Friday, August 17, 2007

teacher gerry and other stories...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

This coming second semester of school year 2007-08 ay hahakbang sa panibagong career ang ating kaibigang si Gerry Alanguilan. Kung hindi ninyo kilala si Gerry kahit sa pangalan lang, you’re not living since 1997.
Magtuturo sa isang kolehiyo para sa kurso na may kinalaman sa komiks si Gerry. Ang masasabi ko lang, hindi nagkamali ang naturang kolehiyo sa pagkuha sa kanya bilang isa sa kanilang mga guro. With him around, how can this new course go wrong?
Noong unang panahon ay walang paaralan para sa mga dibuhista. Ang kalimitan na kuwento ng mga sumikat na illustrator noon ay nakikipanood lang sila sa mga legends, nakikitira sa bahay para mag-assist hanggang sa matuto nang magsarili.
Dekada 80 ay nagsulputan ang mga comics illustration schools gaya ng VK Komiks Studio ni Vincent Kua, Dynamic Concept Illustrated ni Mang Nestor Malgapo at ang Art Neouvo ni Mang Hal Santiago. Sumulat ako sa tatlong eskuwelahang ito at nakatanggap naman ako ng reply sa lahat sa kanila. Hindi nga lang ako nakapag-enroll dahil kapos sa allowance. Marami naman sa kanilang mga produkto ang naging bahagi ng komiks at animation. Our dear friend Randy Valiente is a proud product of Mang Hal’s school. Hindi natapos ni Rodel Noora ang kanyang course kay Mang Nestor, pero alam naman natin kung gaano kahusay si Rodel ngayon. Sa mga produkto ni Vincent, I like Lucas Jimenez.
Bago umalis papuntang Saudi si Mang Rico ay nagtuturo siya ng art sa mga kabataan sa Cainta.
Sa kasalukuyan ay marami pa rin namang nagtuturo ng illustration. Nakalimutan ko lang kung ano ‘yung isang institusyon sa Makati City (hindi ko mahagilap ‘yung dyaryo kung saan sila may advertorial) na nagtuturo ng paggawa ng komiks at kasama sa course outlay ang digital illustration, manga, animation, etc. Hindi na ako nag-inquire kung magkano ang tuition fee.
Sina Mang Nestor at Mang Karl Comendador ay produkto rin ng distance study program. Sa ngayon, ang alam ko na lang na existing distance study school ay ang Penn Foster kung saan nag-o-offer sila ng Basic Commercial Art at saka Cartooning. Tuition fee ranges from P6,000-P8,000, sa buong duration na ito ng course.
Sa pagsisimula ng Komiks Caravan ay sinabi ng pangulo ng Polytechnic University of the Philippines na plano rin nilang magtayo ng departamento tungkol sa komiks—pagsusulat at pagdidibuho. Nakalimutan ko ang pangalan ng opisyal ng PUP, pero sinabi niyang noong araw ay nagsulat siya sa komiks. Kung matutuloy ito, maraming komikero (writers and artists) ang posibleng bumuo sa faculty ng nasabing departamento.
May dalawang school of thought (you can argue with me if I’m wrong) pagdating sa pag-aaral ng pagguhit. Ayon kay Jose Mari Lee, kapag ang isang tao ay inborn ang pagiging comics illustrator, hindi niya kailangang mag-aral sapagkat kaya niyang gumuhit ng perpektong pigura; tama ang anatomy, malikot ang imahinasyon sa layout and storytelling at walang problema sa perspective.
Sabi naman ng ibang artist na nakilala ko ay kinailangan nilang mag-aral o mag-training bago nila na-perfect ang kanilang craft. Kumbaga sa isang chemical element ay nangailangan sila ng catalyst para mapabilis ang process.
Sa malapit na hinaharap na posibleng sumigla ang industriya ng komiks ay makikita na naman natin ang pagsulpot ng mga institusyon na maghahasa sa potensyal ng ating mga kabataan na may hilig sa paglikha ng komiks. Magandang development ito sapagkat mayroon na silang outlet locally, at kung hindi man at piliin nilang sa abroad gumawa, ang sining ng Pinoy ay mababakas sa kanilang mga obra.
Posible ring dumami muli ang mga kabataang Pinoy na mahihilig sa drawing at ambisyunin ito na maging lifetime career. Sa kasalukuyan, ang ating mga kabataan, lalo na yaong mga mahihirap, ay iniisip na ang pagsasayaw, pagkanta, pagsali sa banda o pagboboksing ang tangi nilang pasaporte para umangat kahit paano ang buhay. That’s terrible.
I wish Gerry all the best sa dagdag na aktibidad sa kanyang buhay. Ang pagtuturo at paglinang ng murang kaisipan ng mga kabataan ay isang dakilang propesyon.
Teacher Ever, do you agree?

5 comments:

evEr said...

KC, KC.. you are barking up a wrong tree but it hurts! Umalis ako sa classroom at napunta ko sa electronic gaming room, what could be more ironic than that, LOL! Pero TAMA ka s'yempre, siyam na taon akong nagturo. Nothing beats the feeling of satisfaction na me naisalin kang makabuluhan sa isip at kamalayan ng mga bata.

Gerry Alanguilan said...

he.he. alanghya! :D

Anonymous said...

Yung taong nagturo sa akin ng basics ng inking, si Ernest Jocson, ay produkto ng workshop ni Whilce Portacio. Si Lan Medina rin ata dumaan dun. :)

Tama ka KC, an industry that requires specialized skillsets will sire specialized educational systems. case in point nursing hehe.

Education on Manga creation ang nag-jumpstart ng industry sa Japan sa pakaalam ko. Nasa lumang post na ito yung info. :D

Anonymous said...

Tama din ang sabi ni Kakosang JM, geniuses do not need schooling, at nakita na natin kina Coching, Alcala, Redondo, Nino etc. yan, but they are the exceptions. Sa mga ordinary mortals like us, kailangan mi formal training talaga, para tama ang fundamentals/ basics ng storytelling at illustration. At gaya ng sabi mo, itong bagong eskwelahan ng mga comics illustrators, provides another option doon sa mga medyo wala sa buhay, at imbes na boksing at showbiz, ang pasukin, eh dito na, lalo na kung mi talent sila. This is a good meal ticket for the future. I wish Professor Gerry good luck in his new endeavor ! sana marami siyang ma-impluwensiya na kabataan.

Auggie

monsanto said...

Kahit genius minsan kailangan ng guidance. Marami tayong magagaling na artists na mahiyain at hindi alam kung paano isesell ang sarili sa publishers.

Tingin ko malaki ang maitutulong ni Gerry dito.