Wednesday, December 26, 2007

'skipping christmas'

mac

Not really.
Mas tamang sabihin na ginusto naming mag-anak na mag-celebrate ng Christmas this year na kami lang tatlo. Uh, not really—may dalawa kaming mongrels na kasa-kasama pa rin sa loob ng bahay kahit nag-lock kami ng gate pagkatapos magsimba.
Photobucket

November pa lang nang magkasundo kaming tatlo na maging detached pansamantala sa mundo sa araw ng Pasko. Maaga kaming nagsimba, nagsalu-salo at nagdaos ng munting party habang nakasara ang aming gate. Hindi naman namin kinalimutan ang spirit of Christmas na tungkol sa pagbibigayan. Ang pagbibigay sa iba sa abot ng aming makakayang mag-anak ay whole year round activity namin. Kami ang pamilyang mahilig mag-share.
Nagkataon lang na pakiramdam namin ay hindi kami masyadong nagkaroon ng bonding this year. Nag-college na ang baby namin at madalas ay wala siya sa bahay dahil sa maraming off-campus activities. Nag-polish naman ng kanyang drawing and music skills ang misis ko kaya madalas ay nag-iisa siya sa aming den (unfinished floor ng bahay, actually). Ako naman ay ginagampanan ang tungkulin ng isang padre de familia 48 hours a day. Napakabihira na nagkakasabay-sabay kaming kumain.
So, ngayong Pasko ay nilubos namin ang pagkasabik sa isa’t isa. Bukod sa naka-lock na gate ay naka-unplug ang telephone line, naka-off ang mga cellphone at masaya kaming naghuntahan na mag-anak—nag-down memory lane kami sa mga nakaraang Christmas na medyo may recollection na ang aming anak.
Hindi rin ako namigay ng Christmas gifts sa aking mga inaanak, pero gagawin ko ‘yun by January. Tinamad akong mag-withdraw ng pera dahil sa napakahabang pila sa mga ATM machines. A lame excuse pero totoo.
Maagang dumating ang Pasko sa akin. January 5 pa lang ay nag-text na sa akin ang secretary ng The Batangas Post (a weekly local paper na ako ang editor) na mag-check ako ng aking bank account dahil ipinadala na ang bonus. Wala akong bonus sa ABS-CBN Publishing, but unlike the previous years ay maaga nila akong pinapirma ng kontrata ngayon (last year ay halos March na ako nakapirma), and for me ay maganda nang gift iyon. Mukhang nag-mature na ‘yung mga galit sa akin doon, ah! As of blogtime (Dec. 26) ay wala pang bonus na ibinibigay sa akin ang Risingstar (our annual income almost quadruple this year!). Nahihirapan pa sigurong magkuwenta kung magkano ang iaabot. Well, okey lang kahit wala. Mas gusto ko na mag-hold na lang sila ng comics contest para sa mga indies sa 2008!
Nag-advice din kami sa mga relatives, on both sides, at sa mga kaibigan na hindi kami tatanggap ng bisita ngayon. Hindi naman kami anti-social pero naging problema namin ang dalawang mongrels na ito na mahilig mang-harass ng aming mga bisita. Hindi sila nangangagat pero—ah, mahirap ipaliwanag kung gaano sila kakukulit! Minsan pasyal kayo, malalaman n’yo kung bakit!
Photobucket
Photobucket
Photobucket

Kaya kahit may namamasko sa labas, ang makukulit lang ang nag-e-entertain sa kanila.
Photobucket

Nag-isip din ako ng gift sa sarili ko. I've been working like a dog and I guess I need some rewards. Last December 14, I almost went home with this cool stuff—the Asus Eee 4G laptop. Priced at P20,000, napakasarap nitong gamitin lalo na at napakaliit lang ng size (7” screen). Ayoko na sanang bitawan ito pero matapos kong ma-testing ay nagdalawang-isip ako. I-search n’yo sa net, malalaman ninyo kung bakit. Maghihintay muna siguro ako ng model na operated na ng Windows XP at may mas malaking storage.
Photobucket

Last January 17 ay nag-sale naman ang isang Apple store malapit sa ABS-CBN. Nakita ko sa kanilang online store ang ibook G3 na worth P13,000 na lang, at ipod Nano 2G na almost P1,700 na lang! Agad kong tinawagan ang kumpare ko na purchasing manager namin at may direct access sa nasabing store. Sabi ko ay kunin niya, bayaran muna at pupuntahan ko immediately. Nag-text siya sa akin after a couple of seconds at sinabing nabenta na ang mga items. Not my luck. The other ibook available is a 12-inch G4 priced at P24,000, and I immediately lost interest since hindi naman ako talaga Mac user.
Hindi rin ako namili ng regalo para sa mga kaibigan. Ang misis ko lang at ang anak ko ang meron. For my wife, the complete edition of Harry Potter books (she’s a bookworm), and a complete DVD set of Harry Potter (Harry’s the other guy in her life). And since she’s also a movie junkie—a complete DVD set of Spider-Man movies (which yield a real tiny Spidey comics below—and eventually became her Christmas gift to me!), some DVDs of romantic comedy films na napanood namin noong magsyota pa kami, and a speaker for her ipod video.
Photobucket

Simple lang ang gustong gift ng anak ko this Christmas; either a 4G flash drive o kaya ay tripod ng kanyang camera (parehong gagamitin sa mga school projects). But since she’s so nice the whole year round, I surprised her with an ipod Nano Movie, which I think is in her wish list kaya lang ay nahihiyang magsabi dahil medyo alam niyang nasasaktan ako sa tuition fee niya. Thanks to The Batangas Post, medyo nagka-budget ako para sa gift na ito.
In return, she surprised me with her unfinished pinup drawings of Witch characters—na kinuha niya ulit para tapusin. She has the making of a good comic book artist, at alam niyang masaya ako kapag nagdodrowing siya. Maybe I can have the finished drawing on my birthday.

Photobucket

Ang misis ko naman ay all-year round ang gift sa akin—ang kanyang pagmamahal at pang-unawa—mga regalong non-material pero necessity ng isang abalang husband. On my part, masaya ako na nabigyan ko ng kasiyahan ang dalawang tao na nagbibigay ng kulay at kahulugan sa aking existence—at kapag kapiling ko sila, sabi nga sa isang kantang pamasko—araw-araw ay nagiging Paskong lagi. Gusto ko ring malaman ninyo na may mga Pasko ring nagdaan sa buhay naming mag-anak na simple lang ang regalo ko sa aking mag-ina lalo na at dumating sa time na wala akong projects; a silver earrings for my wife, and a coloring book for my daughter—ngunit ang tuwa at kaligayahan sa loob ng aming munting tahanan ay hindi nawawala.
Merry Christmas and a Happy New Year sa inyong lahat, at magpatuloy nawa sa ating lahat ang magandang buhay ngayong 2008.

Monday, December 24, 2007

'a christmas story'

Merry Christmas sa inyong lahat. Marami sa inyo ang siguro ay nakabasa na ng kuwentong ito, gusto ko lang i-share muli. Maraming salamat sa pagbabasa:

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Thursday, December 13, 2007

ikaw ang aking superhero!

Sa pre-press department na tinapos ng aming art director sa The Buzz Magasin ang final pages ng January 2008 issue, at wala akong ideya kung ano ang kinalabasan ng cover matapos kong magawa ang blurbs dahil ang aming managing editor na ang kasama ng AD para mag-execute. Hindi ako sure kung may nailagay na panel ng ating superhero na si Timawa sa cover—but to give you an idea kung ano ang ating maaasahan sa fourth installment, heto ang patikim!
Gerry Alanguilan, ano po ba ang kinakain mo at lalo kang tumitindi, Sir?!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

'read or die hard'

