Ako na ang naloko, ako pa ang negative ang
rating? Sa online shop kasi, pag may negative rating ka ay maraming seller o
buyer ang mag-aalanganing makipagtransaksyon sa ‘yo.
Nilagyan ko rin siya ng negative rating. Kinunan
ko ng photo ang bulok na Sony at ini-upload ko sa site sabay sabing huwag nang
makikipagtransaksyon sa nasabing seller dahil madaya at mukhang mali ang naging
pagpapalaki ng mga magulang.
Moral of the story: Huwag magpapadala sa impulse
kung may bibilhin online. Tingnan ang rating ng seller kung puro positive. I-check
na mabuti ang unit bago magbayad. Higit sa lahat—bumili ng brand new!
You bet, bumili ako ng brand new Sony Walkman—at
hanggang ngayon ay nilalagyan ko ng negative rating ang kumag na nandaya sa
akin.
3 comments:
Puwede mo i-report sa DTI 'yan, KC.
Sir, good morning indi ko nasubukan pa na bumili ng kahit ano sa online store sa pinas pero matagal ko na gusto gawin dito sa china ay maraming ganyan at ilang beses na ko nakabili. Ang alibaba ay international online store, pero may local online store na TAOBAO ang website. Pag narito ako sa china, ganyan gawa ko. At so far ok naman mga nabibili ko. Mga brand new din ang items local and international brand. Di ako masyado sa mga good brands lalo at mahal kaya madalas ko bilhin eh local brands dito at ok naman. Mas matino ang china brands pag dito ang market kumpara sa for export nilang produkto lalo papunta sa pinas (siguro ay dahil sa karamihan sa tin ay cheap ang tingin sa mga china products.) Pero mas masarap pa rin bumili sa mga pwesto bukod sa nahahawakan mo ung produkto makakapili ka pa at nakakapamasyal ka pa hehehe...
Un lang sir..may maishare lang sa usapang online store. Hehehe
Goodluck sa next na bibilhin mo online.
Ps. Naalala ko parang nagkita pa tayo sa isa mong meet up with the seller di ba. Di ko na lang maalala kung saan.
Thanks, Reno.
@Dino, bumili ako ng speaker noon, okey naman 'yung unit maganda. at naalala ko, may utang pa ako sa iyo, haha!
Post a Comment