Wednesday, August 8, 2007

tag-ulan at komiks

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Karaniwan na ang ganitong eksena sa munti kong bahay kapag tag-ulan. Nakapagtatakang taun-taon ay ipinahahanap ko kung saan nanggagaling ang tulo, hindi matukoy ng sinumang karpintero na kinokontrata ko. Hanggang sa hinayaan ko na lang, tutal ay kapag tag-ulan lang naman ako nagkakaproblema. And besides, kapag tag-ulan at pinapasok ng tubig ang bahay ko, ewan ko pero lagi akong nagkakapera. Good omen. Ibig sabihin, may nakaamba na naman akong pagkakakitaan sa malapit na hinaharap.
Tag-ulan nang una akong magsulat sa komiks at buwan din ng Agosto, 1988. By October, the same year ay medyo maganda na ang kita ko sa pagsusulat at nagpupunta lang ako sa Atlas kapag Friday at araw ng koleksyon. Ang page rate ko noon ay P20, pero after a month ay naging P30. Sa isang linggo ay nag-a-average ako ng sampung story for a cool P1,200. Sa isang buwan ay P4,800… and that was 1988, folks. Mas malaki pa ito sa kita ko sa pinasukan kong pabrika kung saan sumasahod ako ng minimum ( mga P1,647 a month yata), though magaan ang trabaho ko rito, at dahil regular ang overtime na halos nagiging triple na rin kung susumahin.
Bago pa man magtapos ang 1988 ay sinabihan na ako ni Mr. Tony S. Tenorio, editor-in-chief ng Atlas, na huwag nang magsusulat sa ibang publication dahil kukunin niya akong editor. Medyo weird para sa akin dahil wala akong kaalam-alam sa ganitong gawain. Sulat-kamay ako kung gumawa ng script at ni hindi ako marunong magmakinilya. Pero sabi naman niya, walang hindi matututuhan kung mamahalin ang hanapbuhay.
Hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung may naging mali ba sa desisyon ko na maging editor sa Atlas o manatili na lang contributor habang nagtatrabaho sa pabrikang pag-aari ng mga Amerikano. Ang dahilan, nang mga panahong iyon ay may offer sa akin ang nasabing American company na scholarship para mag-aral ng Ceramics Engineering. Na-impress kasi sila na na-perfect ko ang series of written exams na ibinigay ng kanilang HRD, na kahit ang mga technical and management engineers ay hindi nagawa. Kumbaga sa bilyar, malakas ako sa tsamba.
But since mahilig ako sa komiks, masarap magsulat, at noong mga panahong iyon ay walang contributor na hindi nangangarap maging editor, mas pinili ko ang komiks. Besides, kung mag-aaral ako ng engineering ay baka masira na naman ang buhay ko, and it was barely months ago nang ma-kicked out ako sa kolehiyong pinasukan ko sa Batangas City.
But on my very first day sa Atlas editorial, a male senior editor told me that I have to be very careful with my words, don’t trust anybody, that I have to watch my back always. Nang tanungin ko siya kung bakit, sabi niya: “This office is a snake pit, kiddo.”
Hindi ako naging maingat sa pagsasalita. Nagtiwala ako kahit kanino. Hindi ko rin binantayan ang likuran ko, he-he. Pero tama siya sa kanyang huling statement. Baka nga understatement pa iyon.
Pero ganoon pa man, nagkamali man ako nang desisyon na mamasukan sa Atlas at kalimutan ang isa pang pangarap na maging engineer, natupad ko naman ang isa kong target bago ako mag-mid-30s—ang magkaroon ng sariling house and lot kahit maliit. My family treasures this house very much. We consider this as our lucky charm.
At kung nagkakaroon man ito ng tulo kapag tag-ulan, iyon na rin siguro ang sign na magpahinga muna ako sa mga gawain, gamitin ang mga natitirang bakasyon sa opisina, mag-stay sa bahay nang matagal, fix what is broken—at habang minamasdan ang tulo ng tubig na pumapatak sa nakasahod na tabo, batya at timba ay maramdaman ang reyalisasyon na diyaryo pala ang iba kong ginagamit na pansahod pero marami namang lumang komiks sa bahay. Bakit sa kabila ng mga naging bitterness ko sa komiks, hindi ko pa rin ang mga ito magawang itapon o ipangsahod sa tulo, pero sa halip ay inilalalagay sa safe na lugar o kaya ay ibinibigay sa mga kakilalang alam kong mas higit na makapag-iingat kaysa sa akin?
Siguro ay kabilang lang ako sa mga taong marunong lumingon sa pinanggalingan…

4 comments:

Robby Villabona said...

Ako naman ang telephone number ko ay dati yatang gamit ng hardware store. Kaya pag maulan maraming tumatawag sa akin naghahanap ng Vulca-Seal. :-(

Randy P. Valiente said...

Nice! Ngayon lang ulit ako nakabasa ng blog na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Really, tagos sa puso ito, kuya kc.

Nga pala, bakit ganon ang mga pics? lumalampas sa border? sa photobucket ka ba nag-upload?

kc cordero said...

big bro (that's robbY)
nya-ha-ha! at least may bumibili. 'yung phone namin nang unang ikabit, ang madalas kong matanggap na tawag ay, "papatayin kitaaaa!!! papatayin kita!!!

randy,
oo, sa photobucket. di ko pa nga maayos 'tong images since day one.

Anonymous said...

Ser, ine-mail ko po kayo dun sa gmail mo. (actually may PM ka rin galing sa akin sa PKMB hehe) natanggap mo ba? :)

mas gusto kong gamitin yung http://zooomr.com kasi automatic siyang nagbibigany ng iba-ibang sizes.