May konting apprehension ang paglapit niya sa akin. Hindi nakapagtataka, marami ang nagsasabing ako ang klase ng tao na parang hindi madaling kausapin.
Kung alam lang nila…
Nang makakuha siya ng sapat na lakas ng loob ay tuluyan na siyang lumapit sa mesa ko. Isang linggo pa lang ako noon na nauupo, sometime in 2003, bilang opinion/literary editor ng Kabayan at Diwaliwan (under Manila Times) at hindi ko pa kilala ang mga contributors. Mukha siyang mabait, maliit na binata, in his early 20s, payat ngunit mukhang intelihente.
Magalang siyang bumati at sinabi ang kanyang pangalan. Naglitanya siya na marami na siyang nai-submit sa literary page ng Kabayan pero hindi naman ginagamit ng editor na pinalitan ko. At gusto raw niyang malaman ang status.
“Hindi ba’t nanalo ka sa Palanca?” sagot ko sa kanya.
Nagkaroon ng liwanag ang kanyang mukha. Sa likod ng kanyang isip, marahil ay sinasabi niyang mukhang may pag-asa siya sa bagong editor dahil kilala siya, at least, sa pangalan. O, posibleng natuwa siya sa agaran kong pag-recognize sa kanya.
Sinabi kong araw-araw akong nagbabasa ng dyaryo kaya kilala ko siya at may isang pagkakataon na nabasa ko ang tungkol sa kanya. Alam ko rin na sa kanyang libreng oras ay nagtuturo siya ng pagbabasa sa mga batang lansangan sa Binondo.
Mula sa araw na iyon, natuklasan ni Genaro R. Gojo Cruz, ang binatang kausap ko, na may mga tulad ko na kumikilala sa kanyang dakilang adhikain.
Mahusay na manunulat si Genaro at patunay rito ang marami niyang nakamit na karangalan. Nagtapos siya ng pagkaguro sa Philippine Normal University, at sa panahong nagkakilala kami ay propesor na siya at kumukuha ng masteral sa DLSU. Sa pagbabasa ko ng kanyang mga sinulat para sa Kabayan at Diwaliwan ay nakita ko ang lawak ng kanyang kamalayan.
Minsan ay naitanong ko kung ano ang nagtulak sa kanya para magturo ng pagbabasa sa mga batang lansangan? Sa kanyang estado, ‘kako, na may magandang trabaho, sikat, binata, ay dapat na nagpapasarap siya sa buhay; may night life at nagde-date ng mga hot chicks.
Dumating na lang daw sa kanya ang ‘calling’ na iyon, pero marahil din aniya ay may kinalaman ang kanyang pinagmulan dahil produkto siya ng pamilyang mahirap. Naranasan niya ang lahat ng mabibigat na pagsubok sa pag-aaral, at ngayon na may kakayahan siya, gusto niyang ibahagi ang kung anuman na meron siya sa mga batang kapuspalad. Kung hindi aniya matututo man lang magbasa ang mga batang ni hindi alam kung ano ang hitsura ng silid-aralan, ano na ang patutunguhan nila lalo pa at bigo ang pamahalaan na matugunan ang kakapusan sa programang pang-edukasyon? Kung marunong aniyang bumasa ang bata, kahit paano ay makaiiwas sa mga mapanganib na sitwasyon na ibinababala ng mga letra. O kung makahahawak sila ng aklat o anumang reading materials, alam nila kung ano ang gagawin doon sa halip na itapon lang. Kung titingin sila sa headlines ng mga dyaryo, may ideya sila kung ano na ang nagaganap sa ating kapaligiran. It’s better that they learn to read… or die hard due to ignorance.
Nang lumipat ako sa ABS-CBN Publishing noong 2004 ay ‘nagbitbit’ ako ng ilang kasamahan sa Manila Times na hindi masyadong nabibigyan ng break (mga graduate sa mga ordinaryong kolehiyo) ngunit malalaki ang potensyal na makilala sa pagsusulat. Isa si Genaro sa kanila, na nabigyan ng proyekto para sa isang librong pambata. Napaiyak ang aming editorial director sa plot ng kuwentong pambata na nai-pitch niya. Nasip ko, plot pa lang ay epektibo na—lalo na siguro kapag na-print na.
Malaki ang paghanga ko sa mga indibidwal at grupo na nagsusulong ng mga programa para mapalaganap ang pagbabasa. Sa pagbagsak ng edukasyon sa Pilipinas, naging tamad magbasa ang mga Pinoy. Isang naging kasamahan ko sa proyekto na may kinalaman sa book publishing ang nagsabi sa akin na sana raw ay makuha nating mga Pinoy ang ugali ng mga taga-India. Sumakay ka raw sa tren doon, makikita mong nagbabasa ang karamihan sa mga tagaroon kahit pa lumang-luma na ang reading material. Dito sa atin, aniya, kung hindi nagte-text, naka-MP4 o kaya ay kumakain ng sitsirya sa sasakyan sa halip na magbasa.
Isang kakilala ko rin na retiradong teacher na ngayon at pensyunada na ang tuwing alas tres ng hapon ay hinahagilap ang mga batang bobong magbasa sa kanilang kalye at tinuturuan niya. Hinahanap daw ng katawan niya, sabi sa akin, ang magutor. Magastos din dahil kung minsan ay kailangan pa niyang ibili ng ‘boy bawang’ ang mga bata para lang magpursigi. Pero masaya raw, masarap sa pakiramdam lalo na kapag nakikita niya ang improvement sa pagbigkas ng mga ito at pagkilala sa mga salita.
Sa mga organisasyon ay nangunguna na marahil ang tropa nina Tin, ang Read or Die Convention, sa pagsusulong ng awareness sa pagbabasa. Bagaman at sinasabi na ang mga OFW ay mga bagong bayani, bayani rin sina Genaro, ang retiradong guro na nakilala ko, ang RodCon, at iba pang may ganitong adhikain sa pagmumulat sa ating mga kababayan ng kahalagahan ng pagbabasa.
Sabi nga sa unang taludtod ng tula ni Virginia Licuanan:
When I read the storybooks of other land it seems
All those foreign countries are more wonderful than dreams…

Matagal ko nang hindi nakikita si Genaro. Ang huling nalaman ko sa kanya ay nagtuturo naman ng Wikang Tagalog sa mga estudyanteng Koreano.
Naalala ko lang siya nang kamakailan ay mapadaan ako sa underpass ng Manila City Hall. May mga batang lansangan na nagbabasa ng punit-punit kopya ng ‘Filipino Komiks.’ May naramdaman akong guilt habang magkakalumpon silang nagbabasa sa malakas na tinig at pautal-utal na pagbaybay ng mga captions at dialogues. Naisip ko, kasama kaya ang mga batang ito sa naturuan ni Genaro, at ngayon ay pilit na ginagamit ang kanilang natutunan?
Nang nag-aabang na ako ng sasakyan sa may Metropolitan Theater ay nakita ko naman ang isa pang grupo ng mga batang lansangan na magkakakubabaw at may hawak na punit na song hits na produkto ng isang publication na involved ako. Marurunong din sila bumasa kahit paano… at kinakanta nila ang isang awit tungkol sa Pinoy comics heroine ngunit para bang ang liriko ay kumukurot sa akin:
Mapapansin kaya…
Sa dami ng iyong ginagawa
Kung kaagaw ko ang lahat
…”
December 11 noon at naalala ko ang ginaganap na Read or Die Convention sa UP—at habang umaalingawngaw ang sintunadong boses ng mga bata—ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
