Wednesday, August 29, 2007

hello, lawmakers?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakita ko ang batang ito sa MRT Station, Quezon Avenue, minsang papunta ako sa ABS-CBN. I realized I’m still human; I tried to wake him up. Pero hindi siya magising. Sobrang antok, sobrang gutom… hindi ko alam.

Sa balita ngayong gabi (August 29, 2007) ay binubuhay na naman pala ng mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan ang ‘Hello, Garci?’ issue. What’s the use? Umamin na si PGMA. Alam naman natin na may mantsa na ang reputasyon ng Commission on Elections at hindi natin alam kung totoong nabibilang ang ating mga boto. Natanggap na rin natin ang katotohanan na may Armed Forces of the Philippines tayo na hindi mapagkakatiwalaan.

Sa loob ng mahabang panahon ay tatalakayin sa Senado ang ‘Hello, Garci?’ issue na malaon nang patay, samantalang naririto ang mga kabataan na mas kailangang mabuhay dahil unti-unting nangangamatay dahil sa kahirapan.

Lawmakers, hello!

Saturday, August 25, 2007

risingstar printing sportsfest

Nagdaos ng kanilang unang sportsfest ang Risingstar Printing Enterprise noong August 21, birthday ng isa sa may-ari na si Miss Alice Bacani. Nagkaroon ng parade bago ang tournament.

Nagulat ako na ganito na pala karami ang empleyado ng Risingstar. Noong isang taon na sinimulan ko ito, for 3 months ay nag-iisa ako sa maliit na opisina at ang kasa-kasama ko lang ay ang mga alagang aso at pusa ng mga may-ari (na hindi kasali ngayon sa tourney).

Hinati sa anim na team ang mga empleyado, color-coded with corresponding magazine title. Manager ako ng Big Hits Song Mag (unang songhits na hinawakan ko, and presently Risingstars’ bestseller), Pink ang kulay namin dahil hot men wear pink!

I’m on two-month radical sabbatical and wasn’t able to play that’s why my team settled only for second place.

Not bad.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Friday, August 24, 2007

buwan ng wikang pambansa

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ipinagdiriwang ngayong buwan na ito ang ‘Buwan ng Wika’. Agosto ginaganap ang okasyong ito kaagapay ng kaarawan ng bayani at dating pangulo ng bansa na si Manuel Luis M. Quezon na Ama ng Wikang Pambansa.

Sa pagiging patnugot (editor), kung minsan ay nalulungkot ako sa pababang kalidad ng mga manunulat sa ating sariling wika. Ang mga mag-aaral sa ngayon mula elementarya hanggang kolehiyo ay maraming mali sa pagsusulat sa Pilipino o Filipino. Naglalahuk-lahok ang gamit ng panghalip at pantukoy, hindi alam ang tamang paggamit ng bantas, banghay at kung anu-ano pang teknikalidad sa ating wika. Maging sa mga pahayagan, radio, TV, pelikula at iba pang gamit sa pakikipagtalastasan ay maoobserbahan na ang pababang kalidad sa paggamit ng ating pambansang wika.

Hindi ako dalubhasa sa ating wika ngunit pinipilit ko na maitama ito sa pamamagitan ng pag-aaral at patuloy na pagbabasa ng mga lumang akda ng mga naunang manunulat na hindi na siguro kilala ng mga kabataan ngayon gaya nina Lope K. Santos, Pelagio Cruz, Genoveva Edroza, Liwayway Arceo at marami pang iba. Sa mga sandaling dumadalaw ang pagkamakabayan ay binubuklat ko ang Noli at Fili, at sinasariwa ang mga panahong ang indayog ng ating wika ay musika sa pandinig at nagpapalaya ng daluyong ng nag-aapoy na damdamin.

Noong isang linggo ay napakiusapan ako ng isang lokal na pahayagan sa Kamaynilaan na maging hurado sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay, maikling kuwento at tula na idinaos ng nasabing pahayagan bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng ating wika. Nagulat ako sa akda ng mga kabataan na inisip kong kagaya lang ng mga nababasa kong inilalathalang aklat ng mga nagpapanggap na modernong manunulat sa panahon ng text messaging at Internet na kasumpa-sumpa ang panggagahasa sa tunay na anyo ng pagsusulat. Purista ang lengguwahe ng mga bata, at para akong nagbubuklat ng mga pahina ng Diwang Ginto at Diwang Kayumanggi.

May pag-asa pa naman pala ang pagpapanatili ng kinang ng ating wika.

Siyanga pala, ang mga kalahok sa naturang patimpalak na tumanggap ng karampatang premyo mula sa tagapaglathala ng pahayagang lokal ay mga mag-aaral mula sa isang pribadong kolehiyo ng mga Tsino.

Nakapagtatakang sa kabila ng kanilang dugong dayuhan ay nasa kanilang mga dila at isipan ang kinang ng ating salita. At para sa akin, ito ay isang malaking insulto sa mga purong Pinoy na nag-aaral sa mga paaralang lokal na gumagamit ng ating pambansang wika ngunit hindi makagawa o makasulat ng kahit man lang tamang pangungusap.

Thursday, August 23, 2007

filipina: prostitution and exploitation

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Laganap na laganap na ang prostitusyon sa bansa. Ang higit na nakapangingilabot ay ang edad ng mga kababaihang nasasadlak sa ganitong hanapbuhay. Tinatayang mula edad dose pataas ay lumilinya na sa prostitusyon. Iba-iba ang kanilang lugar na pinupuwestuhan. May namamasukan sa mga club, sauna bath o kaya ay mga sikat na watering hole ng mga yuppie at mapeperang negosyanteng mahilig sa gimik. Mayroon ding naglalakad lang sa kalye o sa mga mall tumatambay. Ang iba ay sariling bahay pa ang ginagamit na pinaka-motel—plus extra charge siyempre.
Sa mga nagsusulputang online advertisement sa mga TV channels ngayon na karamihan sa mga subscription ay dumaraan sa mga service center ng cellphone, ang isang prostitute ay puwedeng mag-register sa naturang TV channel gamit ang kanyang cellphone at maia-advertise ang kanyang number na kunwari ay naghahanap lang ng textmates. Ang ilan ay nagpapanggap na professional therapist at nag-o-offer ng home or hotel services. Pero sabi nga, hindi mo kailangang maging henyo para hindi maunawaan ang nakasaad sa linya. Walang professional therapist sa tunay na kahulugan ng propesyong ito ang papatol sa ganitong cheap na uri ng advertisement. Pang-come on lang ang home service. Kalimitan sa mga nagiging customer ay sa otel sila dinadala at alam nating hindi therapy lang ang mangyayari sa loob ng pribadong silid.
***
SA pag-unlad ng teknolohiya, mas naging exploited ang mga Pinay at exposed sa prostitusyon. Ilang website sa Internet ang nagbebenta online ng mga Pinay sa mga hayok sa sex na Caucasian pedophiles. Ang naturang website ay kakikitaan ng display ng mga batang Pinay na kinuhanan ng mga larawang malalaswa at mahahalay ang puwesto. Kung minsan ay sa aktong nakikipagtalik o gamit ang iba’t ibang sex toys. Alam natin kung gaano karumi at ka-experimental ang mga dayuhan pagdating sa sex. Ginagawa nila ang kahalayan sa ating mga kababaihan kapalit ng dolyar.
Ang higit na masakit ay ang pagkakaroon ng salitang Filipina ng ibang kahulugan sa diksyunaryo ng ibang bansa. Matatandaang naging synonym ng “domestic helper” o “house help” ang salitang Filipina. Nang kasagsagan natin ng pagpapadala ng mga domestic helper sa ibang bansa, inakala ng mga dayuhan na basta Pinay ay iyon lang ang kayang gawin sa buhay—ang maging domestic helper. Pinrotesta ng Pilipinas ang naturang definition sa dictionary at pansamantalang nawala ang isyu tungkol doon.
Sa mga website kung saan nagkalat ang mga larawan ng mga menor de edad na Pinay, binigyang kahulugan ang ating mga kababaihan bilang mga “exotic girls of Asia.” Sinabi rin na kapalit ng partikular na halaga ay puwedeng makilala ang mga Pinay at magamit for their sexual pleasures. Isinalarawan ang mga Pinay bilang maliliit na babae na may maliliit na sukat ng lahat sa kanya (dibdib at behind) kaya nga nagiging exotic sa paningin ng mga puti. Ang pagiging maliit diumano ng mga Pinay ang dahilan kung bakit tumataas ang sexual urge ng mga dayuhan.
Ang naturang depinisyon ay nagbigay ng bahid sa ating mga Pinay na nagtatrabaho ibang bansa bilang mga propesyunal. Ano ang magiging tingin sa isang Pinay computer analyst sa UK ng kanyang mga kasamahan? Sa isang Pinay telephone operator sa Singapore? Sa napakarami nating domestic helper sa Hong Kong at iba pang panig ng mundo? Sa mga gurong Pinay sa Amerika? Puwede silang masamantala sa pag-aakalang okey lang sa kanila ang mga sexual advances sapagkat sa ganito naman kilala ang mga Pinay.
Sa imbestigasyong isinagawa sa mga naturang website, natuklasang ang mga malalaswang larawan ng mga babaing menor de edad ay galing sa mga Australian tourist na dumarayo sa Pilipinas para lang sa naturang purpose at ipinagbebenta naman sa iba’t ibang pornographic website sa abroad. Kaya kung ganito rin lang pala, huwag na nating panghinayangan ang ginawang pagsasara ng Australian embassy sa bansa dahil naiiiwas pa natin ang ating mga kabataang babae sa panganib sa kamay ng mga pedophile na naapektuhan na marahil ang moralidad at mga utak ng kanilang produktong bulok na karne ng baka.
Malawak na ang operasyon ng mga website sa bansa kung saan ibinibenta ang ating mga kababaihan. Sa mga balita ay ilang bahay sa mga sikat na subdibisyon na ang sinalakay ng National Bureau of Investigation dahil nagpapatakbo sila ng negosyong hi-tech na prostitusyon. Ang mga babae ay hubad habang nakikipag-chat sa mga tagaibang bansa. May nakatutok na webcam sa kanila at kung ano ang sabihin ng kanilang ka-chat ay gagawin nila.
May prosesong sinusunod kung paano magbabayad ang isang kostumer. Ayon sa report, malaki ang kinikita ng mga babaing nahuli sa ganitong estilo ng prostitusyon.
Ang negosyo (kalimitan ay parang Internet cafe) ay nakarehistro bilang bogus computer company at pag-aari (na naman!) ng isang dayuhan—kalimitan ay Amerikano , Australian, British na may nobyang Pinay na katulong din nila sa naturang negosyo. May business partner ang dayuhan na mga Pinoy na siyang tagahanap ng babae.
***
ITINUTURING na isang matandang hanapbuhay ang prostitusyon. Ito ang madaling paraan ng pagkita ng pera kapalit ng kandungan at katawan. Sandaling ligaya sa kostumer, pera at pagkawasak ng dangal at moralidad sa nagbenta. Ang suma-total, pareho silang nabulid sa kasamaan.
Kahirapan ang itinuturing na dahilan kung bakit lumalaganap ang prostitusyon. Sa ating panahon, ang pagiging mahirap ay hindi ang kawalan lang ng pagkaing mailalaman sa tiyan, ng lupang puwedeng tirikan ng kahit kubo man lang, hanapbuhay na disente, makapag-aral ang mga bata. Ang kahirapan sa ngayon ay nakatuon din sa kasalatan sa mga materyal na bagay na puwedeng magpasaya sa tao—bisyo kagaya ng drugs, communication gadgets, gimmick at iba pang karangyaan sa paraang hedonistic. Gayundin ang paghahangad na magkaroon ng kung ano ang mayroon ang iba sa mabilisang paraan.
Sa mga bansa sa Asya, noon ay itinuturing na ang sentro ng prostitusyon ay ang Thailand. Ngayon ay hindi na. Alam na ninyo kung anong bansa iyon. Masakit. At ang higit na mas masakit, parang okey lang sa atin iyon. Tanggapin kung ano ang kapalaran. Ang mahalaga—patuloy na nabubuhay.
Mali, napakalaking kamalian. Mahirap ipaunawa ang kasabihang mamatay nang dilat basta’t may karangalan. Sa ngayon, lumalabas na mas mahalaga ang maisaayos ang kalam ng sikmura kaysa sa karangalan.
Ano ang nagtutulak sa mga disenteng babae na makipag-jamming sa mga nag-a-unwind na mga yuppie at businessman sa mga private room ng mga sing-along bar? Sa mga estudyanteng babae na binibigyan naman ng allowance ng kanilang mga magulang para pasukin pa ang pagsa-sideline sa cybersex? Bakit patuloy ang pag-alis ng ating mga kadalagahan patungo sa ibang bansa bilang entertainers gayung 95% ang posibilidad na mapasuong sila sa prostitusyon?
Kahirapan ng buhay...
O, makinang na career?
Pamahalaan at pamilya ang dapat na magkatuwang sa pag-iiwas sa bawat Pinay na masadlak sa prostitusyon o ma-exploit ng mga sumasamba sa salapi. Hindi maaasahan ang simbahan sa ganitong krusada sapagkat ang ginagawa lang nila ay pumuna ngunit walang tulong na inilalapit sa mga biktima at kadalasan pa nga ay nauuna pa sila sa pagkondena. Minsan pa nating sasabihin na hindi sapat ang kahirapan ng buhay para ma-exploit ang ating mga kababaihan o wasakin ang karangalan sa prostitusyon. Mabigat na kaparusahan ang dapat ipataw sa mga nagsasadlak sa kanila sa ganitong gawain, bugaw man o may-ari ng mga prostitution den; dayuhan man o kababayan natin.
Sa panig ng mga kababaihan, higit na dapat na maging militante ang mga grupong nangangalaga sa kanilang karapatan. Ipaglaban nila ang karapatan ng mga Pinay kahit sa labas ng bansa.
Nagkakagulo ang ating mga mambabatas sa mga napakabababaw na isyu sa bansa ngunit walang ingay para sa pagsusulong ng mahigpit na batas na magpaparusa sa mga nagpapalaganap ng prostitusyon at eksploytasyon na ginagawa sa ating mga kababaihan. Nakapagtataka ito.
Sabagay, kung bahagi ka ng kasalanan, bakit mo gugustuhing ito ay mapag-usapan?

