Thursday, August 23, 2007
filipina: prostitution and exploitation
Laganap na laganap na ang prostitusyon sa bansa. Ang higit na nakapangingilabot ay ang edad ng mga kababaihang nasasadlak sa ganitong hanapbuhay. Tinatayang mula edad dose pataas ay lumilinya na sa prostitusyon. Iba-iba ang kanilang lugar na pinupuwestuhan. May namamasukan sa mga club, sauna bath o kaya ay mga sikat na watering hole ng mga yuppie at mapeperang negosyanteng mahilig sa gimik. Mayroon ding naglalakad lang sa kalye o sa mga mall tumatambay. Ang iba ay sariling bahay pa ang ginagamit na pinaka-motel—plus extra charge siyempre.
Sa mga nagsusulputang online advertisement sa mga TV channels ngayon na karamihan sa mga subscription ay dumaraan sa mga service center ng cellphone, ang isang prostitute ay puwedeng mag-register sa naturang TV channel gamit ang kanyang cellphone at maia-advertise ang kanyang number na kunwari ay naghahanap lang ng textmates. Ang ilan ay nagpapanggap na professional therapist at nag-o-offer ng home or hotel services. Pero sabi nga, hindi mo kailangang maging henyo para hindi maunawaan ang nakasaad sa linya. Walang professional therapist sa tunay na kahulugan ng propesyong ito ang papatol sa ganitong cheap na uri ng advertisement. Pang-come on lang ang home service. Kalimitan sa mga nagiging customer ay sa otel sila dinadala at alam nating hindi therapy lang ang mangyayari sa loob ng pribadong silid.
***
SA pag-unlad ng teknolohiya, mas naging exploited ang mga Pinay at exposed sa prostitusyon. Ilang website sa Internet ang nagbebenta online ng mga Pinay sa mga hayok sa sex na Caucasian pedophiles. Ang naturang website ay kakikitaan ng display ng mga batang Pinay na kinuhanan ng mga larawang malalaswa at mahahalay ang puwesto. Kung minsan ay sa aktong nakikipagtalik o gamit ang iba’t ibang sex toys. Alam natin kung gaano karumi at ka-experimental ang mga dayuhan pagdating sa sex. Ginagawa nila ang kahalayan sa ating mga kababaihan kapalit ng dolyar.
Ang higit na masakit ay ang pagkakaroon ng salitang Filipina ng ibang kahulugan sa diksyunaryo ng ibang bansa. Matatandaang naging synonym ng “domestic helper” o “house help” ang salitang Filipina. Nang kasagsagan natin ng pagpapadala ng mga domestic helper sa ibang bansa, inakala ng mga dayuhan na basta Pinay ay iyon lang ang kayang gawin sa buhay—ang maging domestic helper. Pinrotesta ng Pilipinas ang naturang definition sa dictionary at pansamantalang nawala ang isyu tungkol doon.
Sa mga website kung saan nagkalat ang mga larawan ng mga menor de edad na Pinay, binigyang kahulugan ang ating mga kababaihan bilang mga “exotic girls of Asia.” Sinabi rin na kapalit ng partikular na halaga ay puwedeng makilala ang mga Pinay at magamit for their sexual pleasures. Isinalarawan ang mga Pinay bilang maliliit na babae na may maliliit na sukat ng lahat sa kanya (dibdib at behind) kaya nga nagiging exotic sa paningin ng mga puti. Ang pagiging maliit diumano ng mga Pinay ang dahilan kung bakit tumataas ang sexual urge ng mga dayuhan.
Ang naturang depinisyon ay nagbigay ng bahid sa ating mga Pinay na nagtatrabaho ibang bansa bilang mga propesyunal. Ano ang magiging tingin sa isang Pinay computer analyst sa UK ng kanyang mga kasamahan? Sa isang Pinay telephone operator sa Singapore? Sa napakarami nating domestic helper sa Hong Kong at iba pang panig ng mundo? Sa mga gurong Pinay sa Amerika? Puwede silang masamantala sa pag-aakalang okey lang sa kanila ang mga sexual advances sapagkat sa ganito naman kilala ang mga Pinay.