REDEEMING FACTOR: Ang mga larawan sa itaas ay mga kuha ng anak ko (nasa kaliwa sa huling larawan) nang magturo ang kanilang section na bumasa at sumulat sa mga bata sa isang payak na pamayanan sa Parañaque City. Marami akong pinagkaabalahan noong aking kabataan, at kahit ngayon, kaya ni minsan ay wala akong naging oras para magturo ng pagbasa. Mabuti na lang at may anak ako na sumusunod sa mga adhikain nina Genaro, Tin at ng buong RodCon, at iba pa nating kababayan na makapagmulat ng kamalayan ng mga kapuspalad na kabataan sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsulat.

Wednesday, December 5, 2007

'read or die another day'

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

MUKHANG na-snub ako ng Read or Die Convention sa gaganaping Pasko ng Komiks 2007 sa UP Diliman sa
December 11, 2007. Nag-confirm ako ng attendance para maging panelist at medyo lately ay naghahanda sana sa mga tanong na posibleng ibato sa akin kaya kailangan ay may handang sagot. Uh, hindi ko na magagamit ang ginawa kong munting research na pinamagatan kong “Read or Die Another Day—A Filipino comics publisher’s tale.”

Hindi ko alam kung bakit ako naitsa-puwera kasi hindi na rin naman nila ako na-inform. Ipinagbibigay-alam ko lang ito sa ilang kaibigan at kakilala na nagbabasa ng aking sad, little blog at napangakuan ko na i-meet doon sa UP na some other time na lang po tayo magkita-kita... pero magpunta rin kayo kasi magandang event ito.

Tuesday, November 27, 2007

'under siege'

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Matapos ang mahaba-haba na rin namang panahon ng pagsusulat ng kanyang mga pananaw, obserbasyon at mga karanasan ukol sa industriya ng komiks sa Pilipinas, nasa isang unfamiliar terrain ngayon ang aking kaibigang si Randy “Mr. Sold Out” Valiente matapos niyang ilabas ang kanyang aklat na ‘Komiks sa Paningin ng mga Taga-Komiks’ (in the book, it’s an unhyphenated ‘TagaKomiks’, I just follow the copy reading style that I’m using, force of habit), na may kaakibat na tulong mula kay G. Fermin Salvador, at sa ilang mga taga-komiks na nag-ambag ng kani-kanilang artikulo. Siyempre pa ay binubuklat na ito ngayon ng balana at binibigyan ng karampatang papuri at puna. Kung sa mga nakalipas na panahon ay si Randy ang ‘hunter’ ng mga naglalabasang babasahing may kaugnayan sa komiks, ngayon na siya ang naglimbag, siya naman ang hunted—thus goes the cliché, ‘the hunter becomes the hunted.’ At sa dami ng kritisismo na natatanggap niya ngayon sa PKMB, na posibleng dumami pa sa malapit na hinaharap, ‘kumbaga sa pelikula ni Steven Seagal ay para siyang under siege.
Welcome to the club, Randy.
Naranasan iyan ni Gerry Alanguilan nang ilathala niya ang Wasted at Elmer, ni Gilbert Monsanto sa kanyang Tropa at Rambol, nang ilabas ko ang Filipino Komiks, ng mga taga-Culture Crash at iba pang manga artists na naglabas na ng kanilang akda, at ng Sterling—sa panahon na pinipilit nating pasiglahin ang ating hanay.
Wala pa akong kopya ng ‘Komiks…’ dahil naramdaman kong mauubos sa Komikon ang dalang kopya ni Randy nang i-launch niya ito ay hindi ko muna kinuha ang aking complimentary copy (may 2 akong artikulo). Sinilip ko lang ang loob, ang pisikal na anyo at ang font na ginamit. I’m more conscious with the technical aspects ng mga inilalathalang babasahin sa ngayon dahil nga patuloy akong nagde-develop ng mga reading materials for CDE market.
Ang talakayan sa ‘Komiks…’ ay naumpisahan sa PKMB nang i-announce ni Randy sa ‘Palengke! Section’ kung saan-saan mabibili ang nasabing aklat. Dito na naglabasan ng kani-kanilang saloobin ang mga nakabasa na ng libro at ng mga hindi pa, partikular sa isyu ng paggamit ng isang contributing writer ng pen name sa halip na ang kanyang tunay na identity.
Ano nga ba ang problema sa paggamit ng pen name?
Mahabang talakayan ito at open ako sa maraming punto de vista sa bagay na ito. Sa kaso ko, ang KC Cordero ay pen name ko lang ngunit dito na ako kilala ng mga nakakabasa ng mga sinulat ko at maging ng mga taong personal kong kakilala (in fact, alien na sa akin ang tunay kong pangalan). Ito ay pen name na legal sapagkat lumabas at ginamit ko sa mga opisyal na publikasyon hanggang ngayon.
Uulitin kong hindi ko pa nababasa ang libro ni Randy. Sa usapin ukol sa isang contributor writer doon na gumamit ng pen name, masasabi kong iyon ay in bad taste kung ang artikulo niya ay tumuligsa, bumatikos sa iba pang contributing writer na kasama sa hanay ng mga nagsulat.
Nauunawaan ko rin ang damdamin ng ibang nagsulat na inilagay ang kanilang tunay na identity samantalang ‘yung isa ay hindi. Kahit noong bata pa tayo at puno pa ng kapilyuhan sa isip, pag tayong magkakabarkada halimbawa ay nagkasundo na sabay-sabay umihi sa pader, naaasar tayo kapag may isang hindi naglawit ng kanyang batotoy at sa halip ay tumakbo pauwi.
Naghain si Randy ng kanyang mga rason kung bakit hinayaan niyang may isang gumamit ng pen name. It’s his book; he calls the shot, ‘ika nga. At sa opinion ko, may natutunan tayo sa bagay na ito. Unti-unti, sa mga bagay na ginagawa nating mga komikero ay marami tayong natututunan.
Ako sa partikular ay namulat sa pangyayaring ito. Kung sa hinaharap ay makakuha rin ako ng sponsor para makapaglabas ng aklat at kukuha ako ng mga contributors, sasabihin ko na agad na, ito at si ganito ang mga kasama sa kalipunan ng mga writers, at si ganire ay gagamit ng pen name at ayaw magpakilala. Para malaman ko kung okey lang sa ibang writers ang ganitong sistema.
At kung sakali naman na sa atin ay may magpagawa uli ng artikulo, maganda siguro na linawin din natin kung sinu-sino baga ang ating makakasama. Puwede bang makahingi ng draft o overview ng sinulat ng iba. Baka kasama nga tayo sa nagsulat, isa rin pala tayo sa tinuligsa. Para naman tayong ginisa sa sariling mantika.
Ang mga ito ay mga bagong proseso na natutunan ko sa aklat ni Randy.
Sa mga susunod na araw ay umaasa akong ang mapagtatalakayan na ay ang tungkol na sa mga nilalaman ng ‘Komiks…’ sapagkat sayang naman kung mapag-uusapan ito dahil lang sa isang isyu na sa tingin ko ay na-overlook lang ng ating kaibigan. Magandang malaman natin ang sensibilidad ng mga writers sa kani-kanilang artikulo. Sa bagay na ito, sana ay makilahok ang gumamit ng pen name.
Kay Randy, mahirap bigkasin kung paano ko siya hinahangaan sa dedikasyon niya sa industriya at sa paglalabas ng aklat na ito. Gusto kong isipin na na-overwhelm siya realization ng kanyang project kaya naka-commit ng konting ‘reckless imprudence’. I am more than convinced that after this experience, he became a much, much better person. Ang pinakamatigas na bakal ay sadyang dumadaan sa pinakamainit na apoy.
To end this blog, I am leaving you a quote from Jean-Paul Sartre which I think best describes the above issue: “Men of letter must face the greatest dangers and render the most distinguished service to mankind.”