For more 'Filipina-related' topics, please click:
The Filipina Writing Project http://w3o.blogspot.com/2007/07/filipina-seo-keyword-campaign.html

new home for comics contributors

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Iniuulat ng aking kababayan at sikat na dibuhistang si Mario (Marboy) Macalindong sa Philippine Komiks Message Board ang pagkakaroon ng mga taga-komiks ng ‘bagong tahanan’ na ipagagamit ng CJC-Sterling group. Sa mga nakalipas na panahon ay ang bakuran ng Atlas, Gasi, Counterpoint, Mass Media, at iba pang comics publication ang nagsisilbing tambayan ng mga manunulat at dibuhista.

Bago ako naging editor sa Atlas ay naranasan ko ring tumambay sa mga bakuran ng mga publications. Masarap na pampalipas-oras ito. Nakakarinig ng kuwento ng mas nakatatandang taga-komiks, ng mga comics jokes (kadalasan ay misadventure ng isang taga-komiks), nakakapanood sa nagdodrowing na beterano, at kung anu-ano pa. Lalong masarap tumambay pag araw ng singilan. Lahat ay matataas ang espiritu.

Ayon kay Mario ay magpo-provide ng computer at iba pang kagamitan ang CJC-Sterling sa bagong tahanang ito na magagamit ng mga taga-komiks. Para sa akin ay positibong balita ito.

Bago nagsara ang Atlas ay nakapasok ako sa opisina nila sa Cubao at nakapagkuha ng litrato. Dalawang contributor na lang ang nakita ko sa editorial na nakatambay (nakaupo si Alex Areta, nakatayo si Bobby Villagracia sa larawan). Naparaan lang daw sila roon, wala lang. Nakagawian na lang. Hindi na rin daw tumatanggap ng script ang mga editor, pahimakas ng nalalapit na pagwawakas. Malungkot at wala ang halakhakan ng mga tao sa editorial hindi gaya noong araw. Maging ang canteen ay tila abandonadong lugar.

Kinunan ko rin ng picture ang ilang komiks na huling inilabas nila sa market bago ang Pilipino Illustrated Stories Dengue Edition.

Siguro ay dadalaw rin ako sa bagong tahanan ng mga taga-komiks kapag maluwag ang oras to see my former comics’ comrades.

Monday, August 20, 2007

basketball and comics

Bukod sa hilig sa komiks noong teener pa ako, isa sa passion ko ay ang basketball. I grew up with a makeshift half court in our backyard. Many of my playmates then considered me a pretty good shooter and a tough defender, though I cannot dribble the ball well.

Nang mag-college ako, isang special course at sampu lang kaming magkaklase na puro barako, ay tuwing Sabado ang aming PE. That was fine with me dahil ang nagha-handle mismo sa amin ay ang head ng PE department na nagtuturo ng karate kasabay ng aming PE. Actually, hinahayaan lang niya kaming maglaro ng basketbol sa gym habang nagtuturo siya ng self defense sa naggagandahang karatekas (karate practitioners) mula sa mga private schools sa Batangas City. Most of the time, I wasn’t playing but rather gawking at the pretty ass kickers practicing their kata (karate dance).

One time, habang naglalaro kaming magkakaklase ay may dumating na tropa na galing pa raw Mindoro at makikiensayo ng basketbol sa amin. The pretty karatekas were then cooling down at the bleachers and I thought it was time for me to show them my basketball stuff. Titilian n’yo ako, I told to myself. Pumayag kami na makipaglaro sa mga dayo kahit mas malalaki sila.

The Mindoro guys was bannered by a rugged-playing 6-footer. Sa umpisa pa lang ng laro, naramdaman ko nang walang chance na manalo kami. In one play, I made a mistake of getting in the way of the rampaging 6-footer who never hesitated in bulldozing his way toward me. The collision sent me meters away from the playing court. Para akong lata sa kalye na tinadyakan at tumilapon. Tulad nang inaasahan ko, nagtilian nga ang naggagandahang karatekas, hindi sa paghanga sa akin kundi sa panghihilakbot sa nangyari. I left the court limping and with bruised ego. Isang linggo na ang nakalipas ay masasakit pa ang mga kasu-kasuan ko.

Later on, I have learned that the rugged playing 6-footer was on his way to play for a team in the PBL, and much later became one of PBA’s superstars—Nelson ‘The Bull’ Asaytono.

Geez!

I had another encounter with a professional basketball player when I was still working in an American company somewhere in Pasig City. One fine Sunday, after our overtime, I and my co-workers watched the San Miguel Beer’s newly drafted player, Bobby Jose, sweating it out in an open court. Nang pagpawisan na, niyaya niya kaming maglaro. Nasa kainitan naman noon ang aming tournament sa company kaya puro kami praktisado. Nakipaglaro kami sa kanya, at ewan kung ano ang nakain ko nang araw na iyon at masyadong maganda ang pulso ko. I engaged Bobby in a fierce shootout, kaya pagkatapos naming maglaro ay nasabihan niya ako na, “Sana matangkad ka o kaya mahusay magdribol para point guard.” Naobserbahan niya na hindi ako masyadong marunong magdala ng bola.