Sa imbestigasyong isinagawa sa mga naturang website, natuklasang ang mga malalaswang larawan ng mga babaing menor de edad ay galing sa mga Australian tourist na dumarayo sa Pilipinas para lang sa naturang purpose at ipinagbebenta naman sa iba’t ibang pornographic website sa abroad. Kaya kung ganito rin lang pala, huwag na nating panghinayangan ang ginawang pagsasara ng Australian embassy sa bansa dahil naiiiwas pa natin ang ating mga kabataang babae sa panganib sa kamay ng mga pedophile na naapektuhan na marahil ang moralidad at mga utak ng kanilang produktong bulok na karne ng baka.
Malawak na ang operasyon ng mga website sa bansa kung saan ibinibenta ang ating mga kababaihan. Sa mga balita ay ilang bahay sa mga sikat na subdibisyon na ang sinalakay ng National Bureau of Investigation dahil nagpapatakbo sila ng negosyong hi-tech na prostitusyon. Ang mga babae ay hubad habang nakikipag-chat sa mga tagaibang bansa. May nakatutok na webcam sa kanila at kung ano ang sabihin ng kanilang ka-chat ay gagawin nila.
May prosesong sinusunod kung paano magbabayad ang isang kostumer. Ayon sa report, malaki ang kinikita ng mga babaing nahuli sa ganitong estilo ng prostitusyon.
Ang negosyo (kalimitan ay parang Internet cafe) ay nakarehistro bilang bogus computer company at pag-aari (na naman!) ng isang dayuhan—kalimitan ay Amerikano , Australian, British na may nobyang Pinay na katulong din nila sa naturang negosyo. May business partner ang dayuhan na mga Pinoy na siyang tagahanap ng babae.
***
ITINUTURING na isang matandang hanapbuhay ang prostitusyon. Ito ang madaling paraan ng pagkita ng pera kapalit ng kandungan at katawan. Sandaling ligaya sa kostumer, pera at pagkawasak ng dangal at moralidad sa nagbenta. Ang suma-total, pareho silang nabulid sa kasamaan.
Kahirapan ang itinuturing na dahilan kung bakit lumalaganap ang prostitusyon. Sa ating panahon, ang pagiging mahirap ay hindi ang kawalan lang ng pagkaing mailalaman sa tiyan, ng lupang puwedeng tirikan ng kahit kubo man lang, hanapbuhay na disente, makapag-aral ang mga bata. Ang kahirapan sa ngayon ay nakatuon din sa kasalatan sa mga materyal na bagay na puwedeng magpasaya sa tao—bisyo kagaya ng drugs, communication gadgets, gimmick at iba pang karangyaan sa paraang hedonistic. Gayundin ang paghahangad na magkaroon ng kung ano ang mayroon ang iba sa mabilisang paraan.
Sa mga bansa sa Asya, noon ay itinuturing na ang sentro ng prostitusyon ay ang Thailand. Ngayon ay hindi na. Alam na ninyo kung anong bansa iyon. Masakit. At ang higit na mas masakit, parang okey lang sa atin iyon. Tanggapin kung ano ang kapalaran. Ang mahalaga—patuloy na nabubuhay.
Mali, napakalaking kamalian. Mahirap ipaunawa ang kasabihang mamatay nang dilat basta’t may karangalan. Sa ngayon, lumalabas na mas mahalaga ang maisaayos ang kalam ng sikmura kaysa sa karangalan.
Ano ang nagtutulak sa mga disenteng babae na makipag-jamming sa mga nag-a-unwind na mga yuppie at businessman sa mga private room ng mga sing-along bar? Sa mga estudyanteng babae na binibigyan naman ng allowance ng kanilang mga magulang para pasukin pa ang pagsa-sideline sa cybersex? Bakit patuloy ang pag-alis ng ating mga kadalagahan patungo sa ibang bansa bilang entertainers gayung 95% ang posibilidad na mapasuong sila sa prostitusyon?
Kahirapan ng buhay...
O, makinang na career?