Sunday, November 25, 2007

'mad city'

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Ang ‘Mad City’ ay isang pelikula noong 1997 na sa cable TV ko na napanood at may teaser na, “One man will make a mistake. The other will make it a spectacle.”
Ang maikling synopsis: Sam Baily, upset over losing his job, takes a natural history museum hostage. Max Brackett, journalist, is in the museum when this occurs, and gets the scoop. The story spreads nation wide, and soon it is all anyone talks about. The story itself is the news, not the reason why or the real people behind it. (Starring Dustin Hoffman, John Travolta, Alan Alda, Robert Prosky and William Atherton Directed by Costa-Gavras. Rated PG-13, with profanity and moderate violence
Running time 114 minutes.)
Sa mga ulat sa net ay ito ang nagustuhan ko, ang “Meddlesome-media drama may hold your attention hostage” na sinulat ni Jack Garner (Democrat and Chronicle, Nov. 7, 1997):
“There's an old saying among news people: Dog bites man is not news; man bites dog is news. But what if the man biting the dog is the newsman?
The exploitative nature of media is in the spotlight—yet again—in Mad City, a new hostage drama from noted director Costa-Gavras. In it, John Travolta holds a gun and Dustin Hoffman holds a microphone. The film's point? That both guys are dangerous, and the journalist maybe more so. The theme has undeniable resonance in the wake of Princess Diana's death, but it has been worked to death in myriad other films, from Absence of Malice to Network to Broadcast News to Natural Born Killers.
Mad City's most obvious predecessor is Ace in the Hole, an underrated Billy Wilder classic from 1951 with Kirk Douglas as an ambitious newspaper reporter who exploits the potential tragedy of a worker trapped in a collapsed mine. In Mad City, the reporter exploits a sorry sap who is holding children hostage at a museum.
Hoffman stars as Max Brackett, a former network co-anchor who has been banished to a medium-sized town as penance for a screw-up. Assigned to cover a conventional local story at a museum, Max stumbles upon a much bigger story. He instantly sees it as his ticket back to the big time.
Travolta is Sam Baily, a museum security guard who has just been laid off. While venting his frustration at the museum director (Blythe Danner), Sam stupidly pulls a gun. And since the director happens to be standing with a tour group of school children, Sam finds himself almost inadvertently holding hostages.
But Max, too, is in the museum, and he realizes he has the exclusive opportunity to cover the story from the inside. Max starts befriending and advising Sam, in small ways, pushing him into actions that'll make the story even better. When his editor (Robert Prosky) argues that Max is overstepping the boundaries of ethical journalism, Max responds, "I'm not breaking the rules, I'm just bending them a little."
The high-powered situation intensifies when the story goes national, marked by Max's former rival at the network, anchor Kevin Hollander. He is played by the perfectly cast Alan Alda.
Though the situation and characters of Mad City hold your attention, the film fails to generate the nervy excitement a viewer might expect from such an edgy political filmmaker as Costa-Gavras (the creator of Z and Missing). Mad City is conventional and predictable.
Hoffman and most of the supporting players, though, create intriguing, full-blooded characters. Hoffman, in particular, aptly displays his character's childish, self-centered ambition, along with his undeniable polish as a TV newsman. Yet, he matures impressively as the situation becomes more entangled.
Less successful is Travolta, saddled with a more challenging role. To be effective, the film must portray Sam the hostage-taker as both antagonist and victim; he must be both cuddly and ominous, a man to be pitied and feared. It's a tough puzzle, and Travolta doesn't quite work it out.
Though the message of Mad City is overly familiar, it is certainly worth repeating.
As Max learns too late, the media should do the reporting, and let others do the biting.”
***
Sinulat ko ang blog na ito sa kasagsagan ng mga bombahang nagaganap sa ating bansa. At nagpapasalamat ako na hindi na ako nagtatrabaho sa dyaryo sa panahong ito na puno ng karahasan sa ating paligid.
Hindi ako nagtapos ng journalism at dahil dito, nang mapasok ako sa isang malaking newspaper company ay puno ako ng kaba. Wala akong alam sa pagbabalita o sa pagiging dyarista. Nagkataon lang na kailangang-kailangan nila ng desk editor, tinawag ako sa bahay ng aking dating officemate na isa sa mga editor doon habang ako’y naglalaba, at pagdating ko sa kanilang HR ay pinapirma na ako ng kontrata at inihatid na ako sa aking magiging desk—sa labis na pagtataka ng mga dinatnan ko roon. Matapos ang konting orientation ay pinasulat ako ng editorial (tatlong section ang hahawakan ko: opinion, literary and showbiz—plus isang araw na ako ang magsasara ng front page). At dahil Tagalog naman ang dyaryo, inisip kong kaya ko. Isa pa, gusto ko rin naman na mamasukan talaga sa mainstream newspaper company.
Nagustuhan naman ng editor-in-chief (naobserbahan kong hindi siya kumbinsido sa akin nang nag-uusap pa lang kami dahil sa kawalan ko ng karanasan sa dyaryo) ang sinulat kong editorial nang araw na iyon (tungkol sa katamaran ng mga bata na magbasa) at ipina-translate pa niya sa isang desk editor para gamitin sa broadsheet (nagdagdag ng inputs ang EIC, though). Mabilis pa akong magtrabaho noon (2003) kaya ang ibang section ay sasabihin kong ‘sisiw’ na lang sa akin. Ang mga kasamahan ko ay na-notice ang bilis kong magtrabaho at na-realized nilang gagaan ang buhay nila sa pagdating ko roon. Nadagdagan ang mga kaibigan ko nang araw na iyon.
Ang kawalan ng kaalaman sa pamamahayag ay naramdaman ko makalipas ang ilang araw. Dahil opinion editor ako at masyadong matatapang ang mga kolumnista, nalaman ko na lang na nakademanda ako, ang kolumnista, ang EIC at ang dyaryo. Pinaalalahanan ako ng EIC na dapat manimbang ako kung libelous na ang kolum o hindi. Paano ‘kako ‘yung demanda? Sila na raw ang bahala. Mukhang nagugustuhan na nila ako kaya binigyan pa ako ng chance. I’m learning the ropes the hard way.
Pero para sa isang ang oryentasyon sa pagsusulat ay fiction, nakawiwindang ang maging mamamahayag, lalo na kung desk editor ka at sa iyo ibinabato ang mga totoong kaganapan. May mga pagkakataon na gustong bumaligtad ng sikmura ko lalo na kapag nakikita ko ang mga mainit-init pang litrato ng mga nakagigimbal na karahasan. Gusto kong mag-panic noon nang biglang bumagsak ang piso. Iniisip ko ang kalagayan ng aking mag-ina habang kinukumpleto ko ang balita sa nagaganap noon na kudeta sa Oakwood. Napagbantaan ako ng isang tribu sa Baguio City na pupugutan ng ulo nang ilantad namin ang nagaganap na sex trade sa lungsod kung saan ang mga menor-de-edad na taga-tribu ay nababayaran sa halagang beinte singko pesos lamang. Marami pa—at dito ko natuklasan ang katotohanan sa kasabihang, ‘Truth is stranger than fiction.’
At oo—ang kailangang ibalita ay kung ano ang nangyaring mali, kung ano ang kontrobersyal. Mas maaakit ang tao na hawakan at bilhin ang newspaper kung ang headline ay tungkol sa eskandalo sa pamahalaan; ngunit baka pasadahan lang ng tingin kung tungkol sa naging paglakas ng ekonomiya. Tama ang sinabi sa akin ng isang beteranong mamamahayag: “News writing is about what went wrong…”
Nakita ko rin kung paano magsaya at magkaroon ng adrenaline rush ang mga editor kapag may malaking balita kahit pa makaaapekto iyon sa pag-unlad ng ating bansa o makasisira sa moral natin bilang mga Pilipino. Ang mahalaga, pagsikat ng araw bukas, pag-aagawan ang pinaghirapang buuin na pahayagan.
Malaki ang natutunan ko sa pagtatrabaho sa dyaryo. Sabihin na nating mas nahasa ako sa maraming aspeto ng publikasyon. Gayunpaman, hindi naging bato ang dibdib ko sa maya’t maya ay maling nagaganap sa paligid, at sa isiping nagiging bahagi ako ng pagpapalaganap niyon sa mga mambabasa.
Sabagay, kahit hindi dyarista, kahit ordinaryong mambabasa ka lang ay maaapektuhan ka ng mga bagay ‘that went wrong.’ Gaya na lang halimbawa nang ginawang pagsisingit ng isang editor sa kanyang mga sinulat sa talaan ng Top 100 Filipino Comics Novels.
Gayunpaman, isang bagay ang itinanim ko sa isip kahit pa ang pagsusulat ng balita ay tungkol sa maling kaganapan: Mapagbibigyan ang maling spelling, ang maling grammar—ngunit hindi kailanman ang maling impormasyon.
Sa kaso ng Top 100 Filipino Comics Novels, sabi nga ng isang respetadong writer, ito ay isang “perpetuation of the untruth” sapagkat mali ang impormasyon dahil lang sa vested interest ng iisa. At biktima rito sina Gerry Alanguilan, Arnold Arre, Carlo Vergara, Dennis Villegas—at siguro ay maging ang organisasyon na nagsusulong nito. Biktima rin ang mga nakatanggap ng impormasyon ngunit mas nakatatalos ng katotohanan—lalo na ang mga naging bahagi ng old Philippine comics industry sapagkat para naman silang pinagsasampal kahit walang kasalanan. Ang pinakamalaking biktima ay ang mga mag-aaral, indibidwal, at grupo na makakasagap ng impormasyong ito at iisiping ito nga ang gospel truth.
Hindi madaling ungkatin ang isyung ito dahil mga kaibigan ko ang iba sa kanila, ngunit hindi ako pinatutulog ng aking konsensya kung bakit patuloy akong nanahimik gayung alam ko ang totoo. Simula sa araw na ito ay tiyak na nagkaroon ako ng kaaway—mas tamang sabihing dati nang kaaway—ngunit masaya ako na ginawa ko ang nararapat—ang pagsisiwalat sa ginawa niyang pagbibigay ng huwad na katotohanan. And while, as the teaser of Mad City says, “one man will make a mistake,” we who know the truth shall not follow the latter phrase, “the other will make it a spectacle.”
Anyway, makalipas ang ilang taon ay tumanggap ako ng imbitasyon mula sa isang malaking publishing sa bansa para maging desk editor ng kanilang bagong showbiz magazine—isang oportunidad na hindi ko na pinalagpas para lang makatakas ako sa pagiging mamamayan ng isang ‘mad city’.
At baka gusto ninyo akong tanungin: Ano ang mas masarap isulat na balita—ang tungkol ba sa mga pagpapasabog ng mga terorista, o ang tungkol sa dalawang actor na nahuli diumanong nagde-date sa isang posh hotel?