But my most memorable basketball game happened in the summer of 1988. I was supposed to finish another semester, plus on the job training but my college ruled out that I should discontinue my course for being so radical. Anyway, during that time I already have my eyes trained in looking for a job since schooling doesn’t doing me any good. Bago ako lumuwas ng Maynila to look for any job, sabi ko sa parents ko ay sasali muna ako sa summer basketball tournament sa aming baryo, knowing that it would be my last.

Nang gabing i-announce ng barangay captain ang lineup, nalaman kong hindi ako kasama sa alinmang team. Nang itanong ko kung bakit, sininghalan pa ako ng kapitan at sinabing parusa raw niya sa akin iyon dahil hindi ako nagparehistong member ng Kabataang Barangay, at higit sa lahat, nahuli niya akong tinitirador at nilalagyan ng sungay ang mga poster ni Marcos noong kampanya ng snap election. Uh, when you’re young you do crazy things.

May mga ilang nakiusap sa kapitan na isali na lang ako tutal I have brought some honors in our barangay noong nasa high school pa ako. He agreed, pero isinama niya ako sa team ng mga Bicolano na nagtatrabaho sa isang malaking farm sa aming baryo bilang poultry boys.

Dahil addict ako sa basketball, okey na rin. Pero siyempre ay may kantiyaw ang mga kaibigan ko na pang-poultry boy raw pala ang karakas ko.

Para hindi naman ako mailang sa mga Bicolano, I asked my cousin to join me in the team. He’s 17 years old then, 5’ 10”, and a Richard Gomez look-alike. But in spite of his athletic frame, my cousin was a basketball phobic, and never touched a ball aside from the two balls hanging between his legs. He was a gifted painter though.

Ayaw niya. Tangging-tanggi na sumali. Pagtatawanan lang daw siya ng mga tao. Later on I learned that one of the reasons kung bakit ayaw niyang sumali ay may nililigawan palang magandang bakasyunista sa aming baryo at doon nauubos ang oras niya.

Ever since I was young I had this mind of a criminal. I gave my cousin an ‘offer’ he can’t refuse just to have him in our team. I told him that I’m gonna help him court the pretty bakasyunista. I also warned him that if he refuses my offer, I’m going to tell that girl his dark secret—that he’s not yet circumcised, and with that, he can kiss his chances of winning the heart of his pretty bakasyunista inamorata goodbye.

Knowing that I am capable of doing such a threat, my cousin loses excuses and agreed to join our ‘Bicol Express’ team.

The Bicolano poultry boys, to my surprise, were good in hoop. At napakababait. Pagkakatapos ng aming laro ay inililibre pa kami ng pinsan ko ng meryenda. Mabubuting kaibigan ang mga Bicolano.

Call it poetic justice but our team went straight to the championship. At sa oras ng kampeonato, sudden death, matatawa kayo sa kuwento.

Nagulat ang mga nanonood why I was scoring at will. During the elimination round, I was good for 8 to 10 points only. Pero noong championship na, halftime pa lang ay naka-22 points na ako. Maging ang coach ng kalaban naming team ay nagtataka kung bakit hindi ako masyadong dinidepensahan ng kanyang mga player kaya nakalalamang kami ng malaki.

Here’s the secret. Halos lahat ng player ng kalaban naming team ay ako ang sumusulat ng love letter sa kani-kanilang syota noon. Simula sa ligawan hanggang sa patuloy na pagsusulatan ay dumadaan sa akin ang sulat ng mga syota nila, tapos ay ipasasagot nila sa akin. At kaya walang bumabantay sa akin ay nag-aalangan sila na mapilay ang kamay ko, o masaktan ako at mawalan sila ng escribiente (clerk). At bukod sa sulat, nilalakipan ko pa ang kanilang love letter ng drawing, mostly were horribly drawn portfolios, copied from nar cantillo and cal sobrepeƱa from the pages of extra and love life komiks.

Anyway, nang nasa dying minutes na ang laro ay nasaktan yata ang pride ng mga kalaban namin sa kantiyaw ng mga manonood kaya pinilit nilang humabol. The Bicol Express team slowly loses steam, and one by one my uragon teammates were hobbled by personal fouls. I thought we gonna lose the game.

But it was my basketball phobic cousin who stole the show. Last 10 seconds ay tie ang score. Inbound kami. Na-fouled out na ang aming Bicolano Superman na sentro kaya napilitan kaming gamitin ang matangkad kong pinsan. Sabi ko sa kanya, pumuwesto siya sa ilalim, sa kanya ko ipapasa ang bola at pagkasalo niya ay basta niya ihagis sa ring dahil tiyak na ipa-foul siya. Pag nag-free throw siya, pilitin niyang makapag-shoot kahit isa at tiyak na champion kami.

The eternity of basketball came to a halt nang ihagis ko na ang bola sa pinsan ko. Kahit ako ay hindi naunawaan kung ano ang nangyari at gayun na lang ang pagkakagulo ng mga tao kasabay ng pagtunog ng buzzer.

It turned out that my cousin was able to shoot the ball before the time expires. Pandemonium erupted. All of a sudden I was very, very proud of him.

When the euphoria settled and I, my cousin and the Bicolanos were already having a post game celebration, sabi ko sa pinsan ko ay nagulat ako sa nangyari. Hindi ko ‘kako nakita ang buong pangyayari dahil ang game plan was for him just to fish for a foul. Paano niya nai-shoot ang bola?

Sabi niya, abut-abot daw ang kaba ng dibdib niya nang ihahagis ko na sa kanya ang bola. At nang nasa ere na, pagtingala niya ay nasilaw siya sa napakaliwanag na Mercury light na nasa kalapit na poste at nagdilim ang paningin niya. Naramdaman daw niya na tumama sa kamay niya ang bola, hindi niya nasalo pero dahil malakas ang pagkakahagis ko ay tumama sa board, at eksaktong bumanda pa-shoot sa ring. Lucky punch kumbaga sa boksing.

The next day, still in cloud nine with his basketball heroics, my cousin went straight to our barrio’s Mang Kepweng (albularyo) and has him circumcised.

The incident never lured him to play basketball again. He finished a two-year drafting course, then took nursing and now works in the municipal health department in Batangas City. And oh, he won the heart of the pretty bakasyunista but their romance never last forever, it ended when she came back to Manila and my cousin never heard of her again. He has a family now, and still paints, he told me.

Sa insidenteng iyon ko rin nalaman ang katotohanan sa kasabihang, ‘A pen is mightier than the sword.’ Dahil lang sa ako ang gumagawa ng love letter ng mga nakalaban namin sa championship, ayaw na ayaw nilang masaktan ako.

Sa isang artikulo naman ay nabasa ko, ‘If you’re a very good writer you can rule the world.’

Maybe.

In my case, I’m a marginal writer, folks. Very marginal. Right attitude, work ethics, professionalism and maybe some luck are the factors that keep me in the thick of things in this business, not my writing talent or skills.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

INTER-KENKOY: Kuha ito sa isang basketball tournament sa Atlas Publishing dubbed as Inter-Kenkoy. Member ako ng Darna team. Teammates ko ang noon ay bata pang si Meyo de Jesus (katabi ng muse), Noli Sarile (lettering artist at anak ng cartooning legend na si Bert Sarile) at si Danny Villanueva (lettering artist at kapatid ni Rudamin ‘Rudy’ Villanueva). Ang muse namin na nakalimutan ko na ang pangalan ay isang budding rockstar noong ‘90s. Ang iba pang teammates namin na nakalimutan ko na ang mga pangalan ay taga-Litographic (printing) Department. Nasa dulong kaliwa ako. Hindi ko na-enjoy ang basketball sa Atlas; what was suppose to be a ‘Kenkoy tournament’ always end up in a melee.

