Thursday, August 23, 2007

new home for comics contributors

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Iniuulat ng aking kababayan at sikat na dibuhistang si Mario (Marboy) Macalindong sa Philippine Komiks Message Board ang pagkakaroon ng mga taga-komiks ng ‘bagong tahanan’ na ipagagamit ng CJC-Sterling group. Sa mga nakalipas na panahon ay ang bakuran ng Atlas, Gasi, Counterpoint, Mass Media, at iba pang comics publication ang nagsisilbing tambayan ng mga manunulat at dibuhista.

Bago ako naging editor sa Atlas ay naranasan ko ring tumambay sa mga bakuran ng mga publications. Masarap na pampalipas-oras ito. Nakakarinig ng kuwento ng mas nakatatandang taga-komiks, ng mga comics jokes (kadalasan ay misadventure ng isang taga-komiks), nakakapanood sa nagdodrowing na beterano, at kung anu-ano pa. Lalong masarap tumambay pag araw ng singilan. Lahat ay matataas ang espiritu.

Ayon kay Mario ay magpo-provide ng computer at iba pang kagamitan ang CJC-Sterling sa bagong tahanang ito na magagamit ng mga taga-komiks. Para sa akin ay positibong balita ito.

Bago nagsara ang Atlas ay nakapasok ako sa opisina nila sa Cubao at nakapagkuha ng litrato. Dalawang contributor na lang ang nakita ko sa editorial na nakatambay (nakaupo si Alex Areta, nakatayo si Bobby Villagracia sa larawan). Naparaan lang daw sila roon, wala lang. Nakagawian na lang. Hindi na rin daw tumatanggap ng script ang mga editor, pahimakas ng nalalapit na pagwawakas. Malungkot at wala ang halakhakan ng mga tao sa editorial hindi gaya noong araw. Maging ang canteen ay tila abandonadong lugar.

Kinunan ko rin ng picture ang ilang komiks na huling inilabas nila sa market bago ang Pilipino Illustrated Stories Dengue Edition.

Siguro ay dadalaw rin ako sa bagong tahanan ng mga taga-komiks kapag maluwag ang oras to see my former comics’ comrades.

7 comments:

Randy P. Valiente said...

Isa pang balita: May isa pang binuksang opisina/tambayan si Joelad malapit sa KWF, nagkita kami kanina doon nina Ernie Patricio, Terry bagalos at Beth Rivera. doon daw pupuwesto si Andy Beltran at dadalaw-dalaw lang siya sa 'bahay ng Komiks sa Crossing.

kc cordero said...

randy,
ops, kung sa kwf office malapit lang sa amin 'yan. saka maraming kainan. :)

Anonymous said...

KC,

Open ba sa mga kagayang naming Promdi, ang tumambay diyan ?

Auggie

kc cordero said...

auggie,
sabi ni mario ay puwede, di ko lang alam kung puwede ang overnight. pero huwag mong problemahin ang tutulugan kung luluwas ka, ihahanap kita.

monsanto said...

Bahay ng komiks sa crossing? Oks ang tunog nun. Ilang Comic houses na ba meron ngayon? Sana matalakay mo ito dito sa blog mo :)

Anonymous said...

lolo kc, napaka-nostalgic naman ng iyong mga blog entries. ito pala ang ipinagmamalaki mong blog na natunton ko rin sa wakas.
'musta ka na, lolo. big time ka na pala. tama ka nang sabihin mo sa chat na 'rich' ka na. now i believe...
good luck at sana ay magtagumpay ka pa.
by the way,'di ko batid na ang word na 'Pilipino' at 'Filipino' ay exclusive na sa isang publication. How sad...

aira l

mary ann lomerio dichoso said...

musta po gusto ko po sana makita kayo ulit sana hindi nyo ako nakalimutan kung hindi po kayo pwede tawagan nyo nalang ako 09193283829 gusto rin po kayong makita ng kapatid d ko