Friday, November 16, 2007

brief notes

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Technically ay tapos na ang kontrata ko sa The Buzz Magasin para sa 2007 sa isyung ito. Taun-taon ay ganito ang sistema kasi nga ay ‘consultant’ ang status ko sa company at hindi regular employee. I still have up to February 2008 to renegotiate, and I’m hoping that I’ll be re-signed. And how true is the rumor that some hot shots from Sterling are interested in getting my services? Uh, maybe it’s just a rumor.
Anyway, this issue is hot and we ended the year with a bang—13 pages of paid advertisements. Timawa is one of our lucky charms.
Speaking of Timawa’s creator Gerry Alanguilan, alam n’yo bang isa pang magasin ng ABS-CBN ang nagpapakita ng interes na magkaroon din ng comics strip niya?
Ops, isa pang balita… Prof. Gerry will be featured in ‘Metro Him,’ another ABS-CBN mag. The article has something to do with his talk at the Lopez Museum recently.
Hindi na ako masosorpresa kung sa mga darating na panahon ay maging ‘glossy mags king’ si Ka Gerry.
On a sad note, hindi natapos si ‘Super Marboy’, ang entry ko sana sa Komikon 2007 dahil kinapos sa oras ang kinomisyon kong artist. Magdadala na lang ako ng mga lumang American Comics para naman may mai-display ako sa kinuha kong booth sa indie section.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Monday, November 12, 2007

'sweet november'

Hindi ito tungkol sa pelikula na may katulad na pamagat. Mas makakapagkuwento si Sharon Cuneta tungkol kay Keanu Reeves (the megastar has a huge crush on him, even joking that she’ll file a petition to divorce her senator husband if Keanu agrees to marry her) at si Ever Samson (Ever who, you might ask. Go read the PKMB!) ng Cabanatuan City tungkol kay Charlize Theron—mga bida sa nasabing pelikula. Ito ang aking version ng Sweet November.
Naalala ko lang na Nobyembre na nga pala. At bagaman’t marami akong gustong sulatin tungkol sa komiks, inuna ko na itong mga naging karanasan ko noong bata pa ako at nakatira sa aming antuking nayon sa Batangas.
Para malaman ninyo ang geography ng aming baryo circa 70s, ang bahay namin ay nasa loob ng kakahuyan—parang ang madilim, gubat na mapanglaw sa Florante at Laura. Walang kuryente. Malalayo ang kapitbahay. At ang tanging libangan ko kapag tanghali at nagsi-siesta ang aking ama’t ina (malalayo ang bahay ng mga posibleng kalaro) ay maupo sa aming hagdanan at makiramdam kung may engkantong daraan.
Nobyembre ang masayang buwan para sa akin. Hindi na ako masyadong umiigib sa balon dahil inaani na namin ang mga tanim na gulay. Ang madalas naming tanghalian at hapunan ay sinigang na hipon at pinasingawang (steamed) sitaw at iba pang gulay, na isinasawsaw sa kalamansi na may asin at dinikdik na sariwang luya. Kapag isda naman ang ulam ay siguradong nilagang talbos ng kamote, kalabasa o kaya ay puso ng saging—na ginataan ng maanghang. Kung medyo marami na ang populasyon ng aming alagang manok, tinola naman ang nakahain sa hapag at lumulutang ang mga hiwa ng sariwang manok sa sabaw na tinimplahan ng asin, paminta at luya. Ang meryenda ay halinhinang nilagang kamote, pritong saging at barakong kape, o kaya ay itlog na binabasag sa kumukulong timpla ng inasnang malunggay na may kamatis. Kapag nagugutom anumang oras ay may napipitas na bayabas, guyabano, at iba pang prutas na hindi seasonal. Paraiso para sa akin noon ang aming baryo.
Ang higit na pinananabikan ko pag Nobyembre ay ang panahon ng tagtsiko. Sa ganitong buwan ay nahihinog na ang tsiko (katumbas o kasabay na itintinda ng mansanas pag Disyembre). Ilang metro mula sa aming bahay ay may malaking puno ng tsiko, at tuwing umaga ay namumulot ako ng mga nalalaglag na hinog na. Ang iba ay may kagat pa ng ibon. Sabi ng aking ama ay aalisin ko lang ang pinagkagatan ng ibon bago ko kainin. Noon ay wala pa sa medical journal ang bird flu.
Kahit sikat na ang araw ay may hamog pa sa damuhan na dinadaanan ko, at nakakatuwa na makita sa damuhan ang ang mga bakas ng aking paa na nakamolde sa hamog. Nakayapak lang ako noon, at ang hamog siguro na iyon ang dahilan kung bakit maganda ang kutis ng aking talampakan kahit pa galing ako sa pagsasaka.
Paborito ko ang tsiko bukod sa langka. Siguro ay dahil minsan isang taon lang kung mamunga ito, hindi gaya ng ibang punongkahoy sa aming paligid.
Nag-iisa na ako sa piling ng mga magulang ko noon. Ang mga kapatid ko ay may kanya-kanya nang buhay—nag-asawa, naglayas, naghahanapbuhay. Menopause baby ako—nang ipanganak ako ay 57 na ang aking ama at 51 ang aking ina.
Isang madaling-araw iyon at nagising na agad ako. Madilim pa at tumanaw ako sa puno ng tsiko na napapalibutan ng mga alitaptap ang ibabaw. Malaking puno iyon at tila inaanyaya ako na magpunta na sa ilalim nito at kunin ang mga nalaglag na hinog na bunga. Ewan kung bakit bumangon na ako para puntahan ang puno.
Basambasa ang paa ko ng hamog sapagkat may kalamigan nang madaling-araw na iyon. Dala ko ang flashlight ng aking ama pero hindi ko pa pinaiilaw, pag nasa ilalim na lang ako ng puno ng tsiko. Nang malapit na ako sa puno ay may narinig akong parang dumadaing. Naalala ko ang kuwentuhan ng mga matatanda tungkol sa engkanto, at saka ako nakaramdam ng takot. At hindi ako dinadaya ng aking pandinig, may umuungol talaga at malapit lang. Parang sa may puno ng kape sa gilid naman ng puno ng tsiko.
Gusto kong tumakbo pabalik sa bahay nang muli kong marinig ang mga daing. Tumayo na ang mga balahibo ko sa takot, at dahil sa tension ay napailaw ko ang flashlight sa direksyon na pinagmumulan ng mga daing. Ganoon na lang ang gulat ko sa aking nakita.
Nakasandal sa puno ng kape at maalab na naghahalikan ang dalawa kong kapitbahay (medyo malalayo ang pagitan ng mga bahay). Sina Ivy at Ram. Nagulat din sila nang makita ako, napatigil sa kanilang marubdob na mga sandali, at nang makabawi sa pagkagulat ay hinatak ni Ram si Ivy at tumakbo sila papalayo. Nagbalik na rin ako sa bahay at nakalimutan ko na ang mga hinog na tsiko.
Si Ivy ay high school student noon sa kabayanan, fourth year. Isa sa pinakamaganda sa aming baryo. Kahawig siya ni Diana Zubiri. Masungit siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. May tindahan, at kapag siya ang nakatao roon ay hindi ako pinahihiram ng Liwayway. Lagi siyang bumibili ng Liwayway noon. May mga kapatid siya na kung minsan ay nakakalaro ko.
Si Ram ay mula sa medyo nakaaangat na pamilya sa baryo namin. Salbahe, at kapag nasa poso ng baryo ako para umigib ay lagi niya akong inuunahan kahit una ako sa kanya sa pila. Hindi ko maisip noon kung bakit ang isang first year college ay nang-aaway ng grade one student? May mga kapatid din siya na nakakalaro ko kapag Linggo at nagkikita-kita kami sa may labasan kapag dumarating ang nagrarasyon ng Esso Gasul (brand ng kesorene gas) na noon ay inirarasyon pa sa mga baryo (May isang pick-up truck na kulay puti na may malaking tanke sa likod na pinaka-pump station). Habang nagbebenta ng gas ay may libreng pasine (free movie) para sa mga bata at matanda. Animated movie, black and white na walang talkies.
Nang bumili ako ng Alhambra (sigarilyo ng matatanda) kay Ivy nang araw na iyon ay iba na ang ngiti niya sa akin. Iniabot din niya ang ilang kopya ng Liwayway na matagal na niyang ipinagdadamot sa akin. Lagi raw akong hihiram, sabi pa niya. Nang paalis na ako ay lumabas siya ng tindahan, inakbayan ako at bumulong. Huwag ko raw ipagsasabi ang nakita ko. Iyon ang una kong oryentasyon kung bakit naging utak-kriminal ako. Kung mananahimik pala ako, masusubaybayan ko ang nobela ni Pelagio S. Cruz, at hindi na ako magmumukhang busabos sa panghihiram sa kanya ng Liwayway.
Iba na rin ang pakita sa akin ni Ram sa igiban ng tubig. Siya ang nagpuno ng mga balde ko dahil ang papayat daw ng mga braso ko, kawawa naman ako. Hindi na niya ako tinatakot. Siya rin ang nagbuhat ng mga balde papunta sa amin. At siyempre, gaya nang inaasahan ko, nakiusap din siya na sana raw ay parang wala akong nakita.
At dahil utak-kriminal na ako, itinanong ko sa kanya kung ano ba ang mangyayari kung malaman ng iba? Papatayin daw siya ng ama ni Ivy. Sa isip-isip ko, aba, mawawala na pala ang balasubas sa pag-iigib ko kung sakali. Matapos niya akong maihatid sa bahay at maisalin ang tubig ay nagtanong siya: “Ano’ng gusto mo para atin-atin na lang ang nakita mo?” Sinabi ko sa kanya, at kinahapunan din ay ibinigay niya ang hinihingi kong bagong tirador—na matapos kong lagyan ng bato ay inumang ko sa kanya—bilang pagbibiro.
Lihim ang relasyon ng dalawa at wala sigurong nakaalam sa mga tagaroon sa amin maliban sa akin. May mga pagkakataon noon na nakakasalubong ko ang isa sa kanila at nararamdaman ko ang takot o pangamba sa mukha nila. But I am Forrest Gump reincarnated—wala akong pinagsabihan ng tungkol doon. A promise is a promise is a promise.
Hindi nagkatuluyan sina Ivy at Ram. Fling lang siguro ang naganap sa kanila noon. Si Ivy ay dumanas ng mabigat na pagsubok sa buhay, at inilarawan ko iyon sa nobelang ito:
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Madilim ang nobelang ito at sana ay huwag na ninyong mabasa. Ilang officemates ko ang nagka-migraine dahil dito. May ilang sumulat sa akin at sinabing hindi nila tinapos basahin ang kuwento dahil muntik na silang atakihin sa puso. Kung mapapasakamay ninyo ang kopya nito, itapon n’yo na lang.
Sa ngayon ay nasa ibang bansa na si Ivy, and happily married. Late 90s ay nagkita kami sa aming baryo minsang nagbakasyon siya. Hindi ko mabasa sa mukha niya kung natatandaan pa niyang hawak ko ang isang lihim ng buhay niya. Biniro pa niya ako na mas cute ako noong bata pa ako. At sinabi niya sa mga kasama namin sa huntahan na siguro raw kaya ako napasok sa publishing ay dahil napakahilig kong magbasa noon at sa kanya pa nga ako nanghihiram.
Late 80s ko naman huling nakita si Ram na ngayon ay isa nang negosyante sa Pampanga. Natuwa siya na I was doing good in school then, tama raw iyon na mag-aral akong mabuti (nag-cum laude si Ram). Matured na at hindi na salbahe. Ano raw plano kong kunin pag nagkolehiyo ako, tanong niya. Sabi ko ay papasok ako sa PMA (childhood dream), at pag sundalo na ako ay babarilin ko siya sa pagitan ng mga mata.
Natawa siya. Noon kasi, minsan na napikon ako sa kanya bago ko pa sila nahuli ni Ivy ay sinabi ko sa kanyang magsusundalo ako paglaki ko at babarilin ko siya para makaganti.
“Hindi mo pala nalilimutan ang banta mo sa akin, ha?” sabi niyang natatawa.
Dahil may sense of humor na ako noon, sagot ko, “Matalas ang memorya ko, marami akong hindi nakakalimutan! Lalo na ‘yung isang umaga sa puno ng kape!”
At sabay kaming natawa nang malakas.
Hindi na siguro maninirahan si Ivy sa aming baryo gayundin si Ram. Sa parte ko, hindi ko pa matiyak. Wala na ang puno ng tsiko at iba pang punungkahoy sa aming malawak na bakuran. Hindi na rin nagkakahamog sa umaga o madaling-araw dahil sa global warming. Nagsisikip na ang paligid sa dami ng bahay at tao. Ang paghahalikan ng mga kabataan sa publiko ay hindi na itinatago sa puno ng kape, o itinuturing na isang kasalanan. Malaking henerasyon ng mga kabataan na sumunod sa akin ay ni hindi na nakapagbasa ng Liwayway.
Nasa piling na rin ng Maykapal ang aking ama’t ina—at kahit sino pa ang mamahala sa aming kusina ay hindi mapantayan ang luto nila at timpla.
Sinasariwa ko na lang sa gunita ang mga ganitong nakaraan na hindi na maibabalik. Binabago tayo ng panahon. Ang tanging nagbabalik ay ang mga petsa at buwan sa kalendaryo, gaya ng Nobyembre, na minsan ay nagpamulat sa akin ng reyalisasyon na may aksidenteng dumarating sa buhay, at nasa atin na kung paano natin gagawing makatuturan ang aksidenteng iyon sa ating pag-unlad bilang isang indibidwal.
Sabi nga ng Guns N’ Roses:
“And when your fears subside
And shadows still remain
I know that you can love me
When there's no one left to blame
So never mind the darkness
We still can find a way
'Cause nothin' lasts forever
Even cold November rain…”