Saturday, August 18, 2007

unfinished novel

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Marami akong nasimulang nobela na hindi natapos—both illustrated and prose. Ang isang ito, ‘May Terorista sa Internet CafĆ©’ ay lumabas sa The Buzz Magasin late last year pero hindi rin natapos—nagkamali yata ako ng atake dahil napasobra sa sex and violence, at nawalan ako ng tapang na ipagpatuloy ito. Our The Buzz e-mail was flooded by mails requesting for the continuation, but I think mas magandang gawin itong graphic novel.
Lumabas ito on a two-page spread, prose form, 1,500 words at laging may spot illustration ni Rodel Noora. Rodel now resides in his home province Bicol, ite-text ko lang sa kanya ang magiging drawing and he will e-mail it to me after 30 minutes.
Posibleng tapusin ko pa rin ito next year kapag medyo maluwag na ang schedule.
Here’s a part of the novel:
***
MATAGAL na pinagmasdan ni Martha ang building. Hindi naman kalakihan pero maganda ang facade. Aakalain ba ng marami na sa loob ng gusaling iyon ay marami palang kabulukan na nagaganap?
Pero sandali na lang ang itatagal ng gusali. Maya-maya lang ay magmimistula na itong alaala ng nakalipas, kasama ang gutay-gutay na katawan ng mga buhong na marahil ay sa mga sandaling ito ay masaya pang nag-iinuman.
Sa impiyerno na ninyo itutuloy ang kasayahan, naibulong ni Martha sa sarili.
Gaya ng nakasaad sa instruction ay sumakay na siya sa kanyang scooter. Kailangan niyang lumayo roon. Malakas ang bombang ikinabit niya sa loob ng gusali. Baka hindi siya kasihan ng suwerte at tiyempong mahagisan pa ng malaking tipak ng semento. Sabagay, ganito naman lagi ang style niya, lalayo muna bago ang explosion.
Hindi na niya tanaw ang building nang ihinto niya ang scooter. Mula sa cellphone ay nag-text siya: Done...
Wala pang dalawang minuto ay dumating na ang reply: Proceed.
Inilabas ni Martha ang isa pang unit ng cellphone. Nagpipindot siya roon. Nagrehistro ang isang number at tinawagan niya iyon. Ang number na iyon ang mag-a-activate sa bombang ikinabit niya sa gusali. Pinindot niya ang call.
Isang malakas na pagsabog ang narinig.
Muling sumakay sa kanyang scooter si Martha. Another day in the office.
***
KUNG pagmamasdan si Martha, hindi aakalain na nabubuhay siya sa gitna ng karahasan. Sa edad na beinte ay mapagkakamalan siyang isang graduating student sa alinmang exclusive schools for girls sa Kamaynilaan. Matangkad, seksi, girlfriend material. Sino ang mag-aakalang ang lakad-modelong kagandahang ito ay mapanganib?
Natatandaan pa ni Martha na minsan ay may pinasubaybayan sa kanya ang organisasyon. Sa isang high-end na club iyon. Natipuhan siya ng isang astig na yuppie na mula sa isang nakaririwasang angkan. Nag-iisa siya sa mesa habang pasimpleng minamasdan ang kanyang subject nang lumapit ang coƱo.
“I like your ass,” walang pasintabing sabi nito sabay lawit ng dila na may hikaw.
“Kiss your ass!” maagap niyang sagot. Tumayo siya at nagtungo sa ladies room.
Sadyang pangahas ang coƱo. Akalain ba niyang hanggang doon ay sundan siya nito at ini-lock ang pinto?
“Sisigaw ako!” banta niya rito.
“You can scream on top of your lungs, babe. Walang makakarinig. Bingi ang mga tao rito!” At humalakhak ito.
Iyon ang huling tawa ng coƱo. Namalayan na lang nito na may napakatalas na bagay na naglagos sa lalamunan nito. Tila nauupos na kandilang napaluhod ang coƱo, hawak ang leeg.
Walang anumang hinugasan ni Martha ang patalim sa sink. Kampanteng lumabas ng ladies room at umalis na rin sa lugar na iyon. Wala nang puwedeng manakit sa akin. Wala na!
***
KINABUKASAN ay maagang bumangon si Martha. Nag-jogging sa kalapit na parke, nag-almusal at naligo. Habang nagbibihis ay binuksan niya ang TV. Nasa balita ang pagsabog ng building. Walang tiyak na suspek ang mga awtoridad; puro haka-haka at espekulasyon.
Napangiti si Martha. Tumingin sa relo. Alas dos mamayang hapon ay siguradong nadagdagan na naman ang savings niya sa banko. Time to relax a little.
Ang relaxation ni Martha ay pangkaraniwan lang. Tumatambay siya sa isang Internet CafƩ malayo sa kanyang inuuwian. Hindi siya dapat nag-iiwan ng bakas. Ang mga aktibidad niya ay malayo dapat sa lugar na kanyang tinitirahan.
Ang Internet CafƩ na iyon ay nasa outskirt na ng Metro Manila. Aakalain ng ibang nagrerenta roon na isa lang siya sa mga nakatira sa tabi-tabi, o estudyante sa kalapit na kolehiyo. Naglaro ng Counterstrike si Martha at nang mapagod ay nagbasa ng entertainment news sa net. Nanganak na pala si Angelina Jolie. May hush-hush sa anak nina Tom Cruise at Katie Holmes. On the local scene, ang daming isyu sa mga online tabloids at naintriga rin siyang magbasa. She thought, Sino na kaya ang mga cutie sa showbiz ngayon? sabay sip sa hawak-hawak na bottled ice tea. Napangiti siya. Naalala na noong bata pa siya ay gustung-gusto niyang mag-artista, mapasama sa cast ng Tabing Ilog.
Napahinto siya sa pag-sip. Naalala na naman niya ang kanyang kabataan. Malulungkot na naman siya.
Ikinabit niya sa tenga ang headset and for a while ay nakinig ng mga MP3 songs. That’s better, bulong niya sa sarili. Hindi ito ang oras para magsenti.
Eksaktong alas tres ng hapon ay sinilip niya online ang kanyang bank account. Napangiti siya. Dumating na nga ang kabayaran. Kailan kaya uli ang susunod? Hmmm, nakakasanayan na niya talaga.
Hindi alam ni Martha, kanina pa may lihim na nakatingin sa kanya. Humahanga...
***
REGULAR customer din sa Internet CafĆ© na iyon si Eric. At lagi niyang nakikita roon, bagama’t hindi madalas, si Martha. Pamilyar na sa kanya ang magandang dalaga. Naaakit siya sa bubbly na personalidad nito. Para bang pag ngumiti ay gumagaan ang anumang bagay na mabigat.
Gaya ng dala-dala niya sa dibdib.
Napailing si Eric.
Bahagyang lumingon si Martha.
Sa maikling sandali ay nagtama ang kanilang mga mata. Saglit na saglit, dahil nang tangkain ni Eric na ngumiti ay agad nang nagbawi ng tingin ang dalaga.
At gaya ng dati, tatalunin siya ng hiya na lapitan ito, at magtapon ng simpleng ‘Hi!’ kahit hindi niya tiyak kung ire-recognize nito iyon.
Saglit pa ay natanaw ni Eric na tumayo na si Martha.
Muli siyang nanghinayang. Pero hindi bale, naisip niya. Marami pa namang araw.
Nang lumabas ng Internet CafƩ si Martha ay nanghahaba ang leeg niya sa paghabol dito ng tingin. Iisa ang tiyak niya, walang boyfriend na sumusundo rito. Ah, baka may ka-chat na BF sa abroad.
Ewan ni Eric kung bakit nakadama siya ng selos. Siya na rin ang pumawi sa naisip. Nag-research lang iyon, anang isip niya.
Next time, titiyakin na niyang sa anumang paraan ay makipag-interaksyon dito.
***
(Note: Ang mga kasunod na chapter ay sa mga Internet CafƩs ko na sinulat para ma-feel ko ang atmosphere at wala akong na-save na file. Iyon pa naman ang mga kabanata na maraming banatan [read: sex and violence].)

current comics read

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Color blind ako kaya ang gusto kong komiks na binabasa ay black and white. Kalimitan sa mga nabibili kong komiks, local or imported, ay black and white. Meron din naman akong mangilan-ngilan na colored pero hirap talaga ako na basahin ang mga ‘yon.
I’m currently reading Valentine by Daniel Cooney. Hindi ako mahilig mag-search ng info about the writers/artists kaya wala akong masyadong input about this comics creator. Sa loob ng comics na ito ay may illustrated photo ni Cooney, and sans the mole, he’s a deadringer for Jonas Diego.
Series pala itong Valentine at ang nakuha kong kopya ay ang Red Rain. I like the narratives and the dialogues, and the illustrations remind me of the works of the many young illustrators hanging around at Atlas Publishing in the early 90s na hindi nabigyan ng break dahil matigas ang mga karakter. Nalaman kaya ng mga batang iyon na may potential pala silang maging independent comics creator?
Anyway, here’s the teaser:
“Can an assassin ever quit the business? Meet Dana Valentine, a gun for hire—who abandoned her profession for a clean slate at life. She has taken shelter with an Italian restaurant owner who saved her life at one time. Now, burdened with debt and the Russian mob on his back, he’s in the brink of losing it all. Can a former assassin risk all to save another? New problems abound for Valentine, bringing her past full circle and the decision the outcome of her future—if she survives to have one first.”
Story by Daniel Cooney and A. Daniel Lewis (Mortal Coils)
Art by Cooney, P. Palmiotti (Aquaman), Joe Fauvel (Assassins Guild) and Darren Merinuk.
Some of the illustrations also remind me of the works of our friends Ner Pedrina and John Becaro. Sorry, folks, hindi ako nakapag-scan ng inside pages dahil medyo matigas ang pagkaka-perfect binding.
A good read though…

Friday, August 17, 2007

teacher gerry and other stories...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

