Saturday, August 18, 2007

unfinished novel

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Marami akong nasimulang nobela na hindi natapos—both illustrated and prose. Ang isang ito, ‘May Terorista sa Internet Café’ ay lumabas sa The Buzz Magasin late last year pero hindi rin natapos—nagkamali yata ako ng atake dahil napasobra sa sex and violence, at nawalan ako ng tapang na ipagpatuloy ito. Our The Buzz e-mail was flooded by mails requesting for the continuation, but I think mas magandang gawin itong graphic novel.
Lumabas ito on a two-page spread, prose form, 1,500 words at laging may spot illustration ni Rodel Noora. Rodel now resides in his home province Bicol, ite-text ko lang sa kanya ang magiging drawing and he will e-mail it to me after 30 minutes.
Posibleng tapusin ko pa rin ito next year kapag medyo maluwag na ang schedule.
Here’s a part of the novel:
***
MATAGAL na pinagmasdan ni Martha ang building. Hindi naman kalakihan pero maganda ang facade. Aakalain ba ng marami na sa loob ng gusaling iyon ay marami palang kabulukan na nagaganap?
Pero sandali na lang ang itatagal ng gusali. Maya-maya lang ay magmimistula na itong alaala ng nakalipas, kasama ang gutay-gutay na katawan ng mga buhong na marahil ay sa mga sandaling ito ay masaya pang nag-iinuman.
Sa impiyerno na ninyo itutuloy ang kasayahan, naibulong ni Martha sa sarili.
Gaya ng nakasaad sa instruction ay sumakay na siya sa kanyang scooter. Kailangan niyang lumayo roon. Malakas ang bombang ikinabit niya sa loob ng gusali. Baka hindi siya kasihan ng suwerte at tiyempong mahagisan pa ng malaking tipak ng semento. Sabagay, ganito naman lagi ang style niya, lalayo muna bago ang explosion.
Hindi na niya tanaw ang building nang ihinto niya ang scooter. Mula sa cellphone ay nag-text siya: Done...
Wala pang dalawang minuto ay dumating na ang reply: Proceed.
Inilabas ni Martha ang isa pang unit ng cellphone. Nagpipindot siya roon. Nagrehistro ang isang number at tinawagan niya iyon. Ang number na iyon ang mag-a-activate sa bombang ikinabit niya sa gusali. Pinindot niya ang call.
Isang malakas na pagsabog ang narinig.
Muling sumakay sa kanyang scooter si Martha. Another day in the office.
***
KUNG pagmamasdan si Martha, hindi aakalain na nabubuhay siya sa gitna ng karahasan. Sa edad na beinte ay mapagkakamalan siyang isang graduating student sa alinmang exclusive schools for girls sa Kamaynilaan. Matangkad, seksi, girlfriend material. Sino ang mag-aakalang ang lakad-modelong kagandahang ito ay mapanganib?
Natatandaan pa ni Martha na minsan ay may pinasubaybayan sa kanya ang organisasyon. Sa isang high-end na club iyon. Natipuhan siya ng isang astig na yuppie na mula sa isang nakaririwasang angkan. Nag-iisa siya sa mesa habang pasimpleng minamasdan ang kanyang subject nang lumapit ang coño.
“I like your ass,” walang pasintabing sabi nito sabay lawit ng dila na may hikaw.
“Kiss your ass!” maagap niyang sagot. Tumayo siya at nagtungo sa ladies room.
Sadyang pangahas ang coño. Akalain ba niyang hanggang doon ay sundan siya nito at ini-lock ang pinto?
“Sisigaw ako!” banta niya rito.
“You can scream on top of your lungs, babe. Walang makakarinig. Bingi ang mga tao rito!” At humalakhak ito.
Iyon ang huling tawa ng coño. Namalayan na lang nito na may napakatalas na bagay na naglagos sa lalamunan nito. Tila nauupos na kandilang napaluhod ang coño, hawak ang leeg.
Walang anumang hinugasan ni Martha ang patalim sa sink. Kampanteng lumabas ng ladies room at umalis na rin sa lugar na iyon. Wala nang puwedeng manakit sa akin. Wala na!