Wednesday, November 7, 2007

'deus ex machina'

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


HINDI ko alam ang tamang bigkas sa pariralang ito, na ayon sa aking pananaliksik ay ito naman ang kahulugan:
“The phrase ‘deus ex machina’ (literally ‘god out of a machine’) describes an unexpected, artificial, or improbable character, device, or event introduced suddenly in a work of fiction or drama to resolve a situation or untangle a plot (e.g. an angel suddenly appearing to solve problems).
The phrase has been extended to refer to any resolution to a story that does not pay due regard to the story's internal logic and is so unlikely that it challenges suspension of disbelief, allowing the author to conclude the story with an unlikely, though more palatable, ending.
In modern terms the deus ex machina has also come to describe a being, object or event that suddenly appears and solves a seemingly insoluble difficulty, where the author has "painted the characters into a corner" that they can't easily be extricated from (e.g. the cavalry unexpectedly coming to the rescue, or James Bond using a gadget that just so happens to be perfectly suited to the needs of the situation).
Other examples are seen in Dante Alighieri's Inferno when a mysterious personage (variously identified) "sent from Heaven" clears the path of fallen angels and opens the gates of Dis for Dante and Virgil to pass; in H.G. Wells' War of the Worlds where the Martians suddenly succumb to common viruses; and in Saving Private Ryan, when Tom Hanks' character, firing a pistol hopelessly at a slowly advancing Panzer, is saved by the sudden appearance of an allied tank buster aircraft. The device is a type of twist ending.
The notion of deus ex machina can also be applied to a revelation within a story that causes seemingly unrelated sequences of events to be joined together. Thus the unexpected and timely intervention is aimed at the meaning of the story rather than a physical event in the plot. This may more accurately be described as a plot twist.”
Naalala ko lang ang phrase na ito nang nagsisimula pa lang akong magsulat sa Atlas. Sabi sa akin ng isang editor doon ay iwasan ko ang ganitong ‘tool’ sa pagsusulat para laging may challenge sa akin ang anumang plot na maiisip ko. Halimbawa aniya, ang isang mahirap na manliligaw ay hindi kailangang tumama sa lotto para lang mapansin ng dalagang nililiyag.
Nitong mga nakalipas na araw ay ibinalita ni Mario Macalindong (popularly known as Marboy), isa sa mga regular na contributor sa Sterling, na may panawagan ang publikasyon na gumawa ang mga contributor nito ng mga horror stories. Maging si Alex Areta na regular writer (semi-exclusive) ng Risingstar Printing Enterprise ay nakatanggap ng text message mula kay Carlo Caparas na sumususog sa ibinalita ni Marboy. At para makiliti ang interes ng marami ay naglagay pa ng thread si Marboy sa PKMB ni Gerry Alanguilan kung paano magsulat ng kakaibang horror stories—na malugod na nilagyan ng inputs ng mga bihasa sa genre na ito, partikular si Jose Mari Lee na nakapag-produce ng horror movies sa abroad.
Ang mga kuwentong horror, dahil sa pananaw natin sa ‘reality check’ nito, ay kadalasang ginagamitan ng deus ex machina ang resolusyon.
Nang banggitin naman ni Gerry sa kanyang online journal ang pag-e-email sa kanya ni Charlie Baldorado at pagtatanong kung paano makapupunta sa Sterling ay sabay niyang inilagay ang isang drawing ng beteranong artist. Naalala ko na ako nga pala ang nobelista nito—ang ‘Silhouette’ at masakit mang sabihin ay isa ito sa mga nobela ko na labis na kinondena ng readers sa kabila ng sa palagay ko ay pag-iwas ko sa deus ex machina tool.
Ang ‘Silhouette’ ay isang tugon sa challenge sa akin noon ni Mr. Tony Tenorio, EIC ng Atlas, na gumawa ng ghost story na walang multo! Dahil challenge nga, bahala na raw ako.
Noong nasa Atlas pa ako ay ako ang ‘mop man’ ni Mr. Tenorio. Sa akin niya ibinibigay ang mga komiks na nasa ICU na, ‘ika nga. May mga illustrator na late na kung maghatid ng kanilang drawing sa nobela at hindi na nagagamit dahil naipa-troubleshoot na sa iba—gagawan ko ‘yun ng short story. Noong wala na ang mahuhusay na editors na sina Opi Concepcion at Pablo Baltazar, ako na rin ang madalas tawagin ni Mang Tony para sa mga bagong projects. Kaya naman nasorpresa ako nang malaman kong sinibak na pala ako matapos mabili ng National Bookstore ang Atlas.
Anyway, balik tayo sa Silhouette.
Ang plot ng Silhouette ay ibinatay ko sa teorya ni Albert Einstein ng relativity constant: e=mc2, o sa mas malawak na paliwanag:
“In physics, mass–energy equivalence is the concept that any mass has an associated energy and vice versa. In special relativity this relationship is expressed using the mass–energy equivalence formula where
E = the energy equivalent to the mass (in joules)
m = mass (in kilograms)
c = the speed of light in a vacuum (celeritas) (in meters per second).
Several definitions of mass in special relativity may be validly used with this formula, but if the mass in the formula is the rest mass, the energy in the formula is called the rest energy.
The formula is due to Albert Einstein, who arrived at it in 1905 in what is known as his Annus Mirabilis ("Wonderful Year") Papers. While Einstein was not the first to propose a mass–energy relationship, and various similar formulas appeared before Einstein's theory, Einstein was the first to propose that the equivalence of mass and energy is a general principle, which is a consequence of the symmetries of space and time.
In the formula, c² is the conversion factor required to convert from units of mass to units of energy, i.e., the energy density. In unit-specific terms, E (joules or kg·m²/s²) = m (kilograms) multiplied by (299,792,458 m/s)².”
Sa kuwento ng Silhouette, ang chemist na si Luis ay kinomisyon ng isang mob boss para lumikha ng formula na magbibigay sa kanya ng kakaibang lakas. Batay sa teorya ni Einstein, naniniwala ang mob boss na makukuha ni Luis ang formula para sa serum na ituturok sa boss para lalo itong lumakas. Halimbawa, kung bubuhat ng isang silya ang boss, ang bigat (weight) ng silya ay maa-absorb ng kanyang katawan at mako-convert into energy kaya madadagdagan ang kanyang lakas. Mas mabigat ang kanyang bubuhatin, mas lalakas siya at magiging makapangyarihan.
Sinimulan ni Luis ang experiment. Ang formula na nalilikha niya ay itinuturok niya sa isang chimpanzee. Makalipas ang maraming trial and error ay naobserbahan niyang lumalakas na ang tsonggo at nakakabuhat na ng mga bagay na dati ay hindi nito maiangat. Ngunit isang bagay ang natuklasan niya—lumiliit ang chimpanzee.
Doon napaglimi ni Luis na bagaman at nagtagumpay ang experiment na ma-absorb ng katawan at maging enerhiya ang bigat o timbang ng bagay na binubuhat, nababawasan naman ang amount of mass sa katawan ng bumubuhat. Ang ‘reverse/inverse proportionality/effect’ na ito ang nagbigay sa kanya ng realisasyon na umpisa pa lang ay hindi niya dapat isinagawa ang experiment at hindi siya dapat nagpadaig sa takot sa mob boss na nagkomisyon sa kanya. Nagdesisyon siyang ituring na failure ang experiment.
Ngunit hindi pumayag ang mob boss. Mas naging interesado ito na ituloy ni Luis ang experiment sapagkat magiging ‘invisible man’ siya o ‘ghost-like’ sa pagkaubos ng kanyang ‘mass’ at higit umano ang tataglayin niyang kapangyarihan kung hindi na siya nakikita. Kaya ang isa pa umanong proyekto ni Luis ay tuklasin naman kung paano maibabalik ang mass properties sakaling gustuhin ng ‘invisible being’ o ‘ghost-like’ entity na maging visible siya to the naked eyes.
Bumigat ang burden ni Luis—lalo pa at ginawang hostage ng mob ang kanyang pamilya to force him to finish the experiment.
Sa kagustuhang iligtas ang pamilya agad-agad, ginamit ni Luis sa sarili ang formula kahit hindi pa niya natutuklasan ang solusyon na magpapabalik sa mass amount of body. At tulad nang inaasahan, matapos niyang ma-absorb ang energy requirement ay naglaho na ang kanyang katawan at naging ghost-like, at nararamdaman lang siya ng mga nasa paligid kapag nasa ilalim ng kurtina na tila isang silhouette.
Hindi ko na ma-discuss nang buo ang kuwento dahil masyadong mahaba. Ngunit ang nobelang ito ay umani ng napakaraming batikos sa readers sapagkat hindi raw nila maunawaan ang mga mathematical computations na kaagapay nito. May ilang physicists din na sumulat sa akin at sinabing isang mapanlinlang na teorya sa agham ang nobela, ano ang karapatan kong sumulat ng ganitong nobela kung hindi naman talaga ako siyentipiko? Gayundin, may mga religious groups na tinawag akong anti-Kristo.
Sa ilang pagkakataon ay iniisip kong baka makaapekto ito sa career ni Mang Charlie na noon ay kababalik lang sa Atlas mula sa kanyang gig sa abroad. Pero wala naman akong naririnig na reklamo sa kanya, at sa halip, bawat chapter ay naipapakita niya ang hinihinging art requirement ng kuwento.
Hindi ko ito ginamitan ng deus es machina tool ngunit hindi tinanggap ng readers. 1991 noon, at hindi pa siguro sila handa sa ganitong plot.
Nang matapos ang Silhouette ay sinundan ko ito ng ‘Phantasmagoria’. Kuwento ng isang yuppie na nag-take home ng hooker na na-in love sa kanya. Ang hooker ay galing sa isang Philippine province at may lahing mangkukulam. Sa pamamagitan ng ‘dawdaw’ o ‘barang’ ay kung anu-anong katatakutan ang nakikita ng yuppie sa panaginip—na sa palagay ko ay gustung-gusto naman ng readers dahil sa napakarami nitong cliché, predictable sequences, kultura na alam na alam ng mga Pinoy, at siyempre pa, ang napakaraming deus ex machina tools na ginamit ko just to redeem myself from the Silhouette debacle.
Sa pansarili kong opinyon, batay sa naging tagumpay ng Philippine True Ghost Stories ng Psicom Publishing, Nginiiig! Real Horror Stories ng ABS-CBN Publishing at True Pinoy Ghost Stories ng Risingstar Printing, basic pa rin ang mga plot na gusto ng readers pagdating sa horror genre. Puwede sigurong magpaka-daring gaya nang ginawa ko sa Silhouette pero dapat ay sa mga short stories pa lamang. Ang elemento ng pananakot ay nakasaklay pa rin sa larong bata o pananakot na ginagawa sa atin noon na hindi natin ma-outgrow: “Hayan, may multo!”
Salamat kay Gerry sa pagpoposte ng house ad ng Silhouette na lumabas sa True Ghost Stories ng Atlas noong early 90s at dahil nga detached naman ako sa aking mga sinulat ay wala man lang akong naitabing kopya. Labis naman akong natuwa nang mabalitaan ko na nagbabalik sa Pinoy comics scene si Mang Charlie Baldorado. Marami kaming pinagtambalan noon, at masasabi kong isa siya sa napakalaki ng naitulong sa akin. It pays being paired to an amazing artist.

Tuesday, October 23, 2007

showbiz

KUNG wala kayong ginagawa sa November 4 at may pagkakataon kayong manood ng "Pinaka..." ng Channel QTV hosted by Pia Guanio, isa ako sa mga naimbitahan sa kanilang topic—not about Philippine Komiks but Philippine showbiz. Incidentally, ang nasabing episode ay kasabay ng second anniversary ng naturang show.
In case na nagtataka kayo kung bakit ang isang taga-ABS-CBN ay puwedeng mag-appear sa show na identified sa Kapuso, okey lang ito basta sa Channel QTV. Madalas ako sa TV guestings noong nasa Atlas pa ako, at muli ko lang gagawin sa Channel QTV pagkatapos ng halos sampung taon.
Naririto ang pictures ng ilang staff ng show habang nagse-setup sa maliit kong opisina. Marami rin akong TV interviews and guesting na hindi natuloy noon kaya hindi pa ako 100% sure kung ito ay maipalalabas. Pero sana... para may mapagtawanan naman tayo!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tuesday, October 16, 2007

...so you think teri hatcher is bad

...at ang lahat nang may kinalaman sa show na 'desperate housewives.' maliit na isyu pa lang 'yan, mga kababayan, sa pang-aabuso sa atin ng mga kano. sana ay pakabasahin ninyo ang comics story na ito kung may time kayo:

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sunday, October 14, 2007

road to perdition

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa halagang P100, walang comics junkie na hindi matutuksong bilhin ito. Ilang beses ko na itong hinahawakan sa Power Books outlets, kaya nang makita ko sa isang bargain mag store, hindi ko na pinakawalan.
Sa minsang pag-uusap namin ni Robby Villabona online ay nabanggit niya sa akin na ang Road to Perdition ay nag-originate sa isang Japanese story bago ginawang graphic novel, and later on ay naging pelikula. Iyon ang una kong rekoleksyon ng Road to Perdition kaya nagkainteres ako rito.
Nagkokolekta ako ng graphic novels pero hindi ko ma-define ang taste ko. Kung minsan ay dahil sa cover, kung madalas pag-usapan sa PKMB, kung kata-translate lang into movie gaya ng 300, Spiderman, etc. Kung sobrang bargain at halos ipamigay na ng tindahan. But basically, mahilig ako sa black and white na komiks. Madalas din pagkabili ko ay napapalagay na lang sa aming bookshelf, at nabubuksan ko lang kapag kailangan kong mag-conceptualize ng bagong projects.Wala akong masyadong ginagawa (Oct. 14), at dahil medyo mahaba ang weekend dahil sa tatlong araw na pahinga ay nagkaroon ako ng time na basahin ang Road to Perdition, matapos ko namang basahin ang nakakaantok na ‘An Unauthorized biography of J.K. Rowling’ ni Marc Shapiro—a 110-page book that I think is written in a huff.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