This coming second semester of school year 2007-08 ay hahakbang sa panibagong career ang ating kaibigang si Gerry Alanguilan. Kung hindi ninyo kilala si Gerry kahit sa pangalan lang, you’re not living since 1997.
Magtuturo sa isang kolehiyo para sa kurso na may kinalaman sa komiks si Gerry. Ang masasabi ko lang, hindi nagkamali ang naturang kolehiyo sa pagkuha sa kanya bilang isa sa kanilang mga guro. With him around, how can this new course go wrong?
Noong unang panahon ay walang paaralan para sa mga dibuhista. Ang kalimitan na kuwento ng mga sumikat na illustrator noon ay nakikipanood lang sila sa mga legends, nakikitira sa bahay para mag-assist hanggang sa matuto nang magsarili.
Dekada 80 ay nagsulputan ang mga comics illustration schools gaya ng VK Komiks Studio ni Vincent Kua, Dynamic Concept Illustrated ni Mang Nestor Malgapo at ang Art Neouvo ni Mang Hal Santiago. Sumulat ako sa tatlong eskuwelahang ito at nakatanggap naman ako ng reply sa lahat sa kanila. Hindi nga lang ako nakapag-enroll dahil kapos sa allowance. Marami naman sa kanilang mga produkto ang naging bahagi ng komiks at animation. Our dear friend Randy Valiente is a proud product of Mang Hal’s school. Hindi natapos ni Rodel Noora ang kanyang course kay Mang Nestor, pero alam naman natin kung gaano kahusay si Rodel ngayon. Sa mga produkto ni Vincent, I like Lucas Jimenez.
Bago umalis papuntang Saudi si Mang Rico ay nagtuturo siya ng art sa mga kabataan sa Cainta.
Sa kasalukuyan ay marami pa rin namang nagtuturo ng illustration. Nakalimutan ko lang kung ano ‘yung isang institusyon sa Makati City (hindi ko mahagilap ‘yung dyaryo kung saan sila may advertorial) na nagtuturo ng paggawa ng komiks at kasama sa course outlay ang digital illustration, manga, animation, etc. Hindi na ako nag-inquire kung magkano ang tuition fee.
Sina Mang Nestor at Mang Karl Comendador ay produkto rin ng distance study program. Sa ngayon, ang alam ko na lang na existing distance study school ay ang Penn Foster kung saan nag-o-offer sila ng Basic Commercial Art at saka Cartooning. Tuition fee ranges from P6,000-P8,000, sa buong duration na ito ng course.
Sa pagsisimula ng Komiks Caravan ay sinabi ng pangulo ng Polytechnic University of the Philippines na plano rin nilang magtayo ng departamento tungkol sa komiks—pagsusulat at pagdidibuho. Nakalimutan ko ang pangalan ng opisyal ng PUP, pero sinabi niyang noong araw ay nagsulat siya sa komiks. Kung matutuloy ito, maraming komikero (writers and artists) ang posibleng bumuo sa faculty ng nasabing departamento.
May dalawang school of thought (you can argue with me if I’m wrong) pagdating sa pag-aaral ng pagguhit. Ayon kay Jose Mari Lee, kapag ang isang tao ay inborn ang pagiging comics illustrator, hindi niya kailangang mag-aral sapagkat kaya niyang gumuhit ng perpektong pigura; tama ang anatomy, malikot ang imahinasyon sa layout and storytelling at walang problema sa perspective.
Sabi naman ng ibang artist na nakilala ko ay kinailangan nilang mag-aral o mag-training bago nila na-perfect ang kanilang craft. Kumbaga sa isang chemical element ay nangailangan sila ng catalyst para mapabilis ang process.
Sa malapit na hinaharap na posibleng sumigla ang industriya ng komiks ay makikita na naman natin ang pagsulpot ng mga institusyon na maghahasa sa potensyal ng ating mga kabataan na may hilig sa paglikha ng komiks. Magandang development ito sapagkat mayroon na silang outlet locally, at kung hindi man at piliin nilang sa abroad gumawa, ang sining ng Pinoy ay mababakas sa kanilang mga obra.
Posible ring dumami muli ang mga kabataang Pinoy na mahihilig sa drawing at ambisyunin ito na maging lifetime career. Sa kasalukuyan, ang ating mga kabataan, lalo na yaong mga mahihirap, ay iniisip na ang pagsasayaw, pagkanta, pagsali sa banda o pagboboksing ang tangi nilang pasaporte para umangat kahit paano ang buhay. That’s terrible.
I wish Gerry all the best sa dagdag na aktibidad sa kanyang buhay. Ang pagtuturo at paglinang ng murang kaisipan ng mga kabataan ay isang dakilang propesyon.
Teacher Ever, do you agree?

Thursday, August 16, 2007

my first computer

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My first computer was a Macintosh Apple Classic II. Nabili ko ito nang umalis (read: masibak) ako sa Atlas noong 1996, sa isang Caucasian-looking couple. December 1, 1996, P15,000 ang presyo pero nang sabihan ko ang mag-asawa ng, “Merry Christmas!” sabay abot ng P9,000 ay pumayag na sila. The unit came with a StyleWriter printer, a modem and couple of applications.
I am not a computer geek, pero sabi ng misis ko ay ito ‘yung ginagamit nila sa layout sa Atlas. My wife was the former artist of Sports Weekly. Sabi ng mga kaibigan ko, it was a steal. Mahal kasi ang Mac.
Nagkaroon ako ng kontrata sa isang government agency noon na nagpapagawa sa akin ng komiks para sa kanilang information campaign. Masigla ang pagsusulat sa pocketbook and during that time ay nasa Star Cinema na ako kaya wala pang isang linggo ay nabawi ko na ang ibinili ko ng unit. Nagamit ko ito for almost 3 years bago tuluyang huminto. Hindi ko alam kung bakit, basta ayaw na lang mag-booth.
Year 2000 nang muli akong bumili ng computer, this time ay PC Pentium 1 sa isang surplus store sa Makati City. Ito ang una kong pakikipag-ugnayan sa Windows, at napansin kong kumpara sa Macintosh ay mas madaling gamitin. Anyway, ang program naman na madalas kong gamitin ay Microsoft office lang. Kahit surplus ay branded naman, Compaq, at napakaganda ng monitor. Ginagamit pa ito hanggang ngayon ng sis-in-law ko na teacher kapag gumagawa siya ng grading sheet.
Year 2003 nang maramdaman kong kailangan ko na ng malakas na PC. Nakabili ako sa Diamond Dreamchum ng isa sa kanilang package worth P14,000. AMD family, ang katapat siguro nito ay malakas na Pentium III. Lately ay nag-surf ako sa website ng Diamond at sabi sa isang forum doon ay nagsara na ang store. May mga reklamo rin ng palpak na units na nabibili ang mga customer.
So far ay wala naman akong naging problema sa unit na nakuha ko. After four years ay operational pa rin at nakatatlong palit na ng operating system. Wala pa rin akong ginawang upgrade dito although nakatatlong palit na ako ng battery sa clock. Dito sa unit na ito ko masasabi na talagang napakalaki na ng aking kinita.
Ang una ko namang laptop ay Compaq Presario 1688 na bigay ng isang Chinese businesswoman na nagpa-translate sa akin ng kanyang feng shui book. May kasama pa itong tatlong botelya ng Marc Echo na pabango at isang set ng Kenneth Cole wallet, plus a regular gift kapag Chinese New Year kahit wala na siyang ipinagagawa sa akin. Hmmm, Chinese people make good friends. Di ba, Chinese ang may-ari ng Sterling? Kung hei fat choi, Mr. Martin!
Napaka-helpful sa akin ng Compaq na ito noong 2005 kung saan sabay-sabay ang raket ko. Maliit nga lang ang hard drive (3.6G) kaya kailangang laging may dala akong external drive. Sa ngayon, ginagamit ko na lang ito as portable CD/DVD player. Napakaganda ng screen resolution, DVD drive kaya lalong okey, at JBL ang speakers.
My new laptop is a NEO Empriva, na bigay ng mga may-ari ng Risingstar pumayag lang ako na i-guide ang kanilang itinayong publication last year. (One of the Risingstar owners is also a Chinese!) I think the NEO brand is the cheapest in the market, China-made, pero ang mga laman-loob nito ay Toshiba brand. Mabilis na rin at maaasahan. Ginamit ko sa hatawang trabaho nang may makontrata ako sa Meralco late last year pero hindi sumuko. Ang rechargeable battery lang nito ang madaling bumigay kaya most of the time ay laging nakasaksak sa outlet. Pangit din ang tunog ng speakers, pero kapag ginamitan ng headset ay maganda.
I still keep my old, non-functioning Macintosh for some recuerdos. Ang printer nito ay naipagpalit ko ng bagong Epson printer nang mag-promo ang nasabing company sa ABS-CBN kamakailan, nagdagdag lang ako ng P500. I guess I’m always lucky pagdating sa mga gamit sa pagsusulat—maybe because I do love my job, and it’s the only one I’ve got.
Last month, my big bro Robby Villabona showed me his new PC at talaga namang napanganga ako sa pagkainggit. Kailangan sa trabaho, sabi niya, kaya sagad-sagad ang specs.
Laging maraming assignment ang anak ko na ngayon ay college na at gusto na niyang masolo ang PC namin sa bahay. I’m now in the process of saving para bumili ng bagong desktop. Nakahingi ako ng specs (dual processor, LCD monitor, wireless connectivity)
kay Komikero Chicco, and looking at the pricelist he sent to me, kailangan ko munang magbawas ng pagkakape sa Starbucks. Target date is December, sort of Christmas gift to myself.
But it could be earlier—if some kindred souls will play Santa Claus for me even before we hear Christmas carols in the airwaves.

Monday, August 13, 2007

90s atlas komiks revisited

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

If there’s one era in the history of Philippine Komiks industry that I can discuss with authority—that’s the early 90s. I got in as Atlas Publishing editor in 1989, and stayed until 1996—short-lived if I have to describe that stint.
Nakatuwaan kong halungkatin ang mga lumang komiks ng Atlas noong early 90s. Okey pa naman ang mga drawings at mga kuwento. Pero pangit na ang paraan ng pagkukulay, tamad na ang mga art director at artists sa paglalagay ng titles lalo na sa cover dahil may Pagemaker 2.0 na, na puwedeng maggawa ng title.
Naglagay ako ng mga sample pages ng early Atlas early 90s komiks sa Philippine Komiks Message Board ni Gerry Alanguilan. Ang purpose ko ay para makita ng mga readers kung may pagkakaiba ba ang komiks noon ng Atlas sa ilalabas ng Sterling come September 4, 2007.
Huwag na nating isama sa comparison ang komiks ng Atlas sa panahong kontrolado na ito ng National Bookstore tutal ay nasa ICU at naghihingalo na ang komiks nang mga panahong iyon—and anything on its deathbed is ugly.