Pamahalaan at pamilya ang dapat na magkatuwang sa pag-iiwas sa bawat Pinay na masadlak sa prostitusyon o ma-exploit ng mga sumasamba sa salapi. Hindi maaasahan ang simbahan sa ganitong krusada sapagkat ang ginagawa lang nila ay pumuna ngunit walang tulong na inilalapit sa mga biktima at kadalasan pa nga ay nauuna pa sila sa pagkondena. Minsan pa nating sasabihin na hindi sapat ang kahirapan ng buhay para ma-exploit ang ating mga kababaihan o wasakin ang karangalan sa prostitusyon. Mabigat na kaparusahan ang dapat ipataw sa mga nagsasadlak sa kanila sa ganitong gawain, bugaw man o may-ari ng mga prostitution den; dayuhan man o kababayan natin.
Sa panig ng mga kababaihan, higit na dapat na maging militante ang mga grupong nangangalaga sa kanilang karapatan. Ipaglaban nila ang karapatan ng mga Pinay kahit sa labas ng bansa.
Nagkakagulo ang ating mga mambabatas sa mga napakabababaw na isyu sa bansa ngunit walang ingay para sa pagsusulong ng mahigpit na batas na magpaparusa sa mga nagpapalaganap ng prostitusyon at eksploytasyon na ginagawa sa ating mga kababaihan. Nakapagtataka ito.
Sabagay, kung bahagi ka ng kasalanan, bakit mo gugustuhing ito ay mapag-usapan?
For more 'Filipina-related' topics, please click:
The Filipina Writing Project http://w3o.blogspot.com/2007/07/filipina-seo-keyword-campaign.html
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Dapat siguro i-legalize ang prostitution para mas maprotektahan ang mga babae. Parang naaalala ko ito ang isang kinakampanya ni Nelia Sancho.
Alam ko sa Singapore legal ang prositution.
ang ganda naman niyang babae. parang si bianca gonzales hehehe.
Hello. Kindly add a link to the Filipina Writing Project at
http://w3o.blogspot.com/2007/07/filipina-seo-keyword-campaign.html
Once done, will include your entry in our week 3 summary this Wednesday.
Thank you for joining the Filipina Writing Project!
Thank you for the correction. I shall include this in our week 3 summary this Wednesday.
dapat ngang gawin itong legal para magawan ng maraming gamot ang mga kababaihang may sakit na galing sa gantong trabaho...sa tingin nyo bakit nila itoh nagawa..!! para saken.. sa kahirapan.. dahil porket ba walang pinag aralan ang isang tao hindi na makakapag tabaho... kaya nag hihirap ang ating bansa dahil sa mga gantong pamamalakad ng ating pamahalaan..!!
comment on the last one who commented :
ftw ! O.O that's just absurd . i mean , prostitution ? legalized ?? O.O WTF ! O.O i so dis-agree with you . why the heck would people want prostitution to be legalized ? when at first , just by looking at the job , ITS FRIGGIN' INDECENT O.O
di porket walang pinag-aralan , eh sa pagproprosti na papunta , no no no .. :O katamaran ang ganyan . eh kasi may mga trabahong decent jan para sa mga hindi nakapag-aral , pero ung pagproprosti ang napili nila . eh kasi , WALANG PATIENCE upang makahanap ng decent work . AT , pinapatunayan lamang na wala talagang pinag-aralan dahil dun xa sa pagpoprosti napunta ..
Omg,,,i dis agree for legalizing about the prostitution,,anonymous is right there are many kind of job there even though ur not finish ur study u can be a maid or dress washing it is an hounor job instead of selling ur body for someone you don't know instead of losing your dignity..thats a big foolish way of being a person,,
Omg,,,i dis agree for legalizing about the prostitution,,anonymous is right there are many kind of job there even though ur not finish ur study u can be a maid or dress washing it is an honor job instead of selling ur body for someone you don't know instead of losing your dignity..thats a big foolish way of being a person,,
hindi dapat tayong mag paapi sa mga gawaing sekswal dahil tayo rin ang nagkakasala sa ilang bagay na ating ginawa.....
Post a Comment