I needed a good read para naman hindi masira ang aking mood. Nahalungkat ko ang Road to Perdition, na kasama ng iba pang komiks na bargain ko rin nabili.
At dahil basta ko na lang ito binili noon, saka ko lang nalaman na three parts pala ito, at second part na ang nakuha ko!
Anyway, here’s the teaser:
“Road to Perdition Book Two: Sanctuary”
An untold tale based on the graphic novel and movie sensation. In the months between losing his family and giving his life to avenge them, gangster Michael O'Sullivan and his son robbed banks throughout America's heartland - with the bounty hunters known as the Two Jacks hot on their trail. Now, in ON THE ROAD TO PERDITION: SANCTUARY -the second of three original tales based on characters from the acclaimed graphic novel and Oscar-winning movie - learn what happened while the O'Sullivans were on the run! SANCTUARY is written by Eisner Award-winning novelist Max Allan Collins, writer of ROAD TO PERDITION and ON THE ROAD TO PERDITION: OASIS, with gorgeous art by the award-winning Steve Lieber (Whiteout) and a cover by comics legend Jose Luis Garcia-Lopez. In this new tale, the elder O'Sullivan shares a secret history with his pursuers - and their paths were destined to cross again, in the one place O'Sullivan, the "Angel of Death," always sought sanctuary!
***
Nagustuhan ko ang materyales ng nobelang ito. Kahit ang setting ay noong 30’s, madaling sundan ang kuwento ni Collins. Masarap din sa mata ang dibuho ni Lieber kahit pa 51/2”x8” lang ang sukat ng komiks, perfect-binding at gumamit ng magandang quality ng book paper para sa inside pages.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Since marami ang nagsasabing parang nagbalik sa 70’s ang CJC-Sterling comics, ang Road to Perdition ay magandang reference para sa mga writers at illustrators ng nasabing publication. Kung mababasa ito ni Carlo J. ay baka ma-inspire siyang makahugot ng bagong nobela at hindi rehash ng kanyang old obras. Dahil gangster novel ito, at 70’s-inspired naman ang CJC-Sterling comics, puwede sigurong balikan ang era nina Asiong Salonga, Nardong Putik, Kapitan Eddie Set and other amulet-wearing hoodlum legends at hanapin ang ilan pa sa kanila na ang buhay ay hindi pa naikukuwento in print and in the movies—mga karakter na sa palagay ko ay magki-click sa mga pahina ng komiks ng Pilipino kung maayos ang pagkakasulat at pagkakadibuho. Hindi nalalayo ang hagod ni Lan Medina, an Eisner awardee, kay Lieber… at kung action-packed novel ang mako-conceptualized ni Da King, baka lalong mas ma-inspire si Lan, itago na sa lumang baul ang script ng Totoy Bato, at posibleng magkaroon ng kakumpetensya sina Parcenet-Isolde at Kroko.
At dahil nagandahan ako sa Road to Perdition, hindi ako maghahanap ng bargain ng Books 1 & 2, kailangang bumili na kaagad pagkasuweldo—kasama na ang DVD ng movie version.
Pero kung may pirated na DVD, I’ll take Gerry Alanguilan’s advice na fake na lang ang bilhin, tutal hindi naman ako nag-uulit sa panonood ng movie.

Wednesday, October 10, 2007

entertainment writing

Natabunan ako ng trabaho sa Risingstar dahil halos dalawang buwan akong nagbakasyon sa trabaho roon. Masyadong malayo ang Tandang Sora sa amin sa Pandacan, at medyo nakatamaran kong mag-report. Sabagay, marami naman akong advance na deadline pero nang magbalik ako, hanggang leeg na ang dapat gawin.
Hindi ko alam pero pagdating ng September ay mababa na ang energy level ko. Ang gusto ko na lang ay magpasarap hanggang New Year; mag-mall, magbasa, manood ng TV, matulog, etc. Pero pag dumarating na ang monthly bills, kailangang bumangon nang maaga at harapin ang mga obligasyon.
Sa mga ginagawa ko ay sobra sa 100% effort ang ibinibigay ko sa The Buzz Magasin. Bago para sa akin ang entertainment writing nang simulan ang hot showbiz magazine na ito noong 2003, and so far ay hindi pa ako nababagot.
As associate editor ng The Buzz, ang function ko ay ayusin ang mga articles na naka-submit pagkatapos basahin ng editor-in-chief ang mga details. Ako na ang bahala kung paano ang final editing, paglalagay ng heads, at kung may kulang na articles at deadliest deadline na, ako na ang susulat. Kaya bago ang deadline proper, nagbabasa na ako ng entertainment pages ng mga tabloids, broadsheets, at nanonood ng mga local showbiz-oriented shows.
Sa magasin na ito, mostly ay sa desk ang trabaho ko. Hindi ako nag-a-attend ng presscon, walang artistang nakakakilala sa akin o iba pang personalidad sa showbiz. Wala rin akong natatanggap na payola, regalo pag may okasyon. Wala ring artistang nag-iimbita sa akin. At sa palagay ko ay iyon ang strength ng The Buzz Magasin dahil hindi ako nagiging partial sa aming mga nagiging subject matter.
Ang obserbasyon ng mga readers namin, masculine ang dating ng The Buzz Magasin, at may pagkasalbahe.
Here’s our new issue at lalabas ito before the 20th of October. Lots of showbiz buzz…

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Marami kaming plano noon sa magasin na ito para maging compulsive read. Nang magsimula ito ay may horror stories, crossword puzzles, etc. para maiba sa ibang showbiz magazine. Lately ay naging halos lifestyle mag na porma nito at nawawala ang masculine touch.
Dahil gusto na namang pasukan ng mga pagbabago at para maka-attract ng young readers, dumating sa mga pahina ng The Buzz Magasin ang superhero na ito... si Timawa ni Gerry Alanguilan (http://www.gerryalanguilan.com/).

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

At kung young male readers ang target ng Timawa, may pampakilig din para sa mga young female readers, ang nobelang prosang Meant For Each Other, na ang gumagawa ng spot drawings ay ang comics creator din na si Ner Pedrina (Sanduguan).

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kung may chance na mapapadaan kayo sa ABS-CBN para manood ng Wowowee o anumang shows at trip ninyo na hanapin ako, nasa fourth floor ako ng ELJ Building. Tiyempuhan lang ninyo na araw ng suweldo para mailibre ko kayo ng kape sa Starbucks.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

By the way, may mga kaibigan ako na nag-text nang matapos ang laban nina Pacman at Barrera. Tuwang-tuwa raw sila dahil bukod sa nanalo ang kanilang Pinoy ring idol, feeling daw nila ay AKO ang sinasapak ni Pacman! May nagpadala pa sa akin ng MMS to prove their claim. Ang babait n'yo, gugulpihin pala ang karakas ko! :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sunday, October 7, 2007

green day part II

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

erwin,
the archers did it. soweeeeeeeeeeeeee! bibigyan na lang kita ng original artworks from my collections bilang pampalubag-loob, ahe-he. :)

Tuesday, October 2, 2007

Sunday, September 30, 2007

green day

Kadarating lang niya pero pansamantalang tumigil sa masayang pagkukuwento nang makitang pinapanood ko sa Balitang K ang panayam ng programa kay Carlo Pagulayan. She knows the household rule: Pag may pinagkakaabalahan akong tungkol sa komiks, hindi siya dapat mang-istorbo. Natapos ang segment kay Carlo Pagulayan, at tuloy na siya sa pagkukuwento.
Well, finally their college basketball team beat the Ateneo Blue Eagles at pumasok sila sa kampeonato ng kasalukuyang UAAP laban sa UE Warriors. For the DLSU Green Archers, beating Ateneo Blue Eagles this time of the year for the second slot in the finals is like celebrating Christmas and New Year at the same time.
Nagsimba siya noong umaga bago nakipagkita sa kaklase na makakasama niya papuntang Araneta Coliseum para mag-cheer sa kanilang team. Usually ay sinasamahan ko siya sa mga ganitong lakad, pero sabi ng misis ko, it’s about time na matuto nang lumakad mag-isa ang aming anak. She’s in first year college anyway.
Namulatan niya ang culture na sobrang engross ang mga kolehiyo sa kanilang basketball teams. Madalas akong manood ng NBA games pero hindi man lang siya sumusulyap sa TV screen. Nang magkolehiyo siya at maramdaman ang espiritu ng kumpetisyon at pagtatanggol sa pride ng eskuwelahan lalo na sa sports, madalas na siyang manood ng games. Nakikita kong apektado siya at malungkot kapag natatalo ang kanilang team. Napakabata pa niya para ma-absorb ang paliwanag ko na basketball lang iyon, not a failing grade. But I guess bahagi na talaga ito ng pagkokolehiyo ngayon—ang masira ang mood ng estudyante lalo na kung archrival ang nakakatalo—basketball man o academic excellence.
Nanood kami sa TV nang magwagi ang Archers kontra Ateneo at makakuha ng twice-to-beat advantage sa kung sinumang mananalo sa UST-Ateneo game. Sa sudden death, Ateneo ang nanalo, talsik ang UST (hello, Gerry) at tinalo agad ang Archers sa unang laro, na nagbigay ng malaking worry sa aking anak. Sa likod ng isip ko, nagtataka ako kung bakit hirap na hirap talunin ng Archers ang Ateneo.
May kaba ako na baka manalo pa rin ang Ateneo sa natitira pang laro ngayong araw na ito kaya hindi ako nanood sa TV, pero nang mag-text ang anak ko at ang laman ng kanyang mensahe ay ang kanilang college hymn (Hail to thee our alma mater… hail, hail, hail… etc)—she’s a lot creative that her marginal father— alam kong nanalo ang kanilang team. Nag-normal ang aking blood pressure.
Masayang-masaya ang kanyang pagkukuwento lalo na ang pakikipagkantiyawan sa mga Atenista mula sa pagsakay sa dyip (yes, Virginia, sumasakay sa dyip ang mga taga-exclusive schools), pagpasok sa Araneta Coliseum, at maging sa ladies room. Color-coded ang mga supporters kaya madaling ma-identify. Nang tumunog na ang final buzzer, pakiramdam daw niya’y nasa ibabaw siya ng mundo.
Inisip kong gumawa ng cartoons ni Robby (a true-blooded Atenean) na tinamaan ng malaking palaso (arrow), pero marami na siyang banat na natatanggap sa blog ni Randy, and I decided to be easy on him. We Filipinos don’t kick our enemies when they’re already down on the floor.
Bukas (October 1) ay simula na naman ng aking deadline ng The Buzz Magasin sa ABS-CBN Publishing kung saan napakaraming produkto ng dalawang magkabanggang higanteng kolehiyo. Masarap na naman ang kantiyawan. Baka umapaw ang libreng Starbucks coffee mula sa mga kamag-anak ni Robin Hood. Makakatipid na naman ako ng Nescafe instant three-in-one.
It’s green day for the La Sallians, the Ateneans in their usual blue (sad) mode.
But this is just a basketball game. Bahagi ng interaksyon ng mga kolehiyo. Minsan ay may pikunan (lalo na ang mga Archers na madalas masuspindi), nagkakasakitan, (ang ibang Archers ay dapat boxing ang nilalaro at hindi basketball), pero kapag tapos na ang kani-kanilang kurso at ang mga produkto ng iba’t ibang colleges and universities na dating magkakaribal ay nagkakasama-sama sa iisang kumpanya—pribado man o pampubliko—nagtutuwang at nagkakaisa na sila sa iisang goal: ang maging productive individuals na katulong ng kanilang company in achieving its mission and vision.
To La Sallians, congrats and hope you beat the UE Warriors in the finals. Sa mga Atenista, sabi ng anak ko: See you all next UAAP season.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
HAGGARD BUT EUPHORIC: She’s only fourteen years old, folks… let her savor the victory while it lasts.