Thursday, August 9, 2007

remembering vincent kua

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

…For they could not love you
But still your love was true
And when no hope was left inside
On that starry, starry night
You took your life as lovers often do
But I could have told you, Vincent
This world was never meant for one as
beautiful as you…

Alas dose ng hatinggabi, October 23, 2005 ay isang text message ang natanggap ko. Ang sender ay si Vincent Kua, writer/illustrator ng Nginiiig! Horror Stories. Sa wakas, naisip ko, nag-reply din. Matagal ko na kasi siyang tini-text at tinatawagan sa bahay niya pero hindi ko makontak. Malapit na ang third issue ng magasin at gusto kong ma-confirm kung siya pa rin ang magdodrowing. Nagpahiwatig na kasi siya na gusto muna niya ng masasayang drowing at magpapahinga muna sa paggawa ng horror.
Binasa ko ang mensahe: Vincent Kua passed away this morning. His remains lies at…
Hindi ko na naunawaan ang ibang bahagi ng mensahe. Hindi ko rin inisip na isang practical joke ito ni Vincent. May isang bahagi ng isip ko na nagsabing totoo ito, at isa ring bahagi ng katawan ko ang parang nawala. Sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kung iiyak ako o kung ano ang dapat kong maramdaman.
Nagsunud-sunod ang dating ng text messages at tawag sa landline ko. Lahat ay iisa ang sinasabi, tungkol kay Vincent. Mga kaibigan at dating kasamahan sa mga publication na gumamit ng kanyang talento. Nanghina ako, totoo na talaga ito. Wala na si Vincent…
Lumaki ako sa isang pamilyang mahirap na ang tanging libangan ay magbasa. Ang bahay namin ay puno ng aklat at komiks. Noon pa man, nababasa ko na ang pangalan ni Vincent Kua sa komiks. Isa siya sa mga paborito ko noon dahil iba ang approach niya. Kumpletong pakete sa komiks si Vincent dahil ang napakagaganda niyang akda ay siya na rin ang nagbibigay-buhay sa pagguhit.
Ang pangarap ko ay maging sundalo pero sa halip na baril ay lapis ang aking nahawakan, dahil na rin siguro sa sobrang hilig ko sa pagbabasa. Isang masuwerteng event sa buhay ko ang naganap at ang kapalit niyon ay editorial position sa pinakamalaking publication noon ng komiks. Ang pagiging editor ang naging daan para makilala ko ang mga big names noon sa comics industry—kasama na si Vincent Kua.
Sa mahabang panahon ay naging franchise contributor ng Graphic Arts Service Inc. si Vincent. Halos lahat ng comics title ng GASI ay may nobela siya. Forte ni Vincent ang horror-fantasy, pero ang mga kakontemporaryo niya ay nagsasabing mas matindi siyang magsulat ng drama. Ilan sa mga kinilalang akda niya sa komiks ang Ad Infinitum at ang Bedtime Story. Siya rin ang creator ng popular cartoon strip na Pokwang.
Nakikita ko na si Vincent noon sa pagtitipon ng mga taga-komiks, pero hindi ko nakakausap. Noong kasikatan niya ay lagi siyang napapaligiran ng mga kasamahang writer. At kahit editor na ako noon, parang mahirap para sa akin na basta na lang lapitan siya. Ang hinahangaan na nababasa ko lang dati, naririto na sa malapit, pero hindi ko pa rin maialis na tagahanga pa rin lang niya ako, at siya, nananatiling idolo.
After almost 8 years ng pagiging editor sa komiks ay lumipat ako sa isang publication ng romance pocketbooks. Na-shock ako nang isang araw ay may tumawag na gustong mag-contribute, siya raw si Vincent Kua. Okey, sabi ko, kung may time siya ay magpunta sa opisina tutal ay kulang pa ako sa contributor. After lunch, dumating siya. Nagkakilala kami, officially, at naubos ang aming oras sa pagkukuwento ko sa kanya kung paano ko siya hinangaan at inidolo, at ang kawalan ko ng lakas ng loob na magpakilala sa kanya noon. At natuklasan ko, sa kabila ng kanyang status, isang simpleng tao si Vincent na ang pinakaimportanteng bagay ay ang kanyang sining. Sabi niya, simula sa araw na iyon, magkaibigan na raw kami—isang malaking karangalan para sa akin.
Mahusay magsulat ng romance novel si Vincent. Natatandaan ko, ang manuscript niya ay laging pinag-aagawan ng mga dalagang staff ko noon dahil kinikilig sila sa mga karakter at plot. Kaya pala natatagalang mai-layout… binabasa n’yo na agad, madalas kong isinghal sa kanila.
Nang medyo humina na rin ang industriya ng Tagalog pocketbook at nagsimula na akong magtrabaho sa dyaryo, bihira na kaming magkita ni Vincent pero madalas kaming mag-usap sa telepono. Nakasama siya sa ilang TV programs sa ABS-CBN. Nanalo pa siya sa Carlos Palanca Memorial Awards para sa kanyang inilahok na screenplay, at kasabay nito ang pagpapalabas sa Maalaala Mo Kaya ng buhay ni Walter Navarro na siya ang sumulat, isang pagpapatunay kung gaano siya kahusay magsulat. Bago siya pumanaw ay kasama siya sa isang film project na siya mismo ang sumusulat ng script. Sa kanyang lamay ay ipinakita pa sa akin ng ate niya ang sequence treatment ng script. Sayang at hindi niya natapos.
Nagkita muli kami ni Vincent nang magkaroon siya ng problema sa komedyanteng si Pokwang. Nabanggit ko sa itaas na siya ang creator ng Pokwang at hinahabol niya ang copyright na ginamit na pangalan ng komedyante. Ang hinihingi lang umano niya ay magkausap sila ni Pokwang, hindi maghabol ng pera. Dahil para sa kanya, ang mga obra niya ay karugtong ng buhay niya at hindi dapat na basta na lang gagamitin ng iba.
Katulong niya ako sa paghahanap ng legal na paraan para huwag magamit ng komedyante ang pangalang Pokwang. (Nakamatayan na ni Vincent ang kaso na isinampa na niya sa National Bureau of Investigation. Hindi ko alam kung ipinagpatuloy ng kanyang pamilya ang kaso.)
Sa mga panahong iyon ay lalo kaming naging magkapalagayang loob. Dito na rin siya nakapagbukas ng mga naging frustration niya sa kanyang career. Ganoon yata talaga, kahit matagumpay sa kanyang career ang isang tao ay lagi ring may kaakibat na frustrations.
Naging grateful si Vincent sa ginawa kong pagtulong sa kanya sa Pokwang case. Kaya nang simulan ang Nginiiig! Horror Stories ay agad siyang pumayag magsulat at magdrowing, although lagi niyang sinasabi sa akin na sana raw ay masasayang kuwento na ang aming gawin, tapos na raw kasi siya sa mga kuwentong pantasya at katatakutan.
Sa mga panahon ng deadline ng aming magasin ay madalas kaming magkasama, kuwentuhan ng mga nakalipas na panahon sa komiks. Sabi niya, sana magkaroon ng rebirth ang comics industry. Sayang daw kasi ang napakaraming may talent sa pagsusulat at sa pagguhit, lalo na ang mga kabataan. Aniya, kaya siya tumigil na rin sa paggawa sa Atlas (medyo nagpa-publish pa nang pasulput-sulpot) ay ayaw na niyang makaaagaw ng mga batang nagkokomiks. Kapakanan pa rin ng future writers and illustrators ang naiisip niya.
Hanggang ngayon ay marami akong natatanggap na text messages ng mga taong hindi ko kilala at nagtatanong tungkol kay Vincent. May panahon kasi na nagtayo siya ng sariling comics academy, ang VK Comics Studio. Maraming writer at illustrator ang kanyang naging produkto.
Sa lamay kay Vincent, hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko na he’s gone forever. Para akong nawalan ng kuya. Aaminin ko rin na may guilty feelings ako dahil ayaw na niyang gumawa ng horror stories, hindi lang niya ako matanggihan. Baka na-pressure siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko dadalhin ang guilt na ito.
Gayunpaman, alam kong sa mga huling sandali ng buhay niya ay naging masaya siya sa tropa namin sa ABS-CBN Publishing. Minahal siya ng buong staff at kinilala ang husay sa pagsusulat at pagguhit—mga kaligayahan at kayamanan ng isang tunay na alagad ng sining. Kapag deadline at sa opisina siya nagdodrowing ay binibigyan namin siya ng sariling space lalo pa at ayaw niya na medyo maraming nag-uusyoso sa kanya pag may ginagawa. Natatandaan ko pa na halos ay walang nag-breaktime nang malamang naroon si Vincent Kua at nagdodrowing, napakarami pala niyang fans doon at gusto siyang Makita nang personal. Naikuha ko rin siya ng magandang rate, at todo asikaso sa aming editorial assistant lalo na pagdating sa lunch at meryenda. Nang siya’y pumanaw ay nag-iyakan ang mga nakatrabaho niya sa editorial namin nang iparating ko; at ibinalita ng aming HRD sa online bulletin ang insidente, at nanawagan ng taimtim na panalangin para sa kanyang maligayang pagbabalik sa sinapupunan ng Dakilang Lumikha.
Para sa mga tagahanga niya, mga nakasama niya na sa isang pagkakataon o panahon ay nahaplos ng kanyang mga obra ang puso at kalooban ay isang malaking kawalan wala sa panahon na kanyang maagang paglisan.
On second thought, kung marahil naman at buhay nga siya at nasasaksihan ang ‘Philippine comics rebirth’ sa kasalukuyan ay baka madismaya lang siya. Hindi ang ganitong senaryo ang kanyang inaasahan at inaaasam para sa mga taga-komiks.
And if I have to paraphrase Don McLean: But I could have told you, Vincent…this so-called rebirth of Philippine komiks was never meant for one as beautiful as you…


(Photo courtesy of komikero.com)

