Nakita ko ang batang ito sa MRT Station, Quezon Avenue, minsang papunta ako sa ABS-CBN. I realized I’m still human; I tried to wake him up. Pero hindi siya magising. Sobrang antok, sobrang gutom… hindi ko alam.
Sa balita ngayong gabi (August 29, 2007) ay binubuhay na naman pala ng mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan ang ‘Hello, Garci?’ issue. What’s the use? Umamin na si PGMA. Alam naman natin na may mantsa na ang reputasyon ng Commission on Elections at hindi natin alam kung totoong nabibilang ang ating mga boto. Natanggap na rin natin ang katotohanan na may Armed Forces of the Philippines tayo na hindi mapagkakatiwalaan.
Sa loob ng mahabang panahon ay tatalakayin sa Senado ang ‘Hello, Garci?’ issue na malaon nang patay, samantalang naririto ang mga kabataan na mas kailangang mabuhay dahil unti-unting nangangamatay dahil sa kahirapan.
Lawmakers, hello!
6 comments:
pareho tayu ng saloobin, Sir... Madalas kung nakikita ang mga ito ng scenario sa mga public places and it really breaks my heart.:(
Tawagin na akong mababaw pero kababawan kung minsan ang nagpapagaan ng mga dalahin sa buhay at gusto kong makasilip ng "glimmer of hope" sa isinasagawang pagungkat at paghahalungkat sa isyu ng "Hello Garci." Gusto ko pa ring maniwala na magkakaro'n talaga ito ng "closure" na magbibigay-daan sa pagkakaroon natin ng isang bago at mandate-laden government. From there, mas makabuluhan ang panibagong magiging pagharap sa isyu ng kahirapan.
ever,
lumalalim pananagalog mo, ha? kasalanan ng blog na ito na sobrang managalog. :)
e-mail mo ako pag tatambay ka sa bahay ng komiks, i'll see you there.
Kasalanan din ng simbahan at mga pro life groups ito. Gusto nilang mag-breed lang ng mag breed ang mga tao kahit walang mga trabaho at iresponsable ang magulang. Ang kalibugan nila eh isisi sa gobyerno. Kahit anong programa ng gobyerno sa food pruction at job creation eh hindi talaga ma mi meet dahil ang bilis dumami ng Pilipino 88 milyon consumers na tayo and counting... a fraction lang doon talaga ang productive segment, the rest are parasites. Kahit mawala si GMA, at pag papapatayin natin lahat ng taong gobyerno, magiging mahirap pa rin tayo, dahil nga mas mabilis ang pag dami, parang mga tilapiang bansot.
What else should I be? All apologies, KC. I thought it was only in Heber Bartolome's "Paaralan" that speaking in Tagalog is a big no-no and being fined. I look forward to checking out Bahay Ng Komiks, too. See you there.
Post a Comment