Thursday, August 16, 2007

my first computer

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My first computer was a Macintosh Apple Classic II. Nabili ko ito nang umalis (read: masibak) ako sa Atlas noong 1996, sa isang Caucasian-looking couple. December 1, 1996, P15,000 ang presyo pero nang sabihan ko ang mag-asawa ng, “Merry Christmas!” sabay abot ng P9,000 ay pumayag na sila. The unit came with a StyleWriter printer, a modem and couple of applications.
I am not a computer geek, pero sabi ng misis ko ay ito ‘yung ginagamit nila sa layout sa Atlas. My wife was the former artist of Sports Weekly. Sabi ng mga kaibigan ko, it was a steal. Mahal kasi ang Mac.
Nagkaroon ako ng kontrata sa isang government agency noon na nagpapagawa sa akin ng komiks para sa kanilang information campaign. Masigla ang pagsusulat sa pocketbook and during that time ay nasa Star Cinema na ako kaya wala pang isang linggo ay nabawi ko na ang ibinili ko ng unit. Nagamit ko ito for almost 3 years bago tuluyang huminto. Hindi ko alam kung bakit, basta ayaw na lang mag-booth.
Year 2000 nang muli akong bumili ng computer, this time ay PC Pentium 1 sa isang surplus store sa Makati City. Ito ang una kong pakikipag-ugnayan sa Windows, at napansin kong kumpara sa Macintosh ay mas madaling gamitin. Anyway, ang program naman na madalas kong gamitin ay Microsoft office lang. Kahit surplus ay branded naman, Compaq, at napakaganda ng monitor. Ginagamit pa ito hanggang ngayon ng sis-in-law ko na teacher kapag gumagawa siya ng grading sheet.
Year 2003 nang maramdaman kong kailangan ko na ng malakas na PC. Nakabili ako sa Diamond Dreamchum ng isa sa kanilang package worth P14,000. AMD family, ang katapat siguro nito ay malakas na Pentium III. Lately ay nag-surf ako sa website ng Diamond at sabi sa isang forum doon ay nagsara na ang store. May mga reklamo rin ng palpak na units na nabibili ang mga customer.
So far ay wala naman akong naging problema sa unit na nakuha ko. After four years ay operational pa rin at nakatatlong palit na ng operating system. Wala pa rin akong ginawang upgrade dito although nakatatlong palit na ako ng battery sa clock. Dito sa unit na ito ko masasabi na talagang napakalaki na ng aking kinita.
Ang una ko namang laptop ay Compaq Presario 1688 na bigay ng isang Chinese businesswoman na nagpa-translate sa akin ng kanyang feng shui book. May kasama pa itong tatlong botelya ng Marc Echo na pabango at isang set ng Kenneth Cole wallet, plus a regular gift kapag Chinese New Year kahit wala na siyang ipinagagawa sa akin. Hmmm, Chinese people make good friends. Di ba, Chinese ang may-ari ng Sterling? Kung hei fat choi, Mr. Martin!
Napaka-helpful sa akin ng Compaq na ito noong 2005 kung saan sabay-sabay ang raket ko. Maliit nga lang ang hard drive (3.6G) kaya kailangang laging may dala akong external drive. Sa ngayon, ginagamit ko na lang ito as portable CD/DVD player. Napakaganda ng screen resolution, DVD drive kaya lalong okey, at JBL ang speakers.
My new laptop is a NEO Empriva, na bigay ng mga may-ari ng Risingstar pumayag lang ako na i-guide ang kanilang itinayong publication last year. (One of the Risingstar owners is also a Chinese!) I think the NEO brand is the cheapest in the market, China-made, pero ang mga laman-loob nito ay Toshiba brand. Mabilis na rin at maaasahan. Ginamit ko sa hatawang trabaho nang may makontrata ako sa Meralco late last year pero hindi sumuko. Ang rechargeable battery lang nito ang madaling bumigay kaya most of the time ay laging nakasaksak sa outlet. Pangit din ang tunog ng speakers, pero kapag ginamitan ng headset ay maganda.
I still keep my old, non-functioning Macintosh for some recuerdos. Ang printer nito ay naipagpalit ko ng bagong Epson printer nang mag-promo ang nasabing company sa ABS-CBN kamakailan, nagdagdag lang ako ng P500. I guess I’m always lucky pagdating sa mga gamit sa pagsusulat—maybe because I do love my job, and it’s the only one I’ve got.
Last month, my big bro Robby Villabona showed me his new PC at talaga namang napanganga ako sa pagkainggit. Kailangan sa trabaho, sabi niya, kaya sagad-sagad ang specs.
Laging maraming assignment ang anak ko na ngayon ay college na at gusto na niyang masolo ang PC namin sa bahay. I’m now in the process of saving para bumili ng bagong desktop. Nakahingi ako ng specs (dual processor, LCD monitor, wireless connectivity)
kay Komikero Chicco, and looking at the pricelist he sent to me, kailangan ko munang magbawas ng pagkakape sa Starbucks. Target date is December, sort of Christmas gift to myself.
But it could be earlier—if some kindred souls will play Santa Claus for me even before we hear Christmas carols in the airwaves.

3 comments:

Robby Villabona said...

Dati ko nang prinsipyo pag bumubuo ng kompyuter -- tipirin mo na ang processor, memory, motherboard, at hard disk sa comfortable level na kailangan mo para magawa ang trabaho mo. Pero gandahan mo ang keyboard, monitor, at mouse. Kasi yan ang magpapaginhawa ng pag-gamit mo sa kompyuter, kung malakas ka gumamit. At huwag kalimutang bumili ng external hard disk casing (at hard disk) pang back-up.

Ang una kong kompyuter ay Apple 2c. 1.023 Mhz processor, 128Kb RAM, isang floppy drive, at 9-inch CRT monitor. Binili ng mga magulang ko para sa aming magkakapatid noong 1984 at nagamit ko naman sa kurso kong Computer Science. Nandoon pa sa bahay ng mga magulang ko, inaalikabok.

evEr said...

Full-time nanny ako ng mga netheads, cybergamers at chat freaks diti sa'king maliit na internet cafe. 'Nitong Mayo eh nag-upgrade ako ng 2 units keeping in mind na malalaro ko 'yung mga next-gen games like Ghost Recon Advanced Warfighter 2, Splinter Cell Double Agent, Tiberium Wars. With dual-core procs, 2GB DDR2 RAM at PCIE DDR2 grafx cards with pixel shader 3.0, napaupo ako't natakpan ko bibig ko pagkamangha sa ganda, kinis at bilis ng takbo ng nabanggit kong mga laro at high to maximum graphical settings. Pero anlungkot-lungkot ko ngayon. Wala akong time maglaro o mag-aral man lang ng drawing/art program. Himay-himay na konstitusyon ko sa pagod at stress mula sa ingay ng mula umaga hanggang gabi na pagbe-babysit sa mga customers. This is starting to play bad music in my head. 'Wag sana akong mag-unravel totally at mag-amok! Touching nostalgic piece on 'puters, KC.

Unknown said...

i have fond memories of kc. dati, ayaw niyang humawak ng computers. ngayon, marunong na siyang mag-assemble. how time flies.