Wednesday, August 8, 2007

tag-ulan at komiks

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Karaniwan na ang ganitong eksena sa munti kong bahay kapag tag-ulan. Nakapagtatakang taun-taon ay ipinahahanap ko kung saan nanggagaling ang tulo, hindi matukoy ng sinumang karpintero na kinokontrata ko. Hanggang sa hinayaan ko na lang, tutal ay kapag tag-ulan lang naman ako nagkakaproblema. And besides, kapag tag-ulan at pinapasok ng tubig ang bahay ko, ewan ko pero lagi akong nagkakapera. Good omen. Ibig sabihin, may nakaamba na naman akong pagkakakitaan sa malapit na hinaharap.
Tag-ulan nang una akong magsulat sa komiks at buwan din ng Agosto, 1988. By October, the same year ay medyo maganda na ang kita ko sa pagsusulat at nagpupunta lang ako sa Atlas kapag Friday at araw ng koleksyon. Ang page rate ko noon ay P20, pero after a month ay naging P30. Sa isang linggo ay nag-a-average ako ng sampung story for a cool P1,200. Sa isang buwan ay P4,800… and that was 1988, folks. Mas malaki pa ito sa kita ko sa pinasukan kong pabrika kung saan sumasahod ako ng minimum ( mga P1,647 a month yata), though magaan ang trabaho ko rito, at dahil regular ang overtime na halos nagiging triple na rin kung susumahin.
Bago pa man magtapos ang 1988 ay sinabihan na ako ni Mr. Tony S. Tenorio, editor-in-chief ng Atlas, na huwag nang magsusulat sa ibang publication dahil kukunin niya akong editor. Medyo weird para sa akin dahil wala akong kaalam-alam sa ganitong gawain. Sulat-kamay ako kung gumawa ng script at ni hindi ako marunong magmakinilya. Pero sabi naman niya, walang hindi matututuhan kung mamahalin ang hanapbuhay.
Hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung may naging mali ba sa desisyon ko na maging editor sa Atlas o manatili na lang contributor habang nagtatrabaho sa pabrikang pag-aari ng mga Amerikano. Ang dahilan, nang mga panahong iyon ay may offer sa akin ang nasabing American company na scholarship para mag-aral ng Ceramics Engineering. Na-impress kasi sila na na-perfect ko ang series of written exams na ibinigay ng kanilang HRD, na kahit ang mga technical and management engineers ay hindi nagawa. Kumbaga sa bilyar, malakas ako sa tsamba.
But since mahilig ako sa komiks, masarap magsulat, at noong mga panahong iyon ay walang contributor na hindi nangangarap maging editor, mas pinili ko ang komiks. Besides, kung mag-aaral ako ng engineering ay baka masira na naman ang buhay ko, and it was barely months ago nang ma-kicked out ako sa kolehiyong pinasukan ko sa Batangas City.
But on my very first day sa Atlas editorial, a male senior editor told me that I have to be very careful with my words, don’t trust anybody, that I have to watch my back always. Nang tanungin ko siya kung bakit, sabi niya: “This office is a snake pit, kiddo.”
Hindi ako naging maingat sa pagsasalita. Nagtiwala ako kahit kanino. Hindi ko rin binantayan ang likuran ko, he-he. Pero tama siya sa kanyang huling statement. Baka nga understatement pa iyon.
Pero ganoon pa man, nagkamali man ako nang desisyon na mamasukan sa Atlas at kalimutan ang isa pang pangarap na maging engineer, natupad ko naman ang isa kong target bago ako mag-mid-30s—ang magkaroon ng sariling house and lot kahit maliit. My family treasures this house very much. We consider this as our lucky charm.
At kung nagkakaroon man ito ng tulo kapag tag-ulan, iyon na rin siguro ang sign na magpahinga muna ako sa mga gawain, gamitin ang mga natitirang bakasyon sa opisina, mag-stay sa bahay nang matagal, fix what is broken—at habang minamasdan ang tulo ng tubig na pumapatak sa nakasahod na tabo, batya at timba ay maramdaman ang reyalisasyon na diyaryo pala ang iba kong ginagamit na pansahod pero marami namang lumang komiks sa bahay. Bakit sa kabila ng mga naging bitterness ko sa komiks, hindi ko pa rin ang mga ito magawang itapon o ipangsahod sa tulo, pero sa halip ay inilalalagay sa safe na lugar o kaya ay ibinibigay sa mga kakilalang alam kong mas higit na makapag-iingat kaysa sa akin?
Siguro ay kabilang lang ako sa mga taong marunong lumingon sa pinanggalingan…

Monday, August 6, 2007

original artworks for sale

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Since hindi ako nakatitiyak kung makapaglalabas ako ng komiks sa Komikon 2007, ang magiging participation ko na lang siguro ay magbenta ng mga original artworks. Kumpleto ang bawat kuwento, walang missing pages.

Matagal ko na ring iniingatan ang mga artworks na ito, but I’m not a good comics keeper. May mga gawa rito ang mga beterano. Don’t ask muna about the price, but all these artworks are in mint condition.

Also for sale are my collections of comics, local and foreign. Sabi ko noong una ay ipamimigay ko nang libre, well, meron sigurong ilan akong kaibigan na bibigyan, pero marami naman itong komiks na naipon ko kaya marami pa ring puwedeng ipagbenta.

DESAPARICIDOS (silang mga nawawala...)

Alay kay Jonas Burgos... sa kanyang ika-100 araw ng pagkawala...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Desaparicidos (…silang mga nawawala...)