Friday, September 28, 2007

Heroes

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Fascinated ako sa illustrated stories bata pa lang ako. Lumaki ako sa pamilyang may regular na kopya ng Liwayway kada linggo. At dahil gubat/nayon ang lugar namin sa Batangas, walang kuryente at sa araw-araw na lang na umpukan ng mga matatanda ay tungkol sa nakaraang WWII ang topic, buhay na buhay sa imahinasyon ko ang aksyon sa El Vibora, na nabasa ko mula sa koleksyon ng aking ama. Nakalimutan ko kung sino ang nobelista ng Impossible Dream pero hangang-hanga ako sa drowing ni Nitoy F. Agustin doon. At dahil fantasy, tungkol sa malaking kabute (mushroom) na naging mahiwagang payong na nagbibigay ng kapangyarihan sa bidang lalaki na bukod sa bulag na ay pinagkaitan pa ng karangyaan sa buhay, marami ring malalaking kabute sa paligid ng aming bahay, at iniisip kong ano kaya at maging mahiwagang payong din iyon, mapasaakin at ibigay ang kung anuman na aking hilingin. O kaya ay makita ko na nakaupo sa ibabaw niyon ang mabait na duwende na tumutulong sa mga kapuspalad. Ah, childhood and the insatiable longing for wonders back then.
Itinuring kong isang sign ng pag-unlad sa aming baryo ang pagkakaroon ng kapitbahay na laging maraming komiks. Bukod sa Liwayway ay may iba pang nababasa. Noon ko na rin na-recognize ang iba pang illustrators at ang kanilang magkakaibang style. Pagbuklat ng komiks, alam na agad kung sino ang nagdrowing.
Dahil mahilig akong magdrowing (the feeling is not mutual), naiisip ko noon na masarap kayang maging dibuhista? At bagama’t wala naman akong reklamo sa payak naming kabuhayan at ang aking ama ay mahusay na provider, iniisip ko kung ano kaya at naging illustrator siya? Sa angkan namin ay maraming mahusay magdrowing. Ang kapatid ng aking ama ay naging arkitekto at nagturo sa FEU (IARFA). Maraming pinsan ko ang archi, draftsman, etc. May mga tiyuhin akong mahusay magpinta. Ang isa kong kuya ay naging T-shirt designer bago naging sabungero. Ang kuwarto ng mga pamangkin ko ngayon ay puno ng Manga posters na sila-sila ang gumawa. I guess ‘yung talent sa art na wala sa akin ay napunta sa anak ko—na ayaw namang magdrowing.
Hindi ko inakala o pinlano na magtrabaho sa komiks, kaya gayun na lang ang tuwa ko nang dumating ang panahon na makasama ko ang halos lahat na comics artists na hinahangaan ko. Hindi ko man nakita ang mahiwagang duwende sa ibabaw ng malaking mushroom, ang makita at makausap ang mga hinahangaang dibuhista ay para na ring paglalakbay sa fantasyland.
At kung noon ay isang tanong sa akin kung ano ang pakiramdam ng maging anak ng isang illustrator, nasagot iyon dahil marami sa kanilang anak-anak ay nakilala at naging kaibigan ko.
Recognizable sila kapag dumarating sa Atlas Publishing. All were young and pretty. Ang tinutukoy ko ay ang mga anak na dalaga ng mga illustrators noong nasa Atlas pa ako. Naghahatid ng drowing ng mga tatay nila, at tagasingil na rin ng payment.
I still remember them. Siguro ay dahil naging part na rin sila ng friendship ko sa kani-kanilang ama. At kung sa panahong ito sila nag-bloom, they can give Kris Aquino’s 26-K a run for their money.
Si Tinkerbelle na anak ni Mang Rico Rival ang una kong na-notice noon. Why not, para silang magkakambal ni Donita Rose. Bukod sa paghahatid ni Tinkerbelle ng mga drowing ni Mang Rico, siya na rin ang nagleletra.
Hindi kami nagkakilala ng anak na dalaga ni Mang Pablo Agualada at hindi ko rin nalaman ang pangalan niya. Natatandaan ko na mahaba ang buhok niya, nakasalamin, shy-type, mukhang intelihente. Bihira kasing kumuha ng trabaho sa akin si Mang Pablo, at kung dumating ang anak niya para maghatid ay paalis na ako sa opisina. Siya rin ‘yung tipo na parang mahirap i-approach dahil masyadong tahimik.
Nagsulat naman sa Extra Komiks na hawak ko noon si Xelerina, nicknamed XY (pronounced EX WHY) na anak ni Mhadzie Sangalang. Nasa college si XY noon. Natatandaan ko na kapag nagpupunta sa publication si Mang Mhadzie ay kasama ang buong pamilya sakay ng kanilang owner-type jeepney. Hindi ko alam kung nag-pursue ng kanyang writing career si XY, at ang huling balita ko sa father niya ay sa US na gumagawa ng komiks.
Sa tagal ko sa Atlas ay na-witness ko ang pagsisimulang mag-aral sa kolehiyo hanggang sa maka-graduate ng anak na dalaga ni Mang Jess Olivares. Umaga siya kung maghatid ng trabaho ng ama, naka-uniform pa. Sa hapon pagkatapos ng klase ay saka naman sisingil. Sabi ni Mang Jess ay employed na ngayon sa isang bangko ang anak niya, at may pamilya na rin.
Cute at parang baby naman ang anak na dalaga ni Rey Legaspi. Hindi matangkad pero charming, masasaya ang mga mata at medyo kulot ang buhok. Noon ay hindi na rin aktibo si Rey na matagal nagdrowing ng ‘My Very Special Love Series’ sa Extra Special bago pa man ako naging editor. Nag-concentrate si Rey sa kanyang music career.
Madalas ding kasama ni Mang Romy Santos ang kanyang anak na dalaga na halos kasintangkad niya. Nakita namin ni Marboy sa NCCA last September 11 si Mang Romy nang tapos na ang CJC-Sterling event. Nang humina ang komiks ay sa mga tabloid na siya nagdrowing. Puti na ang buhok ni Mang Romy early 90s pa lang, puti pa rin hanggang ngayon. I wonder kung nagmana sa pagiging putiin ng buhok niya ang kanyang anak.
Sa mga anak ng illustrators na babae ay kay Maricel, anak ni Mang Fel Rival ako naging close dahil pareho kaming taga-Batangas. Kung hawig si Tinkerbell kay Donita, kay Bianca Gonzales naman si Maricel. Magaganda ang lahi ng mga Rival na babae. Professional dentist na ngayon si Maricel.
Of late, naging friend ko na rin si Grace na anak ni Mang Jess Jodloman, na napaka-supportive sa kanyang ama .
Sa mga lalaking anak ng illustrators ay naging close ko si Ruel na kapatid ni Maricel, Warren (anak ni Charlie Baldorado), isang anak ni Nes Lucero na kung bakit kahit madalas kaming maglaro sa court ng Atlas noon ay di ko na ma-recall ang pangalan, at Jun Malgapo, anak ni Mang Nestor. Si Jun ay isa sa naging best friend ko, at lagi kong tinutukso noon na kaya gustong siya ang naghahatid ng drowing ng ama ay para makakupit.
Hindi ako na-link romantically sa mga anak na babae (at lalaki!) ng mga dibuhista noon. Kapag editor ka, o kahit katrabaho lang nila, iba ang respetong ibibigay mo sa mga taong hinangaan mo at naging childhood heroes. ‘Ika nga, hindi talo.
Mabubuti silang ama ng tahanan. Mababait na kaibigan. Ang iba ay may ego, mayroon namang low-profile. Pero lahat sila ay may puso sa sining. Kaya nga basta tungkol sa komiks, marami sa kanila ay handang gumuhit muli kahit pa stable na sa buhay—para lang sumigla muli ang industry.
I failed to meet Nitoy F. Agustin dahil sa GASI siya naka-concentrate. Naikuwento sa akin ni Bert Lopez, isa ring illustrator, na kay Nitoy siya nanonood noong nag-aaral pa siyang magdrowing. Suplado raw ito, nakatira sa kubo at ayaw na may kasama. Wala akong mapagtanungan if he’s still alive or not.
Kahit umalis na ako sa komiks, I still keep my friendship with them at kapag may nakukuhang raket, kung sino ang available ay tinatawag ko para maka-partner. Mahirap ipaliwanag kung paano ako natuwa na kahit paano, ngayon ay marami sa mga illustrators ang aktibo na muli dahil sa pagbubukas ng Sterling, at iba pang publications next year.
I am a very passive person pero nasasaktan ako kapag binabatikos ang mga beteranong illustrators ngayon. Kung susuriin ang kasaysayan ng komiks, hindi sila dapat sisihin, solely, kung bakit napag-iwanan ng panahon ang kanilang sining; kung bakit takot sila sa computer, kung bakit kung mag-layout sila ay anim-anim na frame pa rin. Ibinaon sila ng lumang industry sa maling sistema, at hindi natin maaasahan na basta sila hahawak ng mouse, Wacom, etc. Ang tanging mali nila, sa aking pananaw, ay ang kawalan nila noon ng vision sa posibleng mangyari sa comics industry sa hinaharap, at minahal nila ang komiks as if the industry is their only life. Ang iba naman ay nakaka-cope sa bagong teknolohiya, o bago pa man humina ang komiks noon ay naghanap na ng ibang trabaho.
I still care for my childhood heroes—the comics beteranos. The ‘comics geniuses’ out there may be right in saying that, like the marginal me, they’re already has-beens and lost their significance in the present industry. My only consolation: The beteranos have proven their worth and their talents, unlike those trash talkers whose artworks we’ve yet to see—kahit man lang sa balutan ng Boy Bawang.