***
KINABUKASAN ay maagang bumangon si Martha. Nag-jogging sa kalapit na parke, nag-almusal at naligo. Habang nagbibihis ay binuksan niya ang TV. Nasa balita ang pagsabog ng building. Walang tiyak na suspek ang mga awtoridad; puro haka-haka at espekulasyon.
Napangiti si Martha. Tumingin sa relo. Alas dos mamayang hapon ay siguradong nadagdagan na naman ang savings niya sa banko. Time to relax a little.
Ang relaxation ni Martha ay pangkaraniwan lang. Tumatambay siya sa isang Internet Café malayo sa kanyang inuuwian. Hindi siya dapat nag-iiwan ng bakas. Ang mga aktibidad niya ay malayo dapat sa lugar na kanyang tinitirahan.
Ang Internet Café na iyon ay nasa outskirt na ng Metro Manila. Aakalain ng ibang nagrerenta roon na isa lang siya sa mga nakatira sa tabi-tabi, o estudyante sa kalapit na kolehiyo. Naglaro ng Counterstrike si Martha at nang mapagod ay nagbasa ng entertainment news sa net. Nanganak na pala si Angelina Jolie. May hush-hush sa anak nina Tom Cruise at Katie Holmes. On the local scene, ang daming isyu sa mga online tabloids at naintriga rin siyang magbasa. She thought, Sino na kaya ang mga cutie sa showbiz ngayon? sabay sip sa hawak-hawak na bottled ice tea. Napangiti siya. Naalala na noong bata pa siya ay gustung-gusto niyang mag-artista, mapasama sa cast ng Tabing Ilog.
Napahinto siya sa pag-sip. Naalala na naman niya ang kanyang kabataan. Malulungkot na naman siya.
Ikinabit niya sa tenga ang headset and for a while ay nakinig ng mga MP3 songs. That’s better, bulong niya sa sarili. Hindi ito ang oras para magsenti.
Eksaktong alas tres ng hapon ay sinilip niya online ang kanyang bank account. Napangiti siya. Dumating na nga ang kabayaran. Kailan kaya uli ang susunod? Hmmm, nakakasanayan na niya talaga.
Hindi alam ni Martha, kanina pa may lihim na nakatingin sa kanya. Humahanga...
***
REGULAR customer din sa Internet Café na iyon si Eric. At lagi niyang nakikita roon, bagama’t hindi madalas, si Martha. Pamilyar na sa kanya ang magandang dalaga. Naaakit siya sa bubbly na personalidad nito. Para bang pag ngumiti ay gumagaan ang anumang bagay na mabigat.
Gaya ng dala-dala niya sa dibdib.
Napailing si Eric.
Bahagyang lumingon si Martha.
Sa maikling sandali ay nagtama ang kanilang mga mata. Saglit na saglit, dahil nang tangkain ni Eric na ngumiti ay agad nang nagbawi ng tingin ang dalaga.
At gaya ng dati, tatalunin siya ng hiya na lapitan ito, at magtapon ng simpleng ‘Hi!’ kahit hindi niya tiyak kung ire-recognize nito iyon.
Saglit pa ay natanaw ni Eric na tumayo na si Martha.
Muli siyang nanghinayang. Pero hindi bale, naisip niya. Marami pa namang araw.
Nang lumabas ng Internet Café si Martha ay nanghahaba ang leeg niya sa paghabol dito ng tingin. Iisa ang tiyak niya, walang boyfriend na sumusundo rito. Ah, baka may ka-chat na BF sa abroad.
Ewan ni Eric kung bakit nakadama siya ng selos. Siya na rin ang pumawi sa naisip. Nag-research lang iyon, anang isip niya.
Next time, titiyakin na niyang sa anumang paraan ay makipag-interaksyon dito.
***
(Note: Ang mga kasunod na chapter ay sa mga Internet Cafés ko na sinulat para ma-feel ko ang atmosphere at wala akong na-save na file. Iyon pa naman ang mga kabanata na maraming banatan [read: sex and violence].)

2 comments:

Unknown said...

Very engaging ang nobela mo KC, para akong nagbabasa ng Pinoy Fredrick Forsyth...

BTW, ano nga pala ang address sa Bicol ni Rodel Noora, baka mapasyalan ko siya doon balang araw. Ano ang email address niya ? siya yung nag-illustrate ng WereWolf story ni Ofel di ba ?

kc cordero said...

auggie,
di ko na ma-recall address ni rodel sa bicol. yap, siya 'yung illustrator ng rabido. heto ang e-mail niya:
rodel_noora@yahoo.com