MATAGAL nang nakatitig si Aling Modesta sa tsampuradong nakahain sa mesa. Kanina pang alas singko niya inihain iyon. Umuusuk-usok pa. Ngayon, malamig na. Sumulyap siya sa relo sa dingding. Alas nuwebe na ng umaga. Hindi na siguro darating si Emmanuel. Ang kanyang si Emmanuel…
Malungkot na tinakpan niya ang tsampurado. Hindi bale, baka bukas ay dumating na ang kanyang anak. Pumasok na siya sa salas para asikasuhin naman ang ibang gawain.
Nakatuwaan niyang ayusin ang photo album nila ni Emmanuel. Si Emmanuel ang bugtong niyang anak na tanging naiwan ng kanyang asawa. Ang kanyang mister, si Mang Luis, ay namatay sa aksidente sa Saudi Arabia at hindi na nakilala ni Emmanuel. Sa kabilang dako, nalulungkot din siya na hindi na nito nakita ang kanilang anak na lumaking matalino. At kakatwa…
Kakatwa si Emmanuel simula pagkabata. Hindi pa halos lumalakad ay nakababasa na dahil nakatuwaan niyang turuan ng Abakada. Palibhasa ay walang kalaro, nagkamalay itong mga aklat ang kasa-kasama. Sa murang edad, makakapal na libro na ang nabasa nito at maraming tula ang namemorya.
Mapagmalasakit din si Emmanuel. Bukod sa laging namimigay ng pagkain at pera sa mga kaklaseng dukha nang mag-aral na ito, naglilimos din sa mga pulubi. Kadalasan ay may uwing asong kalye o pusang ligaw. Kawawa raw kasi, walang matutuluyan ay baka mamatay.
Inakala ni Aling Modesta na magpapari si Emmanuel dahil sa kabaitan. Ngunit hindi naghahayag ng anumang salita mula sa Bibliya ang kanyang anak. Puro gawang maka-Diyos. Mas madalas nitong sabihin sa kanya kapag nag-aalmusal sila ng paborito nitong tsampurado ang tungkol sa kawawang kalagayan ng bayan, ang pagdami ng ayon dito ay mga buwaya sa katihan, ploretaryo, at mga salitang hindi niya maunawaan.
"Ang ating pamahalaan, bukod sa malakolonyal na ay malapiyudal pa," sasabihin nito sa kanya. "At hangga't nasa kapangyarihan ang mga naghaharing uri, hindi natin makakamtan ang tunay na kalayaan." Mga salitang hindi sakop ng kamalayan ni Aling Modesta.
Nasa kolehiyo na noon si Emmanuel. At sa obserbasyon ni Aling Modesta, marami ng pagbabago sa dating batang ang tanging libangan ay mga aklat.
Lumawak na kasi ang sirkulo ng mga nakakasalamuha nito. Madalas, may mga kasamang kapwa estudyante sa kanilang bahay at ipinagsasalo sa paborito nitong tsampurado. Kung anu-ano ang talakayan ng mga ito: kalayaan, katarungan para sa higit na nakararami, reporma sa pamahalaan at kung iba pang pakikibaka raw para sa kalayaan, na gaya ng dati ay hindi niya maunawaan. At magtatapos ang mga ito sa pag-awit ng ng "Bayan Ko" bago maghihiwa-hiwalay.
Unti-unti, nakaramdam ng takot si Aling Modesta para sa kanyang si Emmanuel. Takot na hindi niya maipaliwanag.
At ang kanyang takot ay nanunawaan niya minsang makapanood ng balita sa telebisyon. Hindi siya maaaring magkamali. Ang kanyang anak ang nagtatalumpati sa harap ng mga estudyante at welgista, may nakataling pulang laso sa ulo at nagpapaliwanag ng madalas nitong sabihin sa kanya na mga kabulukan sa gobyerno.
Gayon na lang ang gimbal ni Aling Modesta nang hindi pa natatapos ang live coverage ng naturang balita ay may pumasok na mga pulis sa hanay ng mga raliyista. Nagkagulo. Nagkabanatan ang mga pulis at raliyista. Napaantada si Aling Modesta. "Diyos ko po, ang anak ko!"
Hindi mawala-wala ang kanyang kaba dahil hindi na muling ipinakita ang balita. Binuksan niya ang radyo upang dito naman makinig. Wala rin siyang nakuhang impormasyon. Hindi na nawala ang panginginig ng kanyang katawan. Ang anak ko, napaano na kaya? Magdamag siyang gising na nakabukas ang radyo at telebisyon sa pag-asang baka magbalita muli sa naganap na rally.
Ngunit naubos ang kanyang luha at nag-signoff na ang istasyon ng telebisyon at radyo ay wala na siyang narinig. Nasaan na ang kanyang si Emmanuel? Bakit hindi ito nakauwi?
Sa panahon ng kanyang pagiging ina rito at mula nang pumanaw ang kabiyak, ngayon lang niya muli naranasan ang magdalamhati.
Kinabukasan, naghahain na siya ng tsampurado nang dumating ito. Putok ang nguso at ulo, ngunit nakangiti. Nagmano sa kanya at agad umupo sa puwesto nito sa mesa at nilanghap ang tsampurado.
"Hmm…" palatak nito. "Bakit ang tsampurado mo, Inay, ay amoy kalayaan?"
Hindi siya sumagot. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya, basa na ng luha ang kanyang mga mata.
"Inay, bakit?" takang tanong nito sa kanya.
Hindi siya sumagot. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Inulit ang tanong.
"Hindi ba dapat na ako ang magtanong niyan, anak?" aniya sa naghihinagpis na tinig. "Mamamatay ako sa mga ginagawa mo! Bakit hindi mo pa tigilan 'yan? Tapusin mo na lang ang pag-aaral mo, humanap ng trabaho, magpamilya at mamuhay nang matiwasay. Iyon ang gusto kong makita sa 'yo. Hindi 'yang kung anu-ano ang pinapasok mo. Tingnan mo ang ayos mo, nabugbog ka nang walang dahilan!"
Masuyong pinisil ni Emmanuel ang kanyang pisngi. Iyon ang paraan nito ng paglalambing sa kanya. "Gusto ko nga sana, Inay. Gusto kong narito lang ako sa bahay at nagbabasa ng mga aklat o nagkukuwentuhan tayo. Pero habang nakikita ko ang kawawang kalagayan ng ating mga kababayan, ng ating bayan mismo, ng kahirapang sumasakmal sa ating bayan, hindi yata puwedeng nagbabasa lang ako ng libro. Kailangan kong makilahok."
May determinasyon sa tinig ni Emmanuel. Alam ni Aling Modesta, lahat ng pagpupunyagi niyang pigilan ito sa nais ay mauuwi lang sa wala. Kilala niya ito. Ang sinabi nito ay tila isinulat sa bato na hindi puwedeng burahin.
Isinugal niya ang huling baraha. "Paano ako? Hindi ka ba naaawa sa akin? Paano kung mamatay ka? Sino pa ang titingin sa akin?"
Niyakap siya ni Emmanuel at hinagkan sa noo. "Kapag nangyari iyon, Inay, sakaling mamatay ako, isa ka na sa pinakadakilang ina sa mundo. Alam mo bang ang tunay na kahulugan ng pagiging ina ay ang pag-aalay ng kanyang anak para iba? Gaya nang ginawa ni Maria kay Hesus?"
Nagsalita na ng tungkol sa Bibliya ang kanyang anak. Nawalan na siya ng ikakatwiran dito. At pakiramdam ni Aling Modesta, simula nang araw na iyon, naramdaman na niya ang pait sa dibdib ni Maria nang ipako sa krus ng mga Hudyo si Kristo.
***
NAGSIMULA ang kalbaryo ni Aling Modesta nang ibaba ang Martial Law. Hindi na niya nakita ang anak. Ang balita ay dinampot daw ng militar ngunit nalibot niya halos lahat ng stockade ay hindi niya nakita. Kapag may nababalitang bangkay na nahukay, basta kayang puntahan, sugod siya. Inilagay na rin niya ang larawan nito sa talaan ng desaparecidos o mga nawawala.
Prominenteng pigura siya sa pagpupulong ng mga kaanak ng mga desaparecidos. Nagbabakasakaling may nakakakilala sa kanyang anak. Natuklasan niya, kilalang-kilala si Emmanuel at ang layunin nitong pagbabago para sa bayan. Ngunit nawawala talaga ang kanyang anak.
Pahayagan, radyo, telebisyon… lahat ng ito ay nilapitan na niya sa paghahanap kay Emmanuel. Wala siyang kapaguran. Ngunit wala ito. Umaalis siya sa umaga at dumarating sa gabi na pagkabigo at luha ang dala. Nasaan na ang anak ko?
Nakitulong sa paghahanap kay Emmanuel ang kanyang mga kamag-anak. Ngunit araw, linggo, buwan at mga taon na ang lumipas, ang lahat ay nananatiling isang paghahanap.
Sinukuan ng kanyang katawan ang paghahanap. Ngunit hindi ang pagluluto ng paboritong tsampurado ni Emmanuel. Baka kasi anumang oras ay dumating ito at nagugutom.
Hindi na niya mabilang ang mga taon ng pagkawala ng anak. Noong isang araw, sinabi sa kanya ng ina ng dating kasama nito na nawawala rin na napabalik na raw sa pamahalaan ang isang bahagi ng kayamanan ng mga Marcos. May makukuha raw silang kompensasyon kapalit ng pagkawala ng kanilang mga anak na kasama sa mga naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao ng rehimeng Marcos.
Ayaw niyang magpabayad. Ayaw niyang isiping patay na ang kanyang anak. Saka sabi ni Emmanuel, ang pagmamahal sa bayan, kahit buhay ang katumbas ay ginagawa ng walang hinihintay na kapalit. Baka pag tinanggap niya sakaling mabayaran nga, magalit naman sa kanya si Emmanuel. Ayaw niyang magdamdam ito sa kanya.
Nakikita niya ang larawan ng anak sa mga kabataang nagra-rally ngayon para sa bayan. Kapag napapanood niya sa telebisyon, iisa-isahin niya ang mga mukha ng batang raliyista at pilit hahanapin ang imahe ni Emmanuel. Matapang, determinado at may paninindigan.
At sa mga batang ito, nakikita niya ang katotohanan ng isa pang sinabi sa kanya ng anak.
Maliban na ang isang butil ay mahulog sa lupa, ito ay tutubo at mamumunga ng higit na marami.
Ngayon, ayaw na niyang maghanap. Mas gusto niyang desaparecido si Emmanuel. Sa gayon, mananatili itong buhay sa kanyang alaala.
At hindi siya magsasawang tuwing umaga at hapon ay magluto ng tsampurado. Kapag nalalanghap niya ang aroma ng tsampurado, naaalala niya ang sinabi ni Emmanuel: Bakit ang tsampurado mo, Inay, ay amoy kalayaan?
At sa kabila ng dalamhati, mapapangiti si Aling Modesta.

(NOTE: Originally appeared in Kabayan, Diwaliwan, The Batangas Post)

Wednesday, August 1, 2007

and the winner is...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

You’re not seeing double, folks. Though the similarities are evident, the guy at the right is Danny Marquez; at the left is John Becaro. They are not, in any way, related. Talaga lang may mga taong parang pinagbiyak na artist’s brush.

Si Danny ang huling editor-in-chief ng Atlas Publishing when the once most successful comics publishing folded up in 2005.

Kaibigan ko si Danny, best man nang ikasal ako, ninong ng anak ko. No choice, he’s always around pag may mga importanteng event sa buhay ko.

Drinking buddy ko siya noong magkasama pa kami sa compound ng Atlas. Prior to his ascension as Atlas’ EIC, dati siyang editor sa Mass Media Publishing Company, sister company ng Atlas. He also works in some entertainment mags.

Nauna siyang naging editor kaysa sa akin for about a year, mas nauna nga lang akong yumaman. It may interest you to know that I became Atlas’ editor replacing the more illustrious Fermin Salvador who decided to finish his law proper then. Naging kumpare ko rin si Fermin.

Sa Farmer’s Plaza sa Cubao ang watering hole namin ni Danny. Lagi ko siyang talo sa inuman ng beer. He usually throws up after we down pitchers of draft beer. Ihahatid ko siya sa kanila na di makagulapay, makakauwi pa ako sa boarding house at makapaglalaba. I have an amulet when it comes to beer drinking back then.

I don’t remember any instance na tinalo niya ako sa inuman. Lagi siyang talo sa akin—pagdating sa beer.

Lately, Danny wins real big time. Sa pakontes ni Carlo J. Caparas sa pagsulat ng kuwento sa komiks. I wasn’t aware about the mechanics of the said contest, pero pampainit ito noon sa Comics Caravan. The pot prize: P50,000!

Big time.

Sad to say, he only pocketed around P2,000.

Sabi ng isang nakausap ko na kasali rin sa kontes ay hinati-hati na lang daw ang premyo para sa lahat nang sumali. And since ‘yung kay Danny ang nag-standout, nakapagbulsa siya ng P2,000. Ang ibang lumahok ay P1,500.

I know my friend, hindi siya magrereklamo sa nangyari. Pero ako ang nagka-migraine sa pag-iisip na sana may P50,000 siya pero nawala pa.

This time around, he loses real big time.

Kontes ito. Ang usapang premyo ay dapat napabigay sa declared winner. Pero dahil nagdesisyon ang inampalan, walang nagawa ang mga kalahok.

Hindi naman ito kagaya ng Carlos Palanca Awards na may kontrata/notaryo ang kontes, at malinaw na kailangang sundin ang mechanics dahil may mga nilagdaang papeles. Sa CJC contest, nag-submit lang ang mga kalahok, binasa ng mga hurado, pinili ang winner, and at the last minute ay binago ang ruling sa pagbibigay ng premyo.

Interesting.

Ang punto yata, para raw walang matalo. Para lahat nang sumaling taga-komiks ay masaya.

I’m sure Danny’s real sad with the sudden turn of events. He’s just human to feel like that. Pero hindi na siguro siya nagsalita. Hindi na nagreklamo. He’s a good guy.

May iba pang pakontes sa pagsulat si Carlo, ang iba nga ay nag-perform pa (interpretative reading) at the middle of Sterling-dealers forum which elicited jerks from the bored and rowdy crowd. Hindi ko alam kung nakuha nila ang exact amount ng prize money.

May pakontes uli si Carlo, binanggit ito noong launching ng komiks nila sa NCCA. If Danny’s still joining, I don’t know. Maybe. Unlike me na masyado nang tamad magsulat, Danny’s passion for writing comics is still burning.

Anyway, I am not privy to John Becaro’s activities but I think he’s doing fine with his craft. He’s a dedicated artist, hindi malayong maging big winner din siya sa kanyang proyektong Dugo ng Engkanto. John, just like Danny, has lots of